Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Henry,Gleason

Ang kahulugan ng wika ayon kay Henry Gleason ito ay binubuo ng mga tunog na pinili at
iniayos sa pamaraang arbitraryo ng mga taong nabibilang sa isang kultura o lipunan. Ang
pagbibigay kahulugan ni Henry Gleason sa wika ay nagpapaturing na unobersal ang kahulugan
nito. Ayon kay Henry Gleason, na ang bawat katangian ng wika ay na nananaig sa daigdig

Katangian ng Wika ayon kay Henry Gleason

1. Masistemang Balangkas
2. Sinasalitang Tunog
3. Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
4. kabuhol ng Kultura
5. Ginagamit sa Komunikasyon
6. Nagbabago
7. Natatangi

Masistemang balangkas sa katangian ng Wika

Ang lahat ng wika ay may sinusunod na kaayusan o balangkas ng pagkakabuo.

Ponolohiya -Tunog

Morpolohiya- Salita

Sintaks- Balarila

Semantiks- Kahulugan

Wayne Weiten

2007. Siya ay naniniwala na ang wika ay binubuo ng mga simbolo na naghahatid ng


kahulugan. Binubuo rin ito ng mga patakaran at pinagsama-samang mga simbolo na
makakabuo nang walang katapusan at iba'y ibang mensahe.

Bruce A. Goldstein

2008. Siya ay naniniwala na maaaring bigyan ng kahulugan ang wika bilang isang sistema
ng pakikipagtalastasan gamit ang mga tunog at mga simbolo na nagagamit upang masabi
ang nararamdaman, kaisipan, at mga karanasan.

Alfred North Whitehead

Siya ay isang edukador at pilosopong Ingles na naniniwalang ang wika ay kabuuan ng


kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugalian ng lahing
lumikha nito. ito ay salamin ng lahi at kanyang katauhan.
Noam Chomsky

1957. Ayon sa kanya, ang wika ay isang prosesong mental. May unibersidad na
gramatika at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik.

Dell Hymes

1972. Ayon sa kaniya, ang wika ay nangangahulugan ng isang buhay at bukas sa sistema
ng nakikipag-interaksyon. Ang mga taong kabilang sa isang kultura ng gumagamit ang
nababago nito. Makatao at panlipunan ang kasanayang ito.

Michael Alexander Kirkwood Halliday

1973. May gamit na instrumental ang wika. Nakatutulong ito sa mga tao upang
maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa
pagpapangalan, pagpapahayag na berbal, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos at
pakikipag-usap.

Archibald V. Hill

Ayon sa kaniya, ang wika ay pangunahin at pinaka-elaborate na anyo na gawaing pantao.

You might also like