Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang artikulong ito ay tungkol sa unang Rebolusyon sa EDSA.

Para sa ikalawa, tingnan ang Ikalawang


Rebolusyon sa EDSA.

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan, na tinatawag ding Rebolusyon sa EDSA ng 1986 ay isang mapayapang
demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong
iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang
pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga
tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin.
Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili
ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Abenida Epifanio
de los Santos (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.

Kasaysayan

Ang Rehimeng Marcos

Nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong 1965, at natalo niya si Diosdado
Macapagal na noon ay kasalukuyang nakaupo bilang Pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno naging
aktibo si Marcos sa mga proyektong imprastraktura, agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa
Pilipinas sa pinansiyal na kasaganahan. Sa kabila ng bali-balita ng dayaan sa eleksiyon, nahalal muli si
Marcos noong 1969, at natalo niya si Sergio Osmeña Jr.

Maraming mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw sa kanyang ikalawang termino ng kanyang
pamumuno. Maraming mga tao ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng krimen at mga kaguluhan
sa bansa. Ito ang naging dahilan sa pagbuo ng mga rebeldeng grupo katulad ng New People's Army
(NPA), at ng Moro Islamic Liberation Front na naglalayon na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula
sa Pilipinas.

Katapusan

Matapos ang rebolusyon, marami pa ring suliranin ang kinahaharap ng bansa. Ang ekonomiya ay
kontrolado halos ng gobyerno. Sa kabila nito, sa pamumuno ni Corazon Aquino ay unti-unting bumalik
ang demokratikong institusyon sa bansa.

Isinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1972, at sa halip ay gumawa si Aquino ng isang "Freedom
Constitution" (Malayang Konstitusyon) upang pansamantalang maging saligang batas, hanggang sa
natapos at naratipikahan na ang Saligang Batas 1987 na siyang kasalukuyang saligang batas ng bansa. Sa
bagong saligang batas ay hindi na maaring tumakbong muli ang isang Pangulo ng bansa, na binibigyan ng
anim na taon para mamuno.

You might also like