Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagsusuri sa Siste ng Umuusbong na Memes sa Teleseryeng Kadenang Ginto

“You do note is da liar is mah peyk!” Laganap ngayon ang mga linyahang
nagmula sa teleseryeng Kadenang Ginto sa pamamagitan ng memes na ang ibig sabihin
ay pagpapaikli na minodelo sa gene ng mimeme mula sa sinaunang griyego na mīmēma
o “ginayang bagay”. Ang pinagmulan ng termino ay kay Richard Dawkins isang biologong
ebolusyonaryo, na ginamit niya para sa pagkakatulad ng salitang “genes” na isang yunit
ng paghahatid ng mana, bagaman sa kasong ito ay biological. Salita sa bibig mula sa
henerasyon hanggang sa henerasyon, mula sa isang indibidwal patungo sa iba. Ang mga
ito ay lahat ng mga paraan upang ipaliwanag kung ano ang isang meme, ang isang
impormasyon na napupunta mula sa isang tao patungo sa iba pa, anuman ang oras o
lugar. Ang meme ay isang larawan na may kalakip na tekstong kadalasan ay naglalayong
magpatawa ngunit hindi lamang ito umiikot dito kundi sumasalamin din sa wika, kultura
at ugnayan ng mga manonood na naihahain ng mga umuusbong na memes sa Kadenang
Ginto na nagkakaroon ng repleksyon sa buhay ng mga Pilipino.
Ang meme ay ginagamit ng mga Pilipino sa kasalukuyan bilang midyum
ng pagkakaintindihan, ugnayan at katatawanan. Sa pag-aaral nina E.O Wilson at C.J
Lumsden, bilang suporta sa teorya ni Dawkins na The Selfish Gene (1976) na isang
konsepto para sa pagtalakay ng mga prinsipyong ebolusyonaryo sa pagpapaliwanag ng
pagkalat ng mga ideya at mga phenomena na kultural, mula sa teoryang ito ay mas
binigyan pa ng iba pang pag-aaral at pagpapa-kahulugan nina Wilson at Lumsden ang
dalawang uri ng mga proseso ng mga impormasyon: Genome na nagtatatakda ng
genotype, isa pa, ang utak at nervous system na nagbibigay posible sa paghahatid ng
kultural na impormasyon. Hindi maikakaila ang likas na pagiging masiyahin ng mga pinoy
na ginagamitan ng utak na nagreresulta sa iba’t-ibang memes na kumakalat sa social
media. Higit lalo ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa ugnayan at kung paano sila
magkakaintihndihan. Sa puntong ito, laganap ang iba’t ibang memes lalo pa patungkol
sa seryeng Kadenang Ginto ng ABS-CBN na umabot na sa iba’t ibang lebel ng
katatawanan. Tila ba ito ay alinsunod sa sinabi ni Batacan (1996) na “Laughter is the best
medicine and humor is the spice of life” kung susuriing mabuti, maaaring
pinahahalagahan nito ang tawa upang pagaanin at pasayahin ang kalagayan ng buhay
ng isang tao mula sa eksena ng isang palabas. Ayon sa librong Sangadiwa nina
Rhoderick V. Nuncio at Elizabeth Morales-Nuncio, may pag-aaral patungkol sa Eskima
ng Pantawang Pananaw, kung saan sinasabing ito ay isang pagbasang kritikal ng
kamalayan o pagsasanib ng damdamin ay isipan at pagiging mulat sa nangyayari sa
kanyang lipunan gamit ang katatawanan. Ginagamit ang katatawanan bilang kritika na
nagsisilbing kanilang kakayahan sa pag-angkin at pag tukoy sa mga nagaganap sa
kanilang lipunan. May limang element ang pantawang pananaw, ang medium, konteksto,
content o anyo, mga actor at mga manonood. Pumili ng lima mula sa mga laganap na
meme na ginawa ng mga pinoy mula sa iba’t ibang eksena sa Kadenang Ginto ang sinuri
at ginamitan ng Eskima ng Pantawang Pananaw upang mas maunawaan kung bakit ito
naging patok sa mga pinoy at paano ito sumasalamin sa pang-araw-araw na buhay.
MANONOOD
Midyum Konteksto Kontent/ Anyo Mga Aktor
Social Media Sosyal Ginamit sa Daniela
(facebook, twitter katatawanan bilang
atbp.) paglalayas.
Social Media Sosyal, Pang- Ginamit sa Romina
(facebook, twitter ekonomiya katatawanan bilang
atbp.) pagtanggap ng
sahod
Social Media Sosyal Ginamit sa Daniela
(facebook, twitter katatawanan bilang
atbp.) paghihintay sa
suspensyon ng
klase
Social Media Sosyal, Politikal Ginamit sa Romina
(facebook, twitter katatawanan bilang
atbp.) sa pag-rarally
Social Media Sosyal Ginamit sa Daniela, Savanah
(facebook, twitter katatawanan bilang
atbp.) isang maalalahanin
na ina

Ayon sa pahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo


na nagpapahayag ng damdamin, isang instrumento ng pagtatago at pagsisiwalat ng
katotohanan. Hinggil dito, kaakibat ng wika ang ugnayan at pagkakaintindihan sa pagitan
ng mga tao sapagkat ang wika ay nagsisilbing tulay upang mas magkaunawaan. Sa
platapormang kagaya ng social media, hindi maitatanggi ang pagkakaintindihan ng mga
taong nakakakita ng mga memes na kumakalat na nagreresulta ng pagkakaroon pa nang
paggawa ng iba pang memes. Pinapakita nito na nagkakaroon sila ng ugnayan at
pagkakaintindihan dahil kaugnay ito ng kanilang kultura at may relasyon sa tunay na
buhay at pang-araw-araw na kaganapan. Sa hanay ng mga manonood ng Kadenang
Ginto, nakabubuo ng iba’t ibang konspeto na may iisang pinagmulan base sa kanilang
danas.
You do note na hindi lamang mababaw na katatawanan ang naihahain
ng memes sa indibidwal. Minumulat din nito ang kaisipan ng tao upang magkaroon ng
kritikal na pakikipag-ugnayan at interpretasyon patungkol sa mga nakikita nilang larawan
na may kaugnayan sa kani-kanilang kultura at lipunan na kinabibilangan. Ang memes ay
hindi lamang pag-angkin sa katatawanan kundi may kalakip din itong impormasyon na
makatutulong upang magkaroon ng kamalayan ang bawat mamamayang Pilipino. Ang
mga umuusbong na memes ng Kadenang Ginto ay mahihinuhang maaring
pangkalahatan sapagkat ito ay nagpapakilala ng kultura ng isang partikular na lugar at
napapalooban din ng konspetong naaayon sa kung sino ang mga gumagamit nito.

You might also like