Interview Kompan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.Ako ay naninirahan na sa ating barangay ng 78 na taon ako ay lumaki na sa ating pamayanan.

Dito
narin ako nagkapamilya at tumanda.

2.Isa sa mga napagkaalamanan ko ay an gating barangay lang ang mayroon at natatanging may dalawang
simbahan at kaalinsunod nito tayo din ang tanging barangay sa ating bayan ng Calumpit ang nagdadaos
ng dalawang kapistahan ang kapistahan ni Mahal na Poong Sta.Cruz na idinadaos tuwing sasapit ikaw
lawang lingo ng mayo at ang kapistahan ni sto. Nino na ipinagdidiwang tuwing papatak ang ika-14 ng
pebrero taun-taon.

3. Labis akong naapektuhan ng mga paniniwal at tradisyon ng ating barangay hindi ko ibig sabihin na
direkta akong tinutulungan ng ating Panginoon, sa halip ay mas may epekto sa akin ang mismong kultura
ng ng ating relihiyon.Sapagkat ang relihiyon para sa akin ay nagiging batayan ko ng mga dapat kong
gawin bilang isang mabuting inndibidwal at mamamayanan n gating barangay .

4. nakakalungot na sabihin na unti unti nang nabubura sa mga isipan ng mga kabataan sa ating barangay
ang mga paniniwala at tradisyon n gating barangay kagaya lamang na wala na silang pakialam kung bakit
tayo lang may nagdidiwang ng pista ng dalawang bese sa isang taon at kung bakit may nagpapako sa krus
sa tuwing sasapit ang mahal na araw yan aya ilan lamang sa mga kagawian n gating barangay ang
nakikita kong unti-unti nang nalilimutan ng mga kabataan n gating pamayanan sapagkat mas mahalaga pa
sakanila ngayon ang paglalaro sa kanilang mga cellphone.

5. Sa aking pagkakaalam kaya tayo lang ang nagdidiwang ng dalawang kapistahan sa buong bayan ng
Calumpit ay dahil tayo lang din ang may dalawang santong itutinuturing nating patron natin na
nagbibigay sa ating ng kasahgahan sa ating buhay.

6. Sa totoo lang kasi dapat isa lang ang simbahan natin at iyon ang bisita n gating poong Sta.Cruz ngunit
may isa tayong kabarangay ang nagpanata sa ating poong sto.nino na magpapatayo siya ng simbahan
upang magbigay pugay sa naturang poon at yung ating kabarang ding iyon ay nagbigay ng panata na
tuwing sasapit ang ara ng biyernes ng mahal na araw ay siya ay magpapapako sa krus upang hingin ang
kapatawaran n gating buong barangay sa panginoon.

7.ANg aking napupunang natatanging kagawian natin tuwing ipinagdiriwang natin ang bawat kapistahan
ay ang pagsasayaw sa mga imahe ng mga naturang santo iyon ay tanda ng ating pasasasalamat sa
panibagong masaganang taon n gating pamayananan.

8. oo ito may nakakaapekto sa paniniwala ng mga mamamayan sapagkat may pagkakataon sa atin g lugar
ang nagkaroon ng hidwaan ang bawat sumasamda at namamanata sa dalawang simbahan sapagkat
sinasabi nila na dapat ang mahal na poong sta.crus lang ang ating ituring na patron ngunit nanindigan ang
mga namamata sa ating poong sto.nino na hindi naman mahalaga na mayroon tayong dalawang patron sa
halip ay dapat nating mas pagtuunan ng pansin ang ating sariling paniniwala.

9. Yung hidwaan na iyon ay natapos o nasulusyunan din naman noong ipinakita ng mga naniniwala at
namamanata kay poong sto.nino na wala silang balak na lamangan ang poong sta.cuz at sa halip sila ay
gumawa ng hakbang upang mas makilala an gating barangay sa ibang lugar na pamayanan na may
dalawang santo.

10. Sa aking opinion ang kagandahan ng ganitong paniniwala ay ang naipapakita natin kung paano natin
piangyayaman at pinapahalagahan an gating paniniwala at an gating pagmamahal sa taing relihiyon na
wala sa ibang lugar.At sa tingin ko rin dahil ditto ay mas naging matibay ang koneksyon ng bawat isang
mamamayan n gating barangay para ito yung nagsilbing sinulid na nagbigkis at nadbuo sa atin bilang
isang barangay.Pamayanan na iisa at nagtutulungan sa lahat ng bagay.

You might also like