Pagtukoy sa opinyon at katotohanan sa isang teksto
Pagtukoy sa Opinyon at Katotohanan sa isang teksto Ano ang Opinyon? • isang pananaw o paniniwala ng isang tao o pangkat • Saloobin o damdamin • ideya o kaisipan • Hindi maaaring mapatunayan. Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala tulad ng: • sa aking palagay • sa tingin ko • sa nakikita ko • sa pakiwari ko • kung ako ang tatanungin • para sa akin Halimbawa 1. Para sa akin, si Hanna ang pinakamaganda sa lahat. 2. Sa aking palagay ay siya nga ang napangasawa ni Belen. 3. Sa tingin ko, si Meya ay nagsisinungaling. 4. Pakiramdam ko, ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa 5. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.
Ano ang Katotohanan?
• nagsasaad ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng lahat na totoo • hindi nagbabago at maaaring mapatunayan • sinusuportahan ng pinagkunan Ito ay ginagamitan ng mga salita o parirala tulad ng: • pinatutunayan ni • mula kay • Tinutukoy sa/ni • mababasa na atbp.
Halimbawa 1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang
mga out-of school youth. 2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa. 3. Ayon sa bibliya, masama ang pagsisinungaling. 4. Lahat ng buhay ay humihinga. 5. Si Marian Rivera ay isang sikat na artista. Panuto: Basahin ng sabay-sabay at tukuyin kung ang pangugusap ay opiyon lamang o katotohanan. 1. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa pamayanan. Opinyon 2. Ayon kay Santiago et al., (2000), ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga ng katamaran ng mga Pilipino. Katotohanan 3. Sa palagay ko ay si Ana na ang mananalo sa patimpalak na ito. Opinyon 4. Ang konsensiya ay nakakamatay. Opinyon 5. Lahat ng tao ay mamamatay. Katotohanan 6. Para sa mga Pinoy, ang pagwawalis sa gabi ay malas. Opinyon 7. Mas masayang kasama ang mga kaibigan kaysa mga magulang. Opinyon 8. Ayon kay Padre Serrano, magkakaroon ng handaan mamayang gabi. Katotohanan 9. Sa pagkakaalam ko, karamihan sa mga lalaki ay manloloko. Opinyon 10. Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na may sari-sariling talinto at kakayahan. Katotohanan