Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

I. Punan ang patlang ng wastong salitang bubuo sa pangungusap. Piliin ang sagot mula sa kahon.

Pisika agnos guro medisina San Diego


Simoun Bapor Tabo Kapitan Heneral tulisan Busu-buso

1. Si Basilio ay isang estudyante ng ______________.


2. Si Simoun ay kaibigan at tagapayo ng ___________________.
3. Nawala ang paniniwalang ang Malapad na Bato ay tinitirhan ng mga espiritu ng pamugaran iyon ng
mga __________.
4. Ang mag-aalahas na si ____________ ang nakatagpo ni Basilio sa gubat.
5. Ang Kapitan Heneral ay nangaso sa ________________.
6. Ang ina ni Basilio ay inilibing sa _______________.
7. Pinagbili ni Julia ng kanyang mga alahas maliban sa ___________ na mula kay Basilio.
8. Ang _____________ ay naglalakbay sa pagitan ng Maynila at Laguna.
9. Si Padre Millon ang guro ni Placido sa ____________.
10. Ang ________ na humihiling ng lalong mainam na gusali upang gawing paaralan ay inaalis sa
tungkulin.

II. Tukuyin ang mga tauhang nagsabi ng mga sumusunod na pahayag.

1. “Kung sa bagay, ngayong hindi na mapag-aaralan ang Latin, ay mapag-aralan man lamang ang
wikang Kastila. Diyan mo makikilala na tayo’y lumalakad nang paurong.”
2. “Kapag ako’y nagkaroon ng ubang tulad niyan at nilingon ko ang aking paningin sa nakaraan at
wala akong nakitang nagawa para sa iba at sa aking bayan…bawat uban ay magsisilbing tinik sa
akin.”
3. “Naku, Don Custodio, kung mag-aalaga ng itik ay darami ang balot. Nakapandidiri!”
4. “Basilio, nakababatid ka ng isang lihim na maaari kong ikasawi. Ngayo’y nakatuklas ng isa pa na
kung mabubunyag ay makasisira sa aking layunin.”
5. “Aha! Placido Penitente. Labinlimang ulit na di pagpasok sa klase! Isa pang di pagpasok,
makapagbabakasyon ka na.”

III. Pagtapat-tapatin. Piliin sa kolum B ang tauhang inilarawan sa kolum A.

A B
1. Kasintahan ni Isagani a. Mr. Leeds
2. Mangangalakal na Intsik na nais magkaroon b. Padre Irene
ng konsulado sa Pilipinas c. Pepay
3. Misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa d. Paulita Gomez
Perya e. Quiroga
4. Naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari f. Padre Millon
ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle g. Kabesang Tales
5. Mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan ni h. Juli
Don Custodio i. Donya Victorina
6. Paring Dominikano na nagtuturo ng pisika j. Simoun
7. Pilipinang mapagmataas at nagpapanggap
Europea
8. Mayamang mag-aalahas na nagbalik upang
maghiganti
9. Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio
10. Kaanib ng mga kabataan sa pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila

IV. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Inutusan ni Kapitan Tiago si Basilio na pumaroon sa lalawigan upang mapag-isa siya at nang
makahithit ng ______.
a. apyan b. tabako c. sigarilyo d. pipa
2. May ___________ nang namatay ang ina ni Basilio.
a. labintatlong taon c. tatlong taon
b. dalawampung taon d. labing apat na taon
3. Ito ang pangunahing hiling ng mga estudyante.
a. Akademya ng Wikang Kastila c. Kalayaan
b. Akademya ng Wikang Filipino d. Pagkakapantay-pantay
4. Iniiwasan ni Padre Florentino na makausap si ____________
a. Simoun b. Isagani c. Donya Victorina d. Padre Salvi
5. Natuklasan ni Basilio ang totoong pagkatao ni Simoun nang ________________.
a. makita niyang bumili si Kapitan Basilio ng alahas sa San Diego
b. magtungo ito sa bahay ni Kabesang Tales
c. magkita sila sa Bapor Tabo at makipagtalo ito kay Isagani
d. dalawin niya ang puntod ni Sisa
6. Si _____________ ang pinaglilingkuran ni Juli.
a. Hermana Bali c. Kapitana Tika
b. Hermana Penchang d. Donya Victorina
7. Sa unang kabanata ng El Filibusterismo, ang Bapor Tabo ay patungo sa lalawigan ng _________.
a. Palawan b. Laguna c. Batangas d. Mindoro
8. Ang mga pasahero sa ibaba ng kubyerta ay pawang mga _______________.
a. mga indiyo at intsik c. mga matataas na tao sa lipunana
b. mga dayuhan d. lahat ng nabanggit
9. Siya ang orihinal na may-ari ng agnos na nasa pangangalaga ni Juli.
a. Ibarra b. Basilio c. Maria Clara d. Kabesang Tales
10. Naantala ang paglalakbay ni Basilio sa kanyang sinasakyang karumata sapagkat ____________.
a. madilim na c. nahuli ng guardia civil ang kutsero
b. mabagal ang sasakyan d. sobrang haba ng prusisyon
11. Si Tandang Selo ay _________ matapos ang kasawiang-palad na nangyari sa kanyang pamilya.
a. natulala b. napipi c. naparalisado d. nabaliw
12. Ayon sa alamat, siya raw ang tinawag ng Intsik ng sisilain na ito ng buwaya.
a. Santo Niño c. San Francisco
b. San Pedro d. San Nicolas
13. Para kay Simoun, ang kabagalan ng bapor ay dahil sa _____________.
a. kalumaan ng makina c. mababaw at liku-likong daan
b. maraming kargamento d. wala sa nabanggit
14. Ang ___________ ang kumakamkam sa lupa ni Kabesang Tales.
a. pamahalaan c. kapwa magsasaka
b. korporasyon ng mga prayle d. Kapitan Heneral
15. Siya ay isang Kastilang kawani na nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas at naging kapanalig ng
mga Pilipino.
a. Macaraig b. Placido c. Sandoval d. Pecson

V. Punan ang patlang upang mabuo ang analohiya.

1. Noli Me Tangere: Inang Bayan; El Filibusterismo: _____________


2. Quiroga: ____________; Mr. Leeds: Amerikano
3. Simoun: Maria Clara; ____________: Juli
4. Maria Clara: Tiya Isabel; Paulita Gomez: ______________
5. Placido: _____________: Penitente: pagdurusa

VI. Piliin ang naiiba sa pangkat.

1. Makaraig, Simoun, Basilio, Isagani


2. tinyente ng guardia civil, Hermana Penchang, paring tagapangasiwa ng asyenda, Juli
3. Padre Irene, Don Custodio, G. Pasta, Kabesang Tales
4. Padre Salvi, Padre Camorra, Padre Florentino, Padre Fernandez
5. Kapitan Basilio, Donya Victorina, Ben Zayb, Don Custodio

You might also like