Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

A. “Mga Munting Tinig” o “Small Voices” ay isang pelikulang Tagalog na tumutugon sa isyu
ng mga kabataan, kahirapan, edukasyon at ang paglalakbay tungo sa pangarap.

B. Ang pelikula ay nagbibigay pansin sa mga pagsubok na hinaharap ng mga kabataan at mga
guro na dulot ng kakulangan ng edukasyon at kahirapan. Sinasalamin ng pelikula ang mga
pinagdadaanan ng maraming kabataan sa bansa dahil sa kakulangan ng mapagkukunan ng
materyales at pasilidad para sa sapat na edukasyon at ang mga nagiging epekto nito sa
kanilang pamumuhay. Ang pelikula ay naghahatid ng mensahe at aral sa mga manonood na
ang kahirapan ay hindi hadlang upang mangarap at ito ay magsilbing motibasyon tungo sa
tagumpay. Binibigyang kalayaan ng pelikula ang bawat isa na piliin ang minimithi ng ating
puso at lagpasan ang anumang balakid na ating haharapin.

II.

A. Tauhan

B. Ang pelikulang Munting Tinig ay dinirekta at sinulat ni Gil Portes. Si Gil Portes ay isang
Filipino film director, film producer at screenwriter. Siya ay pinanganak sa lungsod ng
Maynila noong Setyembre 13, 1945. Ang kanyang dramang pelikula na Saranggola (1999) ay
nanalo ng iba’t ibang mga parangal sa Metro Manila Film Festival kabilang ang Best Picture
at Best Actor. Ito rin ay kinilala sa 21st Moscow International Film Festival.
Ang kanyang pelikulang Munting Tinig (2002) ay kilala bilang obra maestra sa pelikulang
Filipino at nanalo ng labing isang parangal at mga nominasyon para sa labing isang parangal
kabilang ang Gawad Urian Awards.

C. Ang prodyuser ng pelikulang Munting Tinig ay si Rey Cuerdo. Siya ay nagtatrabaho bilang
executive sa Sony Pictures sa loob ng 22 na taon at nagsimulang mag-prodyus ng mga
pelikula noong 2002. Pinrodyus niya ang pelikulang Munting Tinig (2002), na nanalo ng
Best Film sa lahat ng mga pelikula sa Pilipinas at naging opisyal na tala sa Oscar at Golden
Globe Awards at naging unang pelikulang Filipino na binahagi ng isang pangunahing
Hollywood Studio (Warner Bros).
D. Ang kahabaan ng pelikula ay ginanap sa Mababang Paaralan ng Malawig sa isang mahirap at
liblib na barrio. Ang barrio ay salat sa kabuhayan at nalugmok ito lalo sa kahirapan ng may
dumaan na bagyo at nagkaroon ng sunog na naging dahilan ng pagkasira ng mga libro, silid-
aralan at iba pang kagamitan sa eskuwelahan.
Sa Central School na matatagpuan sa bayan, ginanap ang choral contest na sinalihan ng
paaralan ng Malawig upang magbakasakaling makakuha ng dagdag pera para sa mga mag-
aaral na gagamitin para sa kanilang edukasyon at kabuhayan.

You might also like