Noong ika-30 ng Agosto,2019 ay ginanap ang pampinid na Palatuntunan para sa Buwan
ng Wikang Pambansa. Ipinagdiriwang natin an Buwan ng Wika dahil ito ang naging daan upang magkaisa tayong mga Pilipino. Para sa akin mahalagang ipagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa upang hindi makalimutan at mapukaw ang isip ng mga kabataan sa kahalagahan ng katutubong wika.
Ang pampinid na palatutunan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay
umikot sa temang Wikang Katutubo: tungo sa isang bansang Filipino. Bilang isang mag-aaral napakahalagang ipagdiriwang ang Buwan ng Wika ito ay upang maging bukas ang ating isip kung bakit at dapat nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Para sa akin ang pagiging mabuting Pilipino ay hindi lamang maipapakita tuwing ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika, dahil ang mabuting Pilipino ay nakikita sa paggalang sa bayan o kahit sa tamang pag-awit ng Lupang Hinirang at pagtangkilik sa kulturang Pilipino.
Layunin ng Pampinid na Palatuntunan para sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa na maipaliwanag ang kahalagahan ng Wikang Filipino at maipaunawa sa atin na dapat mahalin natin ang ating Wika ng buong puso upang mas lalo pa natin itong mahalin at pagyamanin, hindi lamang sa salita kundi pati na rin sa gawa.