Professional Documents
Culture Documents
Pananaliksik
Pananaliksik
Pananaliksik
- Sistematiko, matalino, at etikal na pagkalap ng impormasyon upang masagot ang isang tanong o malutas ang isang suiranin.
Sistematiko dahil hinihingi nito ang pagsunod sa isang planadong proseso. May mga hakbang na kailangang sundin upang
matiyak na tama at maaasahan ang mga resultang makakalap, at naaayon sa pondo at oras ang gawain, lalo pa at nililimitahan
ng mga usaping ito ang pananaliksik. Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging iskolar ng mananaliksik. Naiintindihan
niya dapat ang paksang sinasaliksik niya; alam niya kung paano pipiliin ang mga impormasyong pakikinabangan niya at
hindi; kaya niyang lapatan ang mga ito ng malalim na pagsusuri; at kaya niyang ipaliwanag sa mundo ang kabuluhan ng
kaniyang pananaliksik. Etikal naman ito dahil kailangang panatilihin ng mananaliksik ang katapatan sa buong proseso at
iwasan hangga’t maaari ang paglabag sa karapatan ng ibang taong maaaring masangkot sa pananaliksik, gaya ng mga
kukunin niyang respondent o ang mga awtor ng mga sangguniang gagamitin niya.
2. Sistematikong pag-uusisa upang patunayan at makuha ang anumang kabatirang hinahangad natin ( Mercene, 1983 ).
3. Mapanuri at kritikal na pag-aaral ukol sa isang isyu, konsepto at problema ( Semorlan, 1999 ).
4. Isang masistemang pag-aaral ng kahit anong paksa sa layuning masagutan ang mga katanungang itinatanong ng mananaliksik
( Parel, 1973 ).
6. Pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin; pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para
sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon ( E. Trece at J.W. Trece, 1993 ).
7. Isang maingat, kritikal, disiplinadong pag-alam sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng
natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito ( Good, 1993 ).
8. Sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin ( Aquino, 1994 ).
9. Isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong
pamamaraan ( Manuel at Medel, 1976 ).
10. Formulated in a more comprehensive form, research may be defined as a purposive, systematic and scientific process of
gathering, analyzing, organizing, presenting and interpreting data for the solution of a problem, for prediction, for invention, for
the discovery of truth, or for the expansion or verification of existing knowledge, all for the preservation and improvement of the
quality of human life ( Calderon, at Gonzales, 1993 ).
11. Ang pinakamalaking industriya sa daigdig dahil nagaganap ito sa halos lahat ng dako, gaya ng mga laboratoryo at aklatan,
kasukalan ng kagubatan at kailaliman ng karagatan, sulok ng mga kuweba at layo ng kalawakan, sa mga tanggapan, sa
cyberspace, maging sa mismo nating mga tahanan (Booth, Colomb at Williams, 2008).
12. Ang buong proseso ng pananaliksik ay maaaring humantong sa: (1) pagbubuo ng bagong kaalaman, (2) balidasyon o pagpapatibay
ng iba pang pag-aaral, at (3) pagbuwag ng lumang kaalaman at paniniwala (Nuncio at Morales-Nuncio, 2004).
7. Kontrolado - lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Hindi dapat baguhin, ano mang pagbabagong
nagaganp sa asignatura na pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol na kailangang-kailangan sa mga
eksperimental na pananaliksik.
8. Empirikal - kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na
nakalap.
9. Mapanuri - ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat
ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalasang gumagamit ang mananaliksik ng mga nabalideyt nang
pamamaraang pang-estadistika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.
10. Lohikal, obhetibo at walang pagkiling - lahat ng tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa
mga empirikal na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik. Walang puwang dito ang
sariling pagkiling.
11. Gumagamit ng mga kwantiteytib o istatistikal na metodo - ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at
masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.
12. Isang orihinal na akda - ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o
lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang
first-hand.
13. Akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon - bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang
tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Lahat ng kongklusyon ay
kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya.
14. Matiyaga at hindi minamadali - upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat
hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa ng walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matibay
na kongklusyon at paglalahat.
15. Pinagsisikapan - walang pananaliksik na hindi pinagsisikapan. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang
maging matagumpay.
16. Nangangailangan ng tapang - kailangan ang tapang ng mananaliksik sapagkat maaaring makaranas ng mga hazards at
discomforts, gayundin ng di-pagsang-ayon ng publiko at lipunan at di-pagkakaunawaan sa pagitan ng kasamang mananaliksik
habang nananaliksik.
17. Maingat na pagtatala at pag-uulat - lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay
makaaapekto sa tuklas ng pananaliksik. Kailangan ding maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik
para sa angkop na dokumentasyon at kadalasan ay sa pasalitang paraan o oral defense.
19. Validity - pagiging tama o mali ng resulta ng pananaliksik at tumitiyak kung maaari bang maging kapaki-pakinabang ang
pananaliksik. Maaring mabisa nga ang instrumento ng pananaliksik ngunit sa uri ng pananaliksik ay hindi ito angkop. Itinuturing
ng nakararami na magkaugnay ang validity at ang pagiging mapagkakatiwalaan ng pananaliksik ngunit higit na mahalaga ang
validity dahil kung hindi valid ang mga isinasagawa sa pananaliksik, mawawalan ng saysay ang gawaing pananaliksik.
20. Kawastuhan - tumutukoy sa kaangkupan ng mga kagamitan ng pananaliksik sa isinasagawang pananaliksik. Dapat ay maaaring
pag-ugnay-ugnayin ang lahat ng kasangkapan sa pananaliksik upang matiyak na wasto ang pananaliksik.
21. Kredibilidad - kailangang maingat na piliin ang mga hanguan ng impormasyon. Tiyaking ang mga pinagkunan ay
mapagkakatiwalaan at kung may nakapanayam man, kailangang matiyak na siya ay taong kinikilala sa larangan ng pinag-
uusapan.
22. Generalizability - mahalagang tiyakin na ang resulta ng pananaliksik ay maaaring maikapit sa mas malalaking populasyon kung
kaya’t sa pagpili ng sample size, kailangang tiyakin na ito ay maaaring kumatawan sa mas malalaking bilang.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Wika nga
nina Good at Scates (1972), The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.
1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.
Halimbawa:
Ang alkohol ay isa nang batid na penomena at sa pamamagitan ng pananaliksik, maaring makalikha ng isang fuel mula
sa alkohol na ang kalidad ay katulad ng sa gasolina (Calderon at Gonzales, 1993).
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon
Halimbawa:
Ang kanser ay isang malubhang sakit na hindi pa nahahanapan ng ganap na lunas, ngunit sa pamamagitan ng mga
intensib at patuloy na pananaliksik, ang sakit na ito ay maaaring malunasan na sa hinaharap (Calderon at Gonzales, 1993)
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng bagong instrumento o produkto.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng pananaliksik sa komunikasyon at teknolohiya, napakikinabangan na natin sa kasalukuyan ang mga
makabagong kagamitan tulad ng kompyuter, cellphone, fax machine at iba pa. Inaasahan na bunga ng patuloy na pananaliksik sa
larangang nabanggit, higit sa sopistikado at episyente ang mga kagamitang maiimbento at gagamitin sa hinaharap (Calderon at
Gonzales, 1993).
Halimbawa:
Dati-rati, mayroon lamang tayong siyamnapu’t dalawang (92) elements, ngunit bunga ng pananaliksik, mayroon na
ngayong higit sa isandaan (100)(Calderon at Gonzales, 1993).
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
Halimbawa:
Bunga ng pananaliksik, napag-alaman ang mga negatibong epekto ng metamphetamine hydrochloride sa katawan ng tao
na nagsilbing dahilan upang ideklara itong isang ipinagbabawal na gamot (Calderon at Gonzales, 1993).
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.
Halimbawa:
Bunga ng mga pananaliksik, napag-alaman na ang mga mag-aaral sa hayskul ay kulang sa kaalaman at kasanayan sa
paggamit ng wika sa mga iskolarling diskurso. Ito ang naging isa sa mga dahilan upang ipasya ng DepEd na baguhin ang
kurikulum sa batayang edukasyon kung kaya’t sa kasalukuya’y ipinatutupad ang Basic Educatin Curriculum o BEC (Calderon at
Gonzales, 1993).
Halimbawa:
Naging misteryoso kay Thomas Edison kung paano nangingitlog ang manok. Bunga ng kanyang kuryosidad sa bagay
na ito, nagsaliksik siya at kalauna’y nakaimbento ng tinatawag na incubator (Calderon at Gonzales, 1993).
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng pananaliksik hinggil sa mga isda, maaaring ma-verify ng mga mananaliksik ang mga kaalamang una
nang natuklasan ng mga naunang pananaliksik o di kaya nama’y maaari silang makatuklas ng mga bagong kaalaman hinggil sa
mga katangian at kalikasan ng mga isda na maaaring pakinabangan ng mga mangingisda, mangangalakal at maging mga
mamimili(Calderon at Gonzales, 1993).
Sa patuloy na pananaliksik na kaakibat ng pagbabasa, napupukaw ang kamalayang pansarili. Ang walang kahala-
halagang bagay sa kanya, ngayon ay napagtutuunan na ng pansin at nakikita ang importansya ( Ordoñez et al., 2007 ).
Halimbawa:
Dapat palang maglunsad ng pananaliksik upang makita ang pagkakaiba-iba sa maraming larangan katulad ng mga
itinayong kainan sa paligid ng kabayanan ang Jollibee, McDonald’s, Greenwich, KFC, Max’s at iba pa.
10. Upang mabatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa isang partikular na bagay.
Halimbawa:
Sa pamamagitan ng pananaliksik mababatid ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral at maging ng mga gurong di-
nagtuturo ng Filipino sa 2001 Revisyon ng Alfabetong Filipino o ng 1987 Ortograpiya na ibinalik lamang kamakailan (
Ordoñez et al., 2007 ).
Sa paaralan, karaniwan nang pinagsasaliksik ang mga mag-aaral. Isa itong akademikong pangangailangan sa halos kahit na
anong larangan o disiplina. Ang dahilang nito’y ang katotohanang walang larangan o disiplina ang hindi maaaring umagapay sa
patuloy na nagbabagong panahon. Samakatwid, ang pananaliksik ay isang esensyal na pangangailangan sa ano mang propesyon. Kung
gayon, masasabing ang paggawa ng pananaliksik sa akademya ay isang paghahanda sa propesyong pinagpapakadalubhasaan ng mga
mag-aaral na kalaunan ay kanilang kabibilangan, at isa rin itong pagsasanay sa siyentipikong pagdulog ng paglutas ng mga suliranin
sa makatotohanang larangan na tinatawag nating ... buhay.
Kaakibat ng pananaliksik ang pagsulat ng papel-pampananaliksik o pampamanahong papel. Sa mga paaralang gradwado,
tisis o disertasyon ang tawag dito. Isa itong paraan ng pag-oorganisa at paglalahad ng mga datos na nakalap sa pananaliksik. Isa itong
pinakamahusay na manipestasyon ng kasanayan sa akademikong pagsulat na ayon sa ilang pag-aaral ay hindi gamay ng maraming
Pilipinong mag-aaral. Kung tutuusin, may mga propesyonal na ngang hindi pa rin nakasusulat ng mga akademikong ulat na kailangan
sa kani-kanilang propesyon. Samakatwid, ang pagsulat ng papel-pampananaliksik o pampamanahong papel ay nararapat lamang
pagtuunan ng pansin sa akademya.
2. Lumalawak ang karanasan - sa maraming nakakasalamuha sa pangangalap ng datos, sa maraming nababasa, at sa mismong
pagbuo ng pag-aaral, naiibang karanasan ang nadarama ng mananaliksik.
3. Nalilinang ang tiwala sa sarili - ang sinumang tao, kapag maayos na nagampanan ang tungkuling hinarap at ito’y naaayon sa
tamang resulta, nakasisigurong nalilinang ang pagmamalaki at tiwala sa sarili.
4. Nadaragdagan ang kaalaman - bagong kaalaman ang dulot sa mananaliksik ng gawaing pananaliksik at mabigyan ng
interpretasyon, bagong pagkatuto sa mananaliksik ang mga pangyayari.
2. Matiyaga - kakambal ng sipag ang tiyaga. Sa pangangalap kasi ng mga datos, kailangang maging pasensyoso ang isang
mananaliksik. Kailangan niyang pagtiyagaan, hindi pa man iminumungkahi ng tagapayo, ang pangangalap ng mga datos mula sa
iba’t ibang hanguan tulad ng mga aklat, magasin, pahayagan, journal, tisis, disertasyon, manuskrito, manipesto, polyeto, praymer,
imbestigasyon, obserbasyon at mga website sa internet.
3. Maingat - sa pagpili at paghihimay-himay ng mga makabuluhang datos, kailangang maging maingat ang isang mananaliksik. Lalo
na sa dokumentasyon o sa pagkilala sa pinagkunan ng datos at pinagmulan ng anumang ideya, ang pag-iingat ay kailangan upang
maging kapani-paniwala ang resulta ng pananaliksik. Kailangan ding maingat na tiyakin ang iba’t ibang panig ng paksang
sinisiyasat at maingat na tiyaking may sapat na katibayan o balidasyon ang anumang posisyon o interpretasyong ginawa sa
pananaliksik.
4. Sistematik - kailangang sundin ng mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa pagkakasunud-sunod. Kailangang maging
sistematiko upang di maiwaglit ang mga datos sa sandaling kailangan na niya ng mga ito.
5. Kritikal o mapanuri - ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain na pinaglalaanan ng buhos ng isip. Kailangang maging kritikal
o mapanuri sa pag-ieksamen ng mga impormasyon, datos, ideya o opinyon upang matukoy kung ang mga ito ay valid,
mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan. Kailangang timbang-timbangin ang katwiran ng mga impormasyon upang kanyang
mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ang kanyang mapakikinabangan sa kanyang pananaliksik.
MGA PANANAGUTAN
Katapatan ang pinakapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik na kailangan niyang maipamalas sa pagkilala ng
pinagkunan ng kanyang mga datos at iba pang ideya o impormasyon sa kanyang pananaliksik. Nangangahulugan ito na:
3. Hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyang ng karampatang pagkilala; at
4. Hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa
isang partikular na pananaw (Atienza et. al., 1996).
Sa aklat naman nina Dr. Lakandupil Garcia et. al. (2008), tinukoy ang ilan sa mga responsibilidad ng sinumang
mananaliksik:
1. Magkaroon ng panimulang kaalaman kung paanong isinasagawa ang pananaliksik. Ang kaalamang ito ang gagabay sa mga
hakbanging isasakatuparan sa pananaliksik;
2. Alamin at pumili ng napapanahong paksa para sa isang partikular, tiyak at napapanahong paksa para sa kanyang magiging
pagsasaliksik. Inaasahang siya ay may kakayahang mapaghiwalay ang mga ideyang batay lamang sa mga haka-haka o opinyon at
sa iniisip lamang na pangyayari;
3. Mabigyang-kahulugan ang suliranin ng pananaliksik. Tungkulin ng mananaliksik na masuri niyang mabuti ang lahat ng aspekto
ukol sa suliranin ng pananaliksik. Ang pagtukoy niya sa lahat ng bagay ukol sa mga suliraning nais niyang isama sa pananaliksik ay
makapagbibigay-linaw at balidong resulta sa mga nais niyang matuklasan;
4. Pumili ng mga impormasyong kailangan at mahalaga sa ikalulutas ng mga suliranin. Tungkulin ng mananaliksik na gamitin ang
kanyang kaalaman tungkol sa iba’t ibang pamamaraan sa pangangalap ng mga datos at maging ang mga nakalap niyang mga datos
ay kailangan pa ring masuri;
5. Kumilala ng mga palagay/hinuha na may kinalaman sa suliranin ng pananaliksik. Kailangang makita ng mananaliksik ang
kaugnayan ng kanyang mga hinuha sa ginagawang pananaliksik. Ang mga hinuhang ito ang magpapalinaw sa direksyong tinatahak
ng pananaliksik subalit dapat tandaan ng mananaliksik na ang mga hinuhang ito ay hindi kailangang mapatunayang tama o kaya
naman ay mali;
6. Kakayahang gumawa ng makabuluhang kongklusyon mula sa kanyang mga inaasahan, palagay o hinuha at mga mahahalagang
impormasyon. Ang isang di-makatwirang kongklusyon ay nabubuo kung ang mananaliksik ay di-makatarungan sa kanyang
paghuhusga at ang mga paghuhusgang ito ay ayon lamang sa kanyang personal na batayan;
7. Kakayahang lumikha ng makabuluhang palagay. Ang mga mananaliksik ay kailangang maingat sa pagsasagawa ng mga hinuha
upang maging makabuluhan ang mga hinuhang ito sa aktwal na proseso ng pananaliksik - lalo na sa pananaliksik na may kasangkot
na mga pagsubok o pagsasanay;
8. Sanay manghusga sa katumpakan ng mga ginamit na pamamaraan patungo sa pagbuo ng kongklusyon. Sa isang siyentipikong
pananaliksik, ang pagpili ng pamamaraang gagamitin ay isa sa pinakamahalagang desisyong nararapat pagpasyahan. Ganoon din,
ang proseso ng paghihinuha ay gumagaganap ng isang mahalagang tungkulin sa kabuuan ng pananaliksik. Ang kongklusyong di-
mabuti ang pagkakabuo ay nakapag-aalinlangan; at
9. Maalam sa pagtataya ng kahalagahan ng nabuong kongklusyon. Nararapat na mapatunayan ng mananaliksik na ang nabuong
kongklusyon ay makabuluhan, nababagay at nagbibigay-linaw sa mga ginawang rekomendasyon.
A. PLAGYARISMO - pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang aklat, programa,
himig at iba pa, na hindi kinkilala ang pinagmulan o kinopyahan. Isang uri ito ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil
inaangkin mo ang hindi iyo (Atienza, et .al.,1996). Ito ay paglabag sa R. A. Bilang 8293 na kilala rin sa tawag na Intellectual
Property Code of the Philippines.
PALARAWAN (Descriptive) - sinasaklaw nito ang kasalukuyan. Pinag-aaralan ang mga pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at
kalagayan. Halimbawa: pag-aaral sa mga suliranin ng mga mag-aaral na naninirahan sa mga boarding houses at ang nagiging epekto
nito sa kanilang pag-aaral.
EKSPERIMENTAL - ang pinag-uukulan nito ng pansin ay ang hinaharap at kung ano ang mangyayari. Halimbawa: eksperimentong
gagawin ng isang guro upang malaman kung aling paraan ng pagtuturo ang gagamitin upang madaling matuto ang kanyang mga mag-
aaral; tinatawag itong action research - isang uri ng pananaliksik na ang karaniwang layunin ay mabigyan ng ebalwasyon ang
kasalukuyang kalakaran at humanap ng mas mabuting alternatibo.
PANGKASAYSAYAN (Historical) - sinasaklaw ng uring ito ang nakalipas. Sinusuri rito ang mga pangyayari, ang pag-unlad, ang
mga dahilan ng bagay-bagay, at sanhi at bunga. Halimbawa: pag-aaral ukol sa pag-unlad ng ating pambansang wika.
PAG-AARAL NG ISANG KASO (Case Study) - isang malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan, isang pasyente,
isang usapin o kaso sa hukuman, o kaya’y isang mabigat na suliranin. Halimbawa: pag-aaral sa kaso ng isang sugapa sa ipinagbabawal
na gamot na naging dahilan ng pagkakapasok niya sa rehabilitation center.
GENETIC STUDY - pinag-aaralan at sinusuri nito ang pagsulong at pag-unlad ng isang paksa. Halimbawa: pag-aaral sa yugto ng
pagdadalaga/pagbibinata ng isang tao.
PAMAMARAANG NABABATAY SA PAMANTAYAN (Normative) - dito’y inihahambing ang resulta ng isang pag-aaral sa isang
umiiral na pamantayan. Halimbawa: paghahambing na nagampanan sa Ingles ng mga nasa ikatlong baitang sa isang dibisyon sa
Pambansang Pamantayan sa Ingles ng mga nasa ikatlong baitang.
HAMBINGANG PAMAMARAAN (Comparative Analysis) - ginagamitan ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos.
Halimbawa: pag-aaral ng bunga ng edukasyon sa mga mag-aaral ng paaralang publiko at paaralang pribado.
ARGUMENTATIVE PAPER - naglalaman ng mga argumento, mga personal na pananaw ng mananaliksik at mga solusyon.
Karaniwang natutungkol sa mga kontrobersyal na usapin. Naglalaman ng walang pagkiling na pagtalakay ng dalawang panig ng isang
isyu. Ang isang mahusay na argumentative paper (Oliver, 2008) ay naglalaman ng in-text citation mula sa mga mananaliksik na
naghaharap ng lohikal na mga impormasyon mula sa dalawang panig ng isyu at sa katapusan ay naghaharap ng isang kongklusyon
kung saan sinuri niya ang kalakasan at kahinaan ng bawat argumento.
ANALITIKAL - naglalaman ng samu’t saring impormasyon na nagsusuri ng iba’t ibang pananaw kaugnay ng isang paksa. Malawak
ang pagtalakay ng mananaliksik at naghahain siya ng isang pangkalahatang kongklusyon sa katapusan ng pananaliksik.
SANHI AT BUNGA - karaniwang ginagamit sa larangan ng edukasyon at pangangalakal. Sinusuri ng mananaliksik ang mga
posibleng kahihinatnan o bunga mula sa isang partikular na aksyon sa isang lohikal na pagkakasunud-sunod (Oliver, 2008).
REPORT - isang uri ng pampropesyonal na pananaliksik. Kabilang sa uring ito ang project reports, annual reports, quarterly o half-
yearly reports, at focus group reports.
SUBJECT-BASED REPORTS - pinakakaraniwang uri ng pananaliksik na isinasagawa ng mga mag-aaral sa paaralan at karaniwang
natutungkol sa mga paksang ibinibigay ng guro. Isinasagawa ng mag-aaral upang makapangalap ng impormasyon bago isulat ang
mismong ulat.
SURVEY RESEARCH - nangangalap ang mananaliksik ng impormasyon pagkatapos ay susuriin niya ang datos na nakalap at iuulat
ang anumang resulta ng pag-aaral. Nabibilang dito ang public opinion polls, mall surveys, telephone surveys, at consumer surveys.
B. Pamagating Pahina - ang pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong-papel. Nakasaad dito kung kanino iniharap o
ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito pangangailangan, kung sino ang gumawa, at panahon ng komplesyon. Nakaayos ng
pabaliktad na piramide ang mga impormasyon sa pahinang ito.
C. Dahon ng Pagpapatibay - ang pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagtanggap ng guro ng pamanahong-
papel.
D. Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy dito ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat
ng pamanahong-papel at kung gayo’y nararapat pasalamatan o kilalanin.
E. Talaan ng mga Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-papel at nakatala ang
kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
F. Talaan ng mga Talahanayan at Grap - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan/grap na nasa loob ng pamanahong-papel at
ang bilang ng pahina na katatagpuan ng bawat isa.
G. Fly Leaf 2 - isa na namang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel.
B. Layunin ng Pag-aaral - inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy dito
ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
C. Kahalagahan ng Pag-aaral - inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rito
ang maaaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang indibidwal, pangkat, institusyon, propesyon, disiplina o
larangan.
D. Saklaw at Limitasyon - tinutukoy ang simula, at hangganan ng pananaliksik. Itinatakda rito ang parameter ng pananaliksik dahil
tinutukoy rito kung anu-ano ang baryabol na sakop ng pag-aaral.
E. Depinisyon ng mga Terminolohiya - ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng
kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal ( batay sa istandard na depinisyon ng mga katawagan) at operasyonal
(batay sa kung paano ginamit sa pamanahong-papel).
B. Kaugnay na Pag-aaral - ipinaaalam dito ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa.
Hangga’t maaari, ang mga pag-aaral at literaturang gagamitin ay yaong lokal at dayuhan. Tiyakin din na ang materyal na
gagamitin ay nagtataglay ng mga katangiang tulad ng: a) obhetibo o walang pagkiling; b) nauugnay o relevant sa pag-aaral; at c) sapat
ang dami o hindi napakakakaunti o napakarami.
B. Respondente - tinutukoy kung sino sila, paano at bakit sila ang napili.
C. Instrumento ng Pananaliksik - inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon.
Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung paano at bakit ginawa ang bawat hakbang. Maaring
mabanggit dito ang interbyu o pakikipanayam, pagko-conduct ng sarbey at pagpapasagot ng sarbey-kwestyoneyr sa mga respondente
bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang aplikabol sa isang deskriptib-analitik na disenyo.
D. Tritment ng mga Datos - inilalarawan kung anong istatistikal tritment na ginamit upang ang mga numerikal na datos ay
mailarawan. Dahil ito’y isang pamanahong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na istatistikal tritment. Sapat
na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondente.
KABANATA IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grapik na
presentasyon. Sa teksto inilalalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.
B. Kongklusyon - mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga
datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
C. Rekomendasyon - mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.
B. Apendiks - tinatawag ding dahong dagdag; maaaring ilagay dito ang mga liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng
interbyu, sampol ng sarbey-kwestyoneyr, biodata ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.
2. Abstrak - naglalaman ng buod ng pananaliksik, resulta ng pananaliksik nang hindi lalagpas sa 200 salita. Mahalagang maingat
itong maisagawa dahil ito ang karaniwang binabasa ng mga taong interesadong mabasa ang ginawa mong pananaliksik.
3. Introduksyon - dito ipinakikilala ang isinagawang pananaliksik. Makatutulong ang paglalagay ng maikling kaligirang
pangkasaysayan na naging daan sa paglulunsad ng pananaliksik upang maunawaan ng mambabasa ang konteksto ng pananaliksik.
Huwag kalilimutang kilalanin ang pinaghanguan ng impormasyon.
4. Pamamaraan - sa bahaging ito ipinaliliwanag ang pamamaraang isinagawa upang matamo ang layunin ng pananaliksik. Nakasaad
din ang mga kagamitang kinasangkapan sa pananaliksik, gayundin ang iskedyul ng mga gawain, lalo na sa pananaliksik na may
kalakihan ang saklaw.
5. Resulta - mahalagang maisama sa katawan ng pananaliksik ang kinalabasan ng pag-aaral ngunit kailangang ilimita ang datos sa
mahahalagang punto lamang mainam na ilagay ang iba pang datos sa apendiks ng pananaliksik upang hindi malito ang mga
mambabasa.
6. Diskusyon/kongklusyon - sa diskusyon tinatalakay ang nasabing resulta ng pananaliksik. Inilalarawan ang mga kinalabasan ng
mga pamamaraang ginamit sa pananaliksik. Inilalarawan ang resulta at binibigyan ng paliwanag na may pinagbabasehang teorya.
Sa pagtalakay sa resulta, mahalagang mailarawan ang kahalagahan ng kinalabasan ng pag-aaral, mapatunayan man o hindi ang
binuong haypotesis sa simula. Dito rin inilalahad kung ano ang mahalagang natutunan o nabuo mula sa pananaliksik.
7. Bibliograpiya - dito nararapat itala ang lahat ng mga pinaghanguan ng impormasyon para sa pananaliksik. Mahalagang kumpleto at
wasto ang detalye upang maiwasang maakusahan ng pangongopya.
Hanguang Primarya
A. Mga indibidwal o awtoridad
B. Mga grupo o organisasyon ( pamilya, asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o minorya, bisnes, samahan, simbahan at
gobyerno)
C. Mga kinagawiang kaugalian (relihiyon at pagaasawa, sistemang legal at ekonomiko)
D. Mga pampublikong kasulatan o dokumento (konstitusyon, batas-kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala,
katitikan sa korte, sulat, journal, at talaarawan o dayari)
Hanguang Sekundarya
A. Mga aklat ( diksyunaryo, ensayklopedya, taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas)
B. Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter
C. Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng pasibiliti, nailathala man o hindi, at
D. Mga monograp, manwal, polyeto, at manuskrito at iba pa.
Hanguang Elektroniko
A. Internet - isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos
Tatlong Yugto ng Pananaliksik sa Silid-aklatan
A. Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang-aklat, bibiliograpi, indeks at hanguang elektroniko o internet.
F
PL
6165.4.R9 Rubin, Ligaya Tiamson
P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan
2000 Ligaya Tiamson-Rubin. --
Manila: De La Salle University Press, Inc. C2000
179p. 23cm
ISBN 971-555-335-4
2. Kard ng Awtor - nangunguna sa entri ang pangalan ng awtor bago pa ang ibang entris.
RUBIN, L.T.
F
PL
6165.4.R9 Rubin, Ligaya Tiamson
P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan
2000 Ligaya Tiamson-Rubin. --
Manila: De La Salle University Press, Inc. C2000
179p. 23cm
ISBN 971-555-335-4
3. Kard ng Pamagat - ang unang entri sa kard na ito ay ang pamagat ng libro.
F
PL
6165.4.R9 Rubin, Ligaya Tiamson
P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan
2000 Ligaya Tiamson-Rubin. --
Manila: De La Salle University Press, Inc. C2000
179p. 23cm
ISBN 971-555-335-4
B. Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa
mga babasahin.
C. Pagbabasa at pagtatala mula sa mga aklat, sanaysay, artikulo, computer printouts, at iba pang sanggunian
2. Ilahad ang paksa bilang isang katanungan - nagkakaroon ng direksyon ang pananaliksik dahil itutuon ng mananaliksik ang
kaniyang pokus sa paghahanap ng sagot sa katanungang nabuo.
3. Paglilimita ng paksa - makatutulong upang maayos na maisagawa ang pananaliksik. Maaring gamitin ang mga sumusunod sa
paglilimita ng paksa (Bernales et .al., 2008): a) panahon; b) edad; c) kasarian; d) perspektibo; e) lugar; f) propesyon; g) partikular
na kaso; o h) kombinasyon ng dalawa sa itaas o higit pa.
Halimbawa:
4. Ang pangangalap ng datos ay nakadepende sa pamamaraan o uri ng pananaliksik na isasagawa - ang paraan ng pangangalap
ay karaniwang may tuwirang kaugnayan sa ninanais na maging resulta ng pananaliksik. Mahalagang matutunan ang wastong
pagtatala ng impormasyon upang matiyak na hindi makakaligtaan ang mahahalagang impormasyon tulad ng ngalan ng awtor,
pamagat ng aklat at ibang impormasyon na kailangan sa bibliograpiya. Hindi dapat makalimutan ang pinaghanguan ng bawat
impormasyon na kanyang ninanais na ilagay sa kaniyang likha.
Kalakip ng pangangalap ng datos ang pagtatala: tuwirang sipi - paghango ng bawat salita na sinulat ng isang awtor,
pagbubuod, at paraphrasing - muling paglalahad ng kaisipan ng isang awtor gamit ang sarili mong salita (Bernales et.al., 2008).
5. Paglalahad ng tesis ng pananaliksik - ang tesis (The thesis statement, n.d.) - isa o dalawang pangungusap sa teksto na naglalaman
ng pokus ng sanaysay at naglalahad sa mambabasa kung natutungkol saan ang pananaliksik - ang gagabay sa mag-aaral sa
direksyon ng kanyang pananaliksik. Nararapat na fleksibol ang tesis kung saan maaaring maragdagan kung sa proseso ng pagsulat
ay mayroong matuklasang bago na maaaring isama upang mapagbuti ang pananaliksik.
6. Pagbuo ng balangkas - ang balangkas (A research guide for students, n.d.) ay magsisilbing gabay ng mananaliksik kung hanggang
saan ang maaaring talakayin sa isusulat na teksto. Sa pagsasaayos ng balangkas, makatutulong ang sumusunod (Concise guide to
research writing, Ellison, 2010):
A. Kilalanin ang tesis at itala ito bilang pangunahing punto.
B. Itala ayon sa antas ng kahalagahan ang mga mahahalagang punto mula sa iyong pananaliksik na sumusuporta sa iyong tesis.
C. Sa ilalim ng bawat mahalagang punto, itala ang mga ebidensyang magpapatunay sa naturang punto.
D. I-edit ang iyong talaan.
E. Itala ang lahat ng mga ideya ayon sa antas ng kahalagahan.
F. Magdagdag ng pangunahing punto na siyang magpapakilala sa kongklusyon na iyong nais na mabuo ng iyong mga mambabasa
mula sa iyong inihaing impormasyon.
G. Sa ilalim nito ay itala ang mga kadahilanan kung bakit
7. Pagsasaayos at presentasyon ng mga datos - makatutulong ang paglilimita ng impormasyon sa mga lubhang mahahalaga lamang
upang hindi maging daan ng kalituhan ng mambabasa at magiging maayos ang presentasyon kung limitado ito.
Ang pagsasaayos ng datos ay may tuwirang kaugnayan sa uri ng pananaliksik na isinagawa. Anumang pamamaraan ay
dapat tumugon sa kahingian ng uri ng pananaliksik.
Sa paghaharap ng datos, kailangang walang pagkiling ang mananaliksik sa resulta ng pag-aaral. Hindi dapat ikubli ang ilang
impormasyon upang palutangin ang ninanais na ideya.
8. Pagsulat ng unang burador - sa pagsulat ng unang burador, hayaan muna ang mga kamalian sa gramatika at ispeling.
9. Pagrerebisa at Pag-eedit - mahalaga ang pagrebisa (Ellison, 2010) upang matiyak na ang introduksyon ay nanghihikayat ng
mambabasa at malinaw na nagpapahayag ng tesis na tumutugon sa kahingian ng pananaliksik; ang katawan ay sumusuporta sa tesis
at ang kongklusyon ay kinukumbinse ang mambabasa sa halaga ng iyong pananaliksik.
10. Pagsulat ng pinal na papel - ang maingat na pagsasaalang-alang ng mga naunang hakbang ay daan sa higit na mas matagumpay
na pananaliksik.
DOKUMENTASYON
Bukod sa manipestasyon ito ng katapatan ng isang mananaliksik, nagbibigay ito ng kredibilidad sa mga datos at
impormasyong ginamit. Nagiging lubos na kapani-paniwala ang mga datos o impormasyong iyon kung binabanggit ng mananaliksik
ang awtor ng akdang kanyang pinaghanguan.
Lubhang mahalaga ang pagkilala sa pinaghanguan ng impormasyon dahil ang pagbalewala dito ay isang uri ng
pagnanakaw ng intelektwal na pag-aari ng iba sa larangan ng pananaliksik, pamamahayag at literatura na tinatawag na plagyarismo.
Sa kabuuan ng talakayan kaugnay ng pananaliksik, makailang ulit binanggit ang kahalagahan ng in-text citation, at
pagkakaroon ng talaan ng pinaghanguan o bibliograpiya. Karaniwang ginagamit sa kasalukuyan ang estilong APA o American
Psychological Association. Ito ang tinatawag na talang-parentetikal na higit na simple at madaling gawin kaysa footnote. Bukod pa
sa nagagawa nitong maging tuluy-tuloy ang daloy ng teksto sa pagbabasa.
*Tandaan na sa susunod na babanggitin ang teksto, ang ngalan na lamang ng unang awtor ang ilalagay na
susundan ng et .al.
Walang awtor: Kung walang ngalan ng awtor at walang binanggit na taon, banggitin ang teksto sa pamamagitan
ng pamagat o di kaya ay banggitin ang unang dalawang salita na nakapaloob sa panaklong. Ang pamagat ng mga aklat at mga
report ay nakasulat nang pahilig samantalang ang pamagat ng mga artikulo, kabanata at pahina sa web ay nakapaloob sa mga
panipi (In-text citations: Citing authors, n.d.)
Isang pag-aaral ang naisagawa kaugnay ng .......(Understanding Computers, n.d.)
Sa pagkakataong isang organisasyon ang tumatayong awtor ng teksto, banggitin ang buong ngalan ng
organisasyon sa unang pagkakataon kalakip sa tabi nito ang daglat na nakapaloob sa braket at sa mga susunod na pagbanggit
aay ang daglat na lamang ang isusulat.
Dalawang awtor na magkatulad ang apelyido. Upang maiwasan ang kalituhan, ilakip ang inisyal ng mga unang
ngalan ng awtor kasunod ng apelyido:
Di-tuwirang pinaghanguan. Sa loob ng teksto, unang banggitin ang orihinal na pinaghanguan kasunod ang awtor
ng akda kung saan hinango ang teksto.
Hanguang elektroniko. Hindi ito naiiba sa mga akda kung saan awtor-petsa rin ang metodong sinusunod. Sa
pagkakataong walang awtor at petsa, gamitin ang pamagat ng akda o ang unang dalawang salita na nakapaloob sa panaklong
at ilakip ang mga titik na n.d. Upang ilahad ang no date. Sa pagkakataong kailangang itala ang bilang ng pahina ngunit
walang bilang ng pahina ang teksto, isulat ang katagang para na may tuldok na kumakatawan sa salitang paragraph, kasunod
ang bilang ng talata.
Ayon sa Wikipedia.org.....
Tatlo hanggang limang awtor: ..... (San Juan, Pasia, Cimafranca, Salvador at Durano, 1987).
*Tandaan...: ..... (San Juan, et .al., 1987).
Dalawang awtor na magkatulad ang pelyodo: .....(E. San Juan & F. San Juan, 2004).
Sa M.L.A., ang pangalan (apelyido) ng awtor at bilang ng pahina ang inilalagay sa loob ng parentesis. Samantala sa A.P.A.
Naririto ang pangkalahatang tuntunin sa paggamit ng dokumentasyon:
A. Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang isulat sa loob na
panaklong.
Ayon kay Nunan (1977), mahalaga ang pakikipnig sa pag-aaral ng dayuhang wika. Ngunit sa pag-aaral ng
katutubong wika, binibigyan ng higit na pansin sa mga paaralan ang paglinang sa kakayahan sa pagbasa at
pagsulat...
Kung si Nunan ay may ko-awtor (dalawa o higit pa), kailangang may et .al. Matapos ang kanyang pangalan at sa kuwit na
naghihiwalay rito, bago ang taon ng publikasyon
Ayon kina Nunan, et. al. (1977), mahalaga ang pakikipnig sa pag-aaral ng dayuhang wika. Ngunit sa pag-aaral
ng katutubong wika, binibigyan ng higit na pansin sa mga paaralan ang paglinang sa kakayahan sa pagbasa at
pagsulat...
B. Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong teksto, banggitin ito sa hulihan ng pangungusap kasama ang taon ng
publikasyon. Paghiwalayin ang dalawang entris sa loob ng parentesis sa pamamagitan ng kuwit.
Ang lingua franca ay ang wikang ginagamit ng mga taong may iba’t ibang katutubong wika upang sila’y
magkaunawaan (Wardaugh, 1986).
C. Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon.
Inamin ng mga guro ng Oral Communication sa Estados Unidos na ang isang tipikal na mag-aaral sa kolehiyo
ay pinakukuha ng mga kurso sa pagbasa, pagsulat at pagsasalita, ngunit iilan lamang ang nagkakaroon ng
pagkakataong kumuha ng kurso sa pakikinig (Seiler at Beall, 2002).
Inamin nina Seiler at Beall (2002), mga guro ng Oral Communication sa Estados Unidos, na ang isang
tipikal na mag-aaral sa kolehiyo ay pinakukuha ng mga kurso sa pagbasa, pagsulat at pagsasalita, ngunit iilan
lamang ang nagkakaroon ng pagkakataong kumuha ng kurso sa pakikinig.
D. Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang pangunahing awtor sa mismong teksto banggitin na lamang ang
unang awtor sa loob ng parentesis at sundan ng et. al. bago ang taon ng publikasyon.
Sa pananaw na komunikatibo, ang apat na kasanayang pangwika ay hindi pinaghihiwalay kundi nililinang sa
integratibong paraan (Bernales, et al., 2001).
E. Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang apelyido, banggitin ang inisyal ng mga awtor bago ang
kani-kaniyang apelyido at sundan ng taon ng publikasyon.
Ang pananaliksik ay pangangalap ng mga datos sa masinop at kontroladong sitwasyon para sa layuning
prediksyon at eksplanasyon (E. Trece at J. W. Trece, Jr.,1977).
Ayon kina E. Trece at J. W. Trece, Jr., (1977), ang pananaliksik ay pangangalap ng mga datos sa masinop at
kontroladong sitwasyon para sa layuning prediksyon at eksplanasyon.
F. Kung pamagat lamang ang abeylabol na impormasyon, banggitin ang pinaikling bersyon ng pamagat at sundan ng taon ng
publikasyon. Ipaloob ang pinaikling pamagat sa panipi o di kaya’y iitalisado ang tipo ng font.
Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala ng regular na publikasyon na sumasalamin ng
responsableng pamamahayag at ng misyon-bisyon ng Kolehiyo (CBS Student Handbook, 1996).
Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala ng regular na publikasyon na sumasalamin ng
responsableng pamamahayag at ng misyon-bisyon ng Kolehiyo (“CBS Student Handbook,“1996).
G. Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang bolyum, banggitin ang bilang ng bolyum kasunod ng
pangalan ng awtor o mga awtor, ngunit tutuldok (:) ang gamiting bantas upang paghiwalayin ang unang entri sa taon ng publikasyon.
Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas, muling ipinahayag ni Mabini ang kanyang paghihimagsik. Isinulat
niya ang El Liberal na isang panunuligsa sa mga bagong mananakop (Bernales 4: 2002).
H. Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor, banggitin na lamang ang mga akda at paikliin
hangga’t maaari. Ipaloob sa panipi o iitalisado ang mga pamagat.
Sa mga aklat ni Bernales (Sining ng Pakikipagtalastasan at Mabisang komunikasyon), tinukoy ang mga
pangunahin at unibersal na katangian ng wika.
Sa mga aklat ni Bernales (“Sining ng Pakikipagtalastasan” at “Mabisang komunikasyon”), tinukoy ang mga
pangunahin at unibersal na katangian ng wika.
Tandaan agad na inilalagay ang talang parentetikal pagkatapos ng salita o ideyang hiniram at ito’y ipinoposisyon bago ang
bantas sa loob o katapusan ng pahayag maging iyon man ay tuldok (.), tandang-pananong (?), padamdam (!), kuwit (,), tutuldok (:),
tuldok-kuwit (;), tulduk-tuldok (...), o panipi (“ ”). Maliban sa tuntunin g, laging kuwit ang ginagamit na bantas sa paghihiwalay ng
mga entris sa loob ng parentesis.
KATANGIAN:
A. Kaisahan - nangangahulugang pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata.
B. Kohirens - tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng talataan.
C. Empasis - tumutukoy sa pagbibigay-angkop at sapat na diin sa datos na nangangailangan niyon.
F. Maikli - ito’y isang teknikal na sulatin at hindi isang akdang literari at malikhain, panatilihin ang pagiging maikli ng pahayag
na gagamitin. Sa teknikal na pagsulat, ang brevity ay isang pangangailangan.
G. Wasto ang gramar - kailangang maging maingat sa konstruksyon ng mga pangungusap, sa pagbaybay at sa paggamit ng
bantas.
H. Lohikal - maaaring ayusin ang mga datos mula sa pinakamalaki/pinakamataas hanggang sa pinakamaliit/ pinakamababa o ang
kabaligtaran nito mula sa pinakakompleks hanggang sa pinaksimple o kabaligtaran nito, mula sa pinakbago hanggang sa
pinakaluma o kabaligtaran nito, mula sa una hanggang sa huli o kabaligtaran nito o mula sa pinakamalayo hanggang sa
pinakamalapit o kabaligtaran nito, depende sa uri at kalikasan ng mga datos na inilalahad sa teksto.
2. TABULAR na PRESENTASYON - dito, ang ginagamit ay isang istatistikal na talahanayan kung saan ang mga
magkakaugnay na datos ay inaayos ng sistematiko. Bawat numerikal na datos ay itinatala sa ilalim ng isang kolum at katapat ng isang
hanay (row) uoang ipakita ang ugnayan ng mga iyon sa isang tiyak, kompak at nauunawaang anyo.
3. GRAPIKAL na PRESENTASYON - ang grap ay isang biswal na presentasyong kumakatawan sa kwantiteytib na baryasyon
o pagbabago ng mga baryabol, o kwantiteytib na komparison ng pagbabago ng isang baryabol sa iba pang baryabol o mga baryabol sa
anyong palarawan o diagramatik ( Calderon at Gonzales, 1993).
2. Bilog na grap - tinatawag ding circle o pie graph. Ginagamit ito upang ipakita ang distribusyon, pagkakahati-hati o dibisyon,
proporsyon, alokasyon, bahagi o praksyon ng isang kabuuan.
3. Bar grap - epektib gamitin upang ipakita ang sukat, halaga o dami ng isa o higit pang baryabol sa pamamagitan ng haba ng
bar.
Lagom
1. Simulan ang lagom sa isang maikling pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng pag-aaral, mga respondente, saklaw, limitasyon
at panahon ng pag-aaral, pamamaraan at instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos at impormasyon at ang disenyo ng
pananaliksik. Hindi na kailangan ang anumang eksplanasyon o pagpapalawig.
2. Ilahad ang lagom sa paraang tekstwal at numerikal sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga importanteng datos.
3. Huwag gumawa ng mga deduction, inference at interpretasyon sa lagom dahil mauulit lamang ang mga iyon sa kongklusyon.
4. Ang mga importatneng tuklas at haylayt ng mga datos ang dapat banggitin sa lagom, lalung-lalo na iyong mga pinagbatayan ng
mga kongklusyon.
Kongklusyon
1. Lahat ng kongklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at impormasyong nakalap.
2. Dapat masagot nang tumpak at maayos ang mga katanungang tinukoy sa Layunin ng Pag-aaral. Mawawalan ng kabuluhan ang
pananaliksik kung ang mga katanungang iyon ay hindi malalapatan ng mga kasagutan sa kongklusyon.
4. Huwag bumuo ng kongklusyon batay sa mga implayd o indirektang epekto ng mga datos o impormasyong nakalap.
5. Gawing maiikli at tuwiran ang mga kongklusyon, ngunit tandaang kailangang maihayag ang mga kailangang impormasyong resulta
ng pag-aaral na hinihingi ng mga tiyak o ispesipik na tanong sa Layunin ng Pag-aaral.
6. Maging tiyak sa paglalahad ng mga kongklusyon. Hindi dapat ipahiwatig ng mga mananaliksik na sila’y may pagdududa o
alinlangan sa validity at reliability ng kanilang pananaliksik. Kailangan kung gayong iwasan ang mga salitang nagpapahayag ng
walang-katiyakan tulad ng siguro, marahil baka, at iba pa.
8. Ang mga kongklusyon ay hindi dapat repetisyon lamang ng mga pahayag sa ibang bahagi ng pamanahong-papel. Samakatwid, ang
isang diwang una nang nabanggit sa ibang bahagi ay kailangang maipahayag sa ibang kaparaanan sa kongklusyon.
Rekomendasyon
1. Ang mga rekomendasyon ay dapat naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa imbestigasyon.
2. Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa anumang suliraning hindi naman natuklasan o natalakay sa pag-aaral.
3. Bagama’t ang mga rekomendasyon ay maaaring maging ideyal, kailangang ang bawat isa’y maging praktikal, naisasagawa,
nakakamit, makatotohanan at makatarungan.
5. Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong nasa posisyong magpatupad ng
bawat isa.
6. Kung may mga mabubuting bagay na natuklasan, kailangang irekomenda ang pagpapanatili, pagpapatuloy at/o pagpapapabuti ng
mga iyon at/o mga hakbang o paraan kaugnay niyon.
7. Maaaring irekomenda sa ibang mga mananaliksik ang pagpapatuloy o pagpapalawak ng isinagawang pag-aaral at/o paggamit ng
ibang saklaw, panahon, lokaliti at populasyon upang ma-verify, ma-amplify o mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral.
Ang mga entris ng sanggunian ay kailangang maging kumpleto sa kapakanan ng iba pang mananaliksik na maaaring
nagbabalak na sumangguni rin sa mga sangguniang nakatala roon. Kung gayon, kailangang matukoy sa listahan ng sanggunian ang mga
sumusunod na batayang impormasyon:
Mga Tagubilin (mula sa A Guide for Research Paper, A.P.A. Style na matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa
htm#content2 ni Burgess, 1995)
3. Isunod ang pamagat ng aklat. Tanging ang unang salita ang nagsisimula sa malaking tiitk at ang mga pangngalang pantangi at subtitle
na karaniwang sumusunod sa tutuldok. Tuldukan ang huling salita ng pamagat.
4. Isunod ang lugar ng publikasyon at ang publisher. Paghiwalayin ang dalwa ng tutuldok. Tapusin ang entri sa isang tuldok.
Aquino, B. 1990. The taming of the millionaire. New York: Random House.
Bernales, Rolando A. 1995. Bukal 3: Pagbasa. San Mateo, Rizal: Vicente Publishing House, Inc.
2. Isunod ang apelyido ng (mga) ko-awtor tularan ang pormat ng unang awtor. Paghiwalayin ang mga pangalan ng awtor ng kuwit,
maliban kung dalawa lamang ang awtor at bago ang huling awtor na ginagamitan ng ampersand (&).Sundin ang tuntunin A.2, A.3 at A.4.
Davis, K. & Newstorm, J. 1989. Human behavior in organization. New York: Mc Graw-Hill.
Tumangan, Alcomtiser P., Bernales, Rolando A., Lim, Dante C. & Mangonon, Isabela A. 2000. Sining ng
pakikipagtalastasan: Pandalubhasaan. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
Ang et. al. (et alibi, and others, at iba pa) ay hindi ginagamit sa listahan ng sanggunian kahit pa mahigit sa dalawa ang awtor ng
isang sanggunian. Sa dokumentasyon (talang parentetikal) lamang ginagamit ang et. al.
2. Isunod ang ed. (nag-iisang editor) o Eds. (dalawa o higit pa) na nakapaloob sa parentesis. Tuldukan.
Almario, Virgilio S. (Ed.). 1996. Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining ng pagtulang Tagalog. Lungsod
ng Quezo: UP Diliman.
Darling, C.W., Shields, J. & Villa, V.B. (Eds.). 1998. Chronological looping in political novels. Hartford: Capitol
Press.
Nadeau, B.M. (Ed.). 1994. Studies in the history of cutlery. (Vol. 4). Lincoln: University of Nebraska Press.
Kung ang multi-bolyum na akda ay hindi inedit at sa halip ay isinulat ng isang awtor, sundin lang ang tuntunin A.1, A.2, E.3 at
A.4.
De Jesus, Armando F. 2000.Institutional research capability and performance at the University of Santo Tomas:
Proposed model for managing research in private HEIs. Di-nalathalang disertasyon, UST.
Grospe, Alas A. 1999. Isang pagsusuri ng mga pamamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa pagsasalin ng mga
idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP Diliman.
2. Isunod ang taon, buwan (kung abeylabol ang petsa, idagdag din ito) na pinaghihiwalay ng kuwit. Tuldukan matapos.
4. Isunod ang pangalan ng journal, magasin dyaryo o newsletter, sundaan ng kuwit, ng bilang ng pahina (huwag gagamit ng p. o pp.)
at tuldukan.
3. Kung di-given ang mga pangalan sa H.1, magsimula na agad sa H.4, tuldukan, isunod ang taon ng unang distribusyon at tuldok muli.
4. Sundin ang tuntunin A.3 ngunit bago tuldukan, isingit ang salitang “Pelikula, Kaset, VCD,o CD” sa loob ng braket.
5. Isunod ang lugar kung saan prinodyus (kung given) sundan ng tutuldok, isunod ang prodyuser at tuldukan. Kung di-given ang lugar,
isunod agad prodyuser at tuldukan.
3. Isunod ang pamagat ng dokumento, ang bilang ng publikasyon (kung mayroon) sa loob ng parentesis at tuldukan.
National Institute of Mental Health. 1982. Television and behavior: Ten years of scientific progress (DHHS
Publication No. A82-1195). Washington, DC: US Government Printing Office.
J. Mga hanguang elektroniko
1. Kung nakapost sa internet ang pangalan ng awtor o kontribyutor, aton at pamagat, sundin ang tuntunin A.1, A.2 at A.3 at isunod ang
sinalungguhitang website o path. Tapusin sa tuldok.
2. Kung pamagat lamang ang abeylabol, simulan sa pamagat, tuldukan at isunod ang website o path na sinalungguhitan.
3. Kung hindi abeylabol ang datos sa J.1 at J.2, ilagay na lang ang sinalungguhitang website.
Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper. APA style. http://webster.commet.edu/apa/apa intro.htm#content2.
Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’ a Love in the Time of Cholera. http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph.
http://latin-americanliterature.edu.ph.
Hangga’t maaari, gumamit na ng kompyuter sa halip na tayprayter dahil sa mga features nitong nakatutulong sa mga
mananaliksik sa pagpapadali ng pagsulat ng pamanahong-papel.
Gamitin ang inkjet o laser na printer dahil mas mabilis ito at mas episyente. Ngunit kung dotmatrix pa rin ang gagamitin,
iminumungkahing nylon cloth.
Ang correction fluid ay angkop gamitin sa makinilyadong kopya, ngunit huwag abusuhin ang gamit nito. Samantala, ang pag-
eedit sa kompyuter ay dapat gawin bago i-print ang isang kopya upang maiwasan na ang paggamit ng correction fluid o manwal na
pagdaragdag o pagbubura sa final na kopya ng pamanahong papel.
Doble ang espasyong dapat gamitin sa pagitan ng bawat linya sa loob ng mga talataan at maging sa pagitan ng isang heading,
sub-heading at simula ng isang talataan. Ang tanging eksepsyon sa tuntuning ito ay ang pagsipi ng isang buong talataan o mahabang
quoted material na isinusulat nang may tig-iisa lamang na espasyo bawat linya at ini-indent pa sa magkabilang panig, higit pa sa
itinakdang margin sa mga karaniwang talataan. Ang isa pang ginagamitan ng isang espasyo ay ang listahan ng mga sanggunian. Ang
mga linya sa loob ng isang entri ay kailangang tig-iisang espasyo lamang, ngunit ang espasyo sa pagitan ng bawat bibliograpikal na
entri ay kailangang dalawa.
Lahat ng mga kabanata bilang, pamagat ng kabanata at mga kasangang-paksa o subtitles ay kailangang nakasentro sa pahina ng
papel. Gayundin ang lahat ng datos na nakapaloob sa pamagating pahina.
3. Font
Sa pagsulat ng pamanahong-papel gamit ang kompyuter, kailangang pumili ng simpleng tipo ng font tulad ng Times New Roman
o Arial. Huwag gagamit ng maarteng tipo. Tandaang ang pamanahong-papel ay isang pormal na sulatin.
Huwag ding gagamit ng labis na maliliit at malalaking tipo. Pinakaideyal na ang font na may sukat na labindalawa (12).
Ang paghahaylayt o boldfacing naman ng font ay kailangang gamitin lamang kung kailan kailangan. Ang mga bilang ng
kabanata, titles at sub-titles ng katawan ng pamanahong-papel ay kailangang i-bold. Gayundin ang pamagat ng iba pang bahagi o
pahina tulad ng Dahon ng Pagpapatibay, Pasasalamat, Talaan ng mga Nilalaman, Listahan ng mga Talahanayan at Grap, Listahan ng
mga Sanggunian at Apendiks.
Samantala, ang italics na font ay kailangan namang gamitin sa mga dayuhang salitang binaybay sa orihinal na ispeling at ginamit
sa loob ng isang tekstong Filipino. Maaari rin itong gawing sabstityut sa panipi (“ “), halimbawa sa mga siniping pahayag, mga
banggit na pahayag at mga pamagat ng akdang binanggit sa loob ng teksto ng pamanahong-papel.
Ang mga salita ay kailangang isulat nang buo hangga’t maaari. Ang maaari lamang daglatin ay ang mga titulo tulad ng G.,Gng.,
Bb., Dr., Prof., Rev., Kgg., PhD., Jr.; mga karaniwan nang akronim tulad ng USA, UNESCO, YMCA; at mga salitang panukat tulad ng
cm., mm., ft., lbs.,; mga pormyula tulad ng H2O, Fe. Huwag na huwag gagamit ng mga pinaikling salita gaya ng nakagawian sa
paggamit ng e-mail at cellphone.
Ang mga buong bilang ay kailangang baybayin, sinusundan lamang ito ng simbulong numerikal sa loob ng parentesis,
halimbawa: labinlima (15), anim na raan at dalawampu’t isa (621), siyamnapung porsyento (90%), dalampung litro (20 liters).
Ngunit ang mga petsa, taon, bilang ng kalye, serial at bilang na may praksyon o puntos-desimal ay maaari nang isulat sa simbulo,
halimbawa: Pebrero 16, 1969, 216 Daang Malvar, Bolyum 2, 1 ¼, 89.23.
5. Bilang ng pahina
Ang bilang ng pahina ay kailangang ilagay sa itaas, gawing kanan o upper right hand corner ng papel. Ang pahina ay
nagsisimula sa katawan ng pamanahong-papel o sa Kabanata I hanggang sa mga huling pahina nito. Hindi na nilalagyan ng bilang ng
pahina ang Fly leaf, Pamagating Pahina, Dahon ng Pagpapatibay, Pasasalamat, Listahan ng mga Talahanayan at Grap at Listahan ng
mga Nilalaman.
6. Pagbabantas
Sundin ang mga alituntuning panggramatika sa pagbabantas. Sumangguni sa mga aklat na tumatalakay sa gamit ng mga bantas.
7. Proofreading at editing
Ang proofreading ay pagwawasto sa mga pagkakamaling tipograpikal.
Ang editing naman ay pagwawasto sa mga pagkakamali sa gramatika, ispeling, pagbabantas o sa pagsipi ng datos.
Batis:
Bernales, Rolando A., Bernardino, Elyria C., Concepcion, Renerio R., Mandane, Vaberlie P., Panganiban, Pelita C., Macalaguim,
Lydia P. & Sevilla, Mercedes M. 2013. Pagbasa, pagsulat at pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, Rolando A. Atienza, Glecy C., Talegon, Jr. Vivencio M., & Rovira, Stanley G. 2009. Kritikal na pagbasa at lohikla na
pagsulat tungo sa pananaliksik. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Bernales, Rolando A., Abenilla, Gerry G., Acaylar, Dulce A., Bernat, Panfila S., Cruz, Maria Anna F., Gonzales, Emmanuel S.,
Hortelano, Margarita R., Mabilin, Edwin R., Macaya, Lilia T & Olores, Edna G. 2009. Pagbasa, pagsulat, pananaliksik.
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Garcia, Lakandupil C., Gonzales, Corazon C., Lartec, Norbert C. Domalanta, Mary Ann B & Cantre, Merllinda C. 2008. Kalatas:
pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Cabanatuan City: Jimcy Publishing House.
Mahalin at Igalang ang Iyong mga Magulang Pamagat: Mahalin at Igalang ang Iyong mga Magulang
Ang mga magulang ang nagbibigay-buhay sa kanilang Panimula: Tungkulin ng mga Anak sa Kanilang Magulang
mga anak. Bilang ganti, tungkulin ng bawat anak na mahalin at
igalang ang kanilang mga magulang.
Maraming paraan upang maipamalas ang iyong Paraan ng Pagpapamalas ng Pagmamahal sa Magulang
pagmamahal sa iyong mga magulang.
Maipamamalas mo ang iyong pagmamahal sa iyong mga A. Paggawa ng mga Bagay na Ikalulugod ng mga Magulang
magulang sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na alam
mong ikalulugod nila.
Halimbawa, mahilig ba sa mga awiting kundiman ang 1. Pagpaparinig ng mga Awiting Magugustuhan Nila
iyong ina? Bakit hindi mo itigil minsan ang pakikinig sa mga a. Kundiman
awiting uso na gustung-gusto mo at hayaan mong making sila sa
mga awiting gusto nila? Mahilig bang magbasa ng mga aklat ang 2. Pagbili ng mga Bagay na Kanilang Kinagigiliwan
iyong ama? Kung gayon, bakit hindi mo siya bilhan ng isang a. Mga Aklat
pocketbook o kahit na anong babasahin mula sa iyong naipong
pera?
Maipamamalas mo rin ang iyong pagmamahal sa iyong B. Pagtulong sa Kanilang mga Gawain
mga magulang sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila upang 1. Pagkusa sa mga Gawaing-bahay
mapagaan ang kanilang mga gawain. Isang halimbawa nito ay
ang pagkukusa sa mga gawaing-bahay.
Marami ring paraan ng pagpapamalas ng paggalang sa Paraan ng Pagpapamalas ng Paggalang sa mga Magulang
iyong mga magulang.
Higit sa lahat, dapat mong ikarangal ang iyong mga C. Pagdangal sa mga Magulang
magulang kahit kanino man, maging sino o ano man sila.
Tandaan, utang mo sa kanila ang iyong buhay. Isipin mo na lang
ang madarama nila kung sila’y ikahihiya mo.