Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARALIN 3: PANAHON AT KLIMA SA PILIPINAS

I. Layunin
Naiuugnay ang mga uri ng klima at panahon ayon sa lokasyon nito sa
mundo.
Naibahagi ang damdamin tungkol sa pangangalaga at pagpapahalaga sa
kapaligiran.
Naipaliliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang bansang arkipelago.

II. Paksang Aralin


a. Paksa : Panahon at Klima sa Pilipinas
b. Kagamitan: globo, cartolina, pentelpen, activity sheets, laptop at
projector
c. Sanggunian: Gabay ng Guro sa AP5, Aralin 3
Araling Panlipunan V (pp.18-31)
d. Pagpapahalaga: Pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan,
Pagtutulungan

III. Pamamaraan:
A. Pagsasanay
 Pagbubuo ng mga nakagupit na larawan
B. Balik-aral
 Aatasan ang mga bata na lumabas sa kanilang silid-aralan sa
loob ng dalawang minuto
 Itanong kung anong uri ng panahon ang kanilang napapansin.
C. Pagganyak
 Ano ang inyong gagawin kapag masama ang panahon?
D. Pag-aalis ng Sagabal
 Arkipelago- bansang napalilibutan ng tubig o kapuluan
 Atmospera- himpapawirin o himpapawid
 Typhoon belt- mga lugar na madalas daanan o dalawin ng
bagyo
E. Paglalahad
 Pagpapakita ng larawan ng ibat-ibang uri ng panahon
 Itanong sa mga bata kung ano ang kaugnayan ng gawaing nasa
itaas sa bagong aralin na tatalakayin.

F. Pagtalakay sa aralin
 Ang panahon ay ang kondisyon ng atmospera o himpapawirin sa
tiyak na oras. Matatagpuan ang Pilipinas sa mababang latitude sa
itaas ng ekwador kaya sakop ang bansa ng sonang tropikal na
naging dahilan ng pagkakaroon nito ng dalawang panahon, ang
tag-raw at tag-ulan.
Mayroong limang uri ng panahon, maaraw, maulap, mahangin,
bumabagyo at maulan na panahon.
 Ang klima naman ay ang kalagayan ng atmospera sa isang lugar
sa mahabang panahon. May dalawang uri ng klima ang
nararanasan ng mga bansang kabilang sa sonang tropikal, ang
tag-ulan na mula Hunyo hanggang Oktubre at tag-araw naman
mulan Nobyembre hanggang Mayo.

G. Pangkatang Gawain
 Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang bawat grupo ay pipili
ng kanilang magiging lider/pangulo kalihim at isang taga-ulat.
Ipasagot ang nasa ibaba. Pagkatapos ay iulat ito sa harapan.
Bibigyan sila ng apat na minuto.

Pangkat 1. Isulat ang limang uri ng panahon sa concept web na nasa ibaba.

3.
1.
5 Uri ng
Panahon

5. 4.
Pangkat 2. Isulat ang mga bansang may klimang tropikal sa concept web na
nasa ibaba.

Mga bansang 3.
may Klimang
1. Tropikal

4.

H. Paglalahat
 Ang panahon ay ang kondisyon ng atmospera o himpapawirin sa
tiyak na oras. Ang Pilipinas ay may klimang tropikal dahilan ng
pagkakaroon nito ng dalawang panahon, ang tag-raw at tag-ulan.
Ang mga bansang nakakaranas ng klimang tropikal ay Brazil,
Malaysia, India at Pilipinas. Ang limang uri ng panahon ay
maaraw, maulap, mahangin, bumabagyo at maulan na panahon.
Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago dahil napalilibutan ito
ng mga tubig at kapuluan.
Ang klima naman ay ang kalagayan ng atmospera sa isang lugar
sa mahabang panahon. May dalawang uri ng klima ang
nararanasan ng mga bansang kabilang sa sonang tropikal, ang
tag-ulan- mula Hunyo hanggang Oktubre at tag-araw naman
mulan Nobyembre hanggang Mayo.

I. Paglalapat
 Mayroon tayong dalawang uri ng klima at ito ay ang tag-araw at
tag-ulan. Bilang pagpapahalaga sa kapaligiran, paano ninyo
maiiwasan ang maaring dulot nitong sakuna? Ano ang magagawa
ninyo sa inyong mga barangay?
IV. Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.


______1.Ang Pilipinas ay may klimang tropikal, bakit?
a. dahil ito ang pinakamalaking bansa sa daigdig
b. dahil ito ay matatagpuan sa mababang latitud sa itaas ng
ekwador
c. dahil malawak ang kalupaan nito
d. dahil napalilibutan ito ng tubig
______2.Ang Pilipinas ay may katangian bilang bansang arkipelago. Ano
ang ibig sabihin nito?
a. matatagpuan ito sa mababang latitud sa itaas ng
ekwador
b. malawak ang kalupaan nito
c. napalilibutan ito ng tubig at kapuluan
d. ito ang pinakamalaking bansa sa daigdig
______3.Ang inaasahang kalagayan ng atmospera sa loob ng
mahabang panahon ay tinatawag na_______
a. panahon
b. klima
c. bagyo
d. gutom
______4.Ang kalagayan ng atmospera sa loob ng isang araw sa isang
tiyak na lugar ay tinatawag na_______
a. panahon
b. klima
c. bagyo
d. gutom

______5.Anong klima ang mararanasan mula Hunyo hanggang


Oktubre?
a. tag-araw
b. taglamig
c. tagsibol
d. tag-ulan

You might also like