Professional Documents
Culture Documents
Mga Katangian NG Pilipino
Mga Katangian NG Pilipino
Mga Katangian NG Pilipino
Maraming katangian ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki. Ang mga sumusunod ay
deskripsyon kung paano at kailan nila ipinakikita ang mga katangian na ito:
Pagtitiwala sa Panginoon
Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang
pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga mag-
anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala silang may
isang Panginoong pumapatnubay sa lahat ng kanilang
gawain. Batid din nilang tumutulong Siya sa mga taong
tumutulong sa kanilang sarili.
Pagiging Magalang
Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o
pisngi at pagmamano sa matatanda. Isang paraan ito ng paggalang.
Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal ng orasyon,
pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o
bumisitang kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang
kanilang ninong at ninang.
Pagsama-sama ng Pamilya
Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasama-sama.
Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa
magulang ang nag-asawang anak kapag ito'y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang
mag-anak tuwing may "family reunion" kung Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang
nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino.