Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Irish Vibeth C.

Manlulu
12 – HUMSS 4

DEAR JOHN

Ang Dear John ay isang librong isinulat ni Nicholas Sparks, isang


sikat na manunulat na kilala sa mga kwentong trahedya. Ang libro ay
isinabuhay sa pangunguna ng director na si Lasse Hallstrom. Ginampanan ni
Channing Tatum ang karakter ni John Tyree, isang sundalong
nagbabakasyon sa South Carolina. Si Amanda Seyfried naman ang gumanap
sa karakter ni Savannah, isang babaeng nakahulog ng bag sa pier. Para
matulugan si Savannah, tumalon sa tubig si John at kinuha ang nahulog na
bag nito. Sa mga araw na magkasama sila, sila ay nahulog sa malalim na
pag-iibigan. Ito ay isang kwento ng dalawang taong nagmamahalan na
napaghiwalay, pero hindi pa rin tumigil na mahalin ang isa’t isa.

Panahon ng tag-araw sa South Carolina nang umibig si John kay


Savannah. Malalim ang kanilang pag-iibigan ngunit kinailangan ni John na
umalis upang gampanan ang kanyang katungkulan bilang isang sundalo.
Nang umalis si John, nagpasya sila na ipagpatuloy ang kanilang relasyon.
Ang pagsulat ng liham sa isa’t isa ang tangi nilang nagging tulay upang
magkausap. Sa kasamaang-palad, nangyari ang 9/11 bombing, kaya nama’y
kinailangan ni John na manatili pa sa kanyang trabaho. Ang magkasintahan
ay nakapagdesisyon na ituloy nalang ang kanilang pagpapalitan ng liham. Sa
huli, gayunman, si Savannah, na malayo at nag-aaral para sa kolehiyo, ay
nagawang umibig sa ibang lalaki. Sinulatan niya si John at sinabing tapos na
siyang maghintay para sa kanya at gusto niya ng totoong relasyon. Nadurog
ang puso ni John at doon natapos ang pagpapalitan nila ng liham. Ngunit
kinailangang umuwi ni John nang nabalitaan niya ang pagpanaw ng kanyang
ama. Nagkita muli sila ni Savannah at sinabi ng babae na mahal pa rin niya
ito. Gayunman, pinili pa rin ni John na pakawalan si Savannah dahil gusto
niyang maging tunay na maligaya ito sa piling ng kanyang napangasawa, si
Tim, na kababata ni Savannah at naging kaibigan na rin ni John. Ipinaalam
ni Savannah kay John na si Tim ay may sakit na Melanoma, at wala silang
Irish Vibeth C. Manlulu
12 – HUMSS 4

perang panggamot dito. Nagkaroon ng pagkakataon si John na Makausap si


Tim. Sinabi ni Tim na kung mayroon mang mangyaring masama sa kanya, si
John na ang bahala kay Savannah. Ngunit kahit na gustong-gusto niya na
magkabalikan sila ni Savannah, pinili niyang ibigay ang mga koleksiyong
barya ng tatay niya upang makatulong sa pondo ng pagpapagamot kay Tim.
Bumalik siya kung saan man siya naka-destino at pinagpatuloy ang buhay
bilang sundalo.

Kung positibong bagay ang pag-uusapan, hindi sapat ang iilang


papel lang, ngunit magbabahagi ako ng ilang pili lamang. Una, ang buong
istorya ay kapuri-puri. Sa kadahilanang ang kwento ay isinulat ni Nicholas
Sparks, posibleng madismaya ang mga manunuod kung ang wakas ay
masaya. Mabuti na ang kwento ay tungkol sa pag-ibig na lubos. Kahit na
may pagkakataon na magkasama si John at Savannah, inisip pa rin nila ang
kalagayan ni Tim. Ikalawa, ang magaling na pagpili sa mga artistang
gumanap sa pelikula. Naipakita ni Channing Tatum at Amanda Seyfried ng
maayos ang mga emosyon na dapat Makita ng mga manunuod. Wala na
akong ibang maisip pa na maaaring gumanap sa kanilang mga karakter.
Ikatlo, ang mga tagpuang pinapakita sa bawat eksena ay tumutugma kung
saan dapat sila naroroon. Ang paglalapat din ng musika sa bawat eksena ay
tumulong sa pagpapatindi ng damdamin na dapat damhin ng mga
manunuood. Huli, at ang pinakahinangaan ko sa pelikulang ito, ang
pagpapakita ng realidad na nakaayon sa bawat taong parte ng istorya.
Ipinakita kung gaano kabigat ang nakapatong na tungkulin na dapat gawin
ng mga sundalo. Isa rin ang pagpapakita na hindi lahat ng nagmamahal,
perpekto – may posibilidad pa rin na magmahal sila ng iba. Ipinakita rin ang
mga pagkukulang natin bilang isang miyembro ng pamilya.

Sa mga negatibong bagay naman, wala akong gaanong masabi.


Hindi ko rin lubos maintindihan kung bakit may ilang tao na nagbibigay ng
mababang marka sa mga pagsusuri ng pelikulang ito. Marahil ang hindi
Irish Vibeth C. Manlulu
12 – HUMSS 4

nagustuhan ng ibang manunuod ay ang pagiging “open-ended” ng pelikula.


Nagwakas ang pelikula sa eksenang aksidenteng nagkita si John at
Savannah sa isang coffee shop. Nagusap lang sila ulit at doon na ito
nagtapos. Walang nakakaalam kung ano nga ba ang tunay na nangyari, na
parang ang manunuod ang siyang responsible sa pag-iisip kung ano nga ba
ang nangyari sa huli.

Sa kabuuan, ang pelikulang Dear John ay nag-iisa. Tulad sa mga ilan


pang pelikulang hango sa mga libro ni Nicholas Sparks, ang trahedya at
pagkakaroon ng malalang sakit ng mga karakter ay hindi tinitignan bilang
masamang bagay, ang mga ito ay ang siyang nagbibigay-diin ng
pagkakaroon ng ginintuang puso ng mga karakter na nabibiktima nito. Hindi
inilagay ni Nicholas Sparks ang sakit at trahedya sa kanyang mga libro
upang pahirapan ang mga bidang karakter, kung hindi para ipukaw ang
pansin ng mga manunuod sa mga kahanga-hangang pag-uugali ng kanyang
mga karakter.

You might also like