Ang Wika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG WIKA

IBA'T IBANG DEPINISYON NG WIKA

Sa mga linggwista, mapapansing binibigyan nila ng pansin and depinisyon ng wika ayon sa estruktura
nito. Dahil siyentipiko ang pag-aaral ng wika ayon sa kanila, hindi nalalayo ang pagtingin sa wika bilang
isang masistemang balangkas na may sinusunod na hakbang o pamamaraan upang ito'y matutuhan at
mapag-aralan.

Ayon kay Henry Allan Gleason, 'ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang makamit sa komunikasyon ng mga taong
nabibilang sa isang kultura.'

May pagkatulad dito ang pagpapakahulugan ni Caroll (1973) kung saan nabanggit niyang 'ang wika ay
masistemang estruktura ng sinasalitang tunog at pagsasaayos nito sa paraang arbitraryo upang
makamit sa interpersonal na pakikipagkomunikasyon at ang makabuluhang pagsasama-sama ng mga
bagay, pangyayari at mga karanasan ng sangkatauhan.'

Sa mga sosyolinggwista, nakapokus ang pagbibigay nila ng depinisyon sa wika sa kaugnayan nito sa
lipunan. Binibigyan diin nila ang pagbibigay ng katuturan sa kabuluhan ng wika sa panlipunang aspekto
at ang paggamit ng tao ng wika bilang bahagi ng lipunan.

Ayon kay Basil Bernstein, ang wika bilang sistema ng mga tuntunin, ay nagrerepresenta ng mga code.
Ang mga code na ginagamit ay naaayon sa kinabibilangan sa lipunan. Naniniwala siyang nagkakaiba ang
ginagamit na wika dahil sa mga hadlang sa pagkakaiba sa antas ng mga taong nabibilang sa isang lipunan.
Ang pampublikong wika o wikang pangmasa ay tinawag niyang "restricted code" dahil limitado lamang
iito sa mga ekspresyong pangliggwistika. Tinawag niyang "elaborated code" ang pormal na wika o ang
wikang ginagamit sa mga komplikado at ekspresyon ng organisasyong panlinggwistika. Dahil dito, ang
iba't-ibang estilo sa pagsasalita at paggamit ng mga tao ng wika ay nagmula sa iba't-ibang pangkaugalian
at panlipunang karanasan.

Isa rin si Benjamin Lee Whorf na nagbigay ng kahulugan sa wika. Aniya, 'ang wika ay binubuo ng
mga payak na salitang nalilikha dahil sa pagtugon ng tao sa kaniyang kapaligiran. Ang kalikasan ng
sistemang panlinggwistika ng bawat wika ay di lamang instrumento sa pagpapahayag ng saloobin at
kaisipan kundi tagahubog din ng mga ideya na nagsisilbing gabay para sa mga gawaing
pangkaisipan.' Dahil dito, nagkakaiba ang wikang nalilikha ng mga tao dahil sa iba't-ibang antas ng
pagkalantad sa lipunan.

Sang-ayon naman kay Edward Sapir, 'ang wika ay pantao at likas ang paggamit ng tao sa wika.
Ginagamit niya ang wika bilang kasangkapan sa sosyalisasyon na kung walang wika, walang iiral na
relasyong sosyal. Gumagamit ang mga tao ng mga simbolismo upang makipag-ugnayan sa iba na
nagbubunga ng pagkakaroon ng solidaridad at pagkakaisa ng mga tagapagsalita ng naturang wika.'

Sa mga transpormasyonal na pananaw, nanguna si Chomsky sa paniniwalang 'ang wika bilang


isang sitema ay may kaugnayan sa kahulugan at kabuluhan'. Dagdag pa niya, ang wika ay isang
penomenang mental kung saan ito ay likas sa tao at dahil sa kalikasan nito, may kakayahan siyang matuto
ng wika.

Sa iba pang pananaw sa wika, ang wika ay isang paraan ng pananagisag o pagbibigay-kahulugan sa mga
tunog sa tulong ng mga bahagi ng katawan sa pagsasalita upang makamit aang layuning makaunawa at
maunawaan ng iba (Tumangan, 1997).
Wikang Pambansa, Opisyal at Panturo

https://www.slideshare.net/RainierAmparado/wikang-pambansa-opisyal-at-panturo

You might also like