KOM - Gullas Bill

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Iginigiit ng nasabing kapasiyahan ng KWF “pagtuturo ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na hindi

pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit at
maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina—na pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng
karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang pagpapatuloy ng
intelektuwalisasyon ng Filipino”

Bilang pangwakas, sapat nang ulitin ang babala ni Jose Rizal sa pamamagitan ni Simoun sa Kabanata 7 ng
El Filibusterismo hinggil sa propesiya niya ng “pagkawasak ng inyong pagkabansa,” “pagkawasak ng
inyong bayan” – ng bansang naghahangad na bigyang-prayoridad ang wikang dayuhan sa halip na
wikang sarili, isang bansang magulo, “bansa ng mga gera sibil, republika ng ganid at mga walang
kasiyahan,” bayan ng mga “alipin” na walang sariling wika kaya’t wala ring kalayaan at walang kalayaang
mag-isip para sa sarili:

Lumalawak ang saklaw ng “neoliberal restructuring” ng edukasyon sa Pilipinas sa ilalim ng sistemang


K to 12 na nagpapalabnaw kundi man tuluyang nagbubura sa edukasyong makabayan, sa edukasyong
mapagpalaya na humuhubog ng mga mamamayang malikhain at mapanuri at may kakayahang hubugin
at baguhin ang kanilang lipunan (San Juan, 2016). Sa ganitong diwa, tuloy ang laban!
Isang pang-aapi ang asal na ipinamalas ng Gullas Bill sa ating mga Pilipino. Marahil dahil isang
Cebuano ang nagpasa ng bill na ito saka sinangayunan ng mga isip kolonyal na mga pinuno sa gobyerno.
Hangad nitong maghiganti mula sa kanilang pagkatalo noong panahon pa ng Commonwealth ngunit
ito’y hindi makatuwiran dahil Tagalog ang napagpasyahan na bahagi ng ating kasaysayan o ang sanaysay
ng ating pagkatao.

Ang pagsasalita ng Ingles ay hindi nangangahulugang pagtataguyod sa kaisipang kolonyal o isip


kolonyal – ito’y isang pag-uugali ng mga Pilipino na tumatangkilik sa mga kultura ng ibang bansa o ang
pagsunod sa kanila mula sa kanilang pagsakop, ngunit ang pagpilit sa taong hindi nagsasalita ng Ingles
(non-English speaker) ay itinuturing bilang pagsulong sa kaisipang kolonyal. Sa iyong pananaw, tayong
mga Pilipino ba ay nakapagsasalita ng Ingles o tayo’y non-English speakers?

Isinasaad sa Gullas Bill na Ingles ang gagamiting wika na panturo sa paaralan upang magkaroon
ng pandaigdigang kakayahan. Ito rin ay ang paglimita sa wikang pang-rehiyon bilang isang "pantulong na
wika ng pagtuturo" at ang Ingles ay mahihikayat din bilang isang "wika ng pakikipag-ugnay" sa paaralan.
Ang paniniwalang ito ay MALI.

Nakaya ng ibang bansa na maging progresibo nang hindi gumagamit o humihiram ng ibang wika.
Kaya mali ang ginagawang pagtatanim sa mga utak ng mga Pilipino na ang wikang Ingles ang
makatutulong sa kanila upang maging handa sa pandaigdigang kompetisyon. Kaya dapat ay huwag
maisip ng mga Pilipino na sagabal ang wikang Filipino sa ating pag-unlad.

Sa ating mga tahanan, noong tayo’y mga bata pa, itinuturo na ang Tagalog bukod sa katutubong
wika ng iba, upang maging handa ang kanilang bawat supling sa kanilang pag-aaral at pagkatuto sa
pagbasa ng iba’t ibang konteksto. Ito’y isang gawi na nagmula pa sa ating kasaysayan. Tagalog ang
naiintindihan ng mas nakararami dito sa Pilipinas kaya mabisa itong paraan upang maisakatuparan ang
pagsusulat ng mga diskursong tungkol sa pagkakaisa at kalayaan sa Pilipinas.

Samakatuwid, huwag kalilimutan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Watak-watak ang mga
pulo ng Pilipinas ngunit huwag natin ito gawing pandaigdigang pagkakakilanlan bilang mga Pilipino, sa
halip ay gamitin nating tulay ang wikang Filipino. Patuloy na gamitin ito sa pakikipag-ugnay lalo na sa
iba’t ibang kultura sa Pilipinas dahil hindi lahat ay nabiyayaan ng pagkakataong matuto ng banyagang
wika. Ang Pilipinas ay HINDI NA bayan ng mga “alipin” na walang sariling wika kaya’t wala ring kalayaan
at walang kalayaang mag-isip para sa sarili.

You might also like