Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

imahinasyon na gumagalaw o gumaganap sa kwento.

Sila ay may mga motibasyon o sapat na dahilan


upang kumilos ayon sa dapat nilang gampanan.

2. Mga Uri ng Tauhan

Tauhang Lapad (Flat) - Ang tauhang lapad ay walang pagbabago. Stereotype o karaniwan ang kanyang
karakter.

Tauhang Bilog (Round) - Ang tauhang bilog ay may kalaliman ang pag-iisip na ipinahihiwatig ng kilos o
pagsasalita niya. May iba’t iba siyang mga katangian na mahirap makilala. Kailangang tuklasin di tulad ng
lapad na tauhan na may katangiang litaw na litaw.Tauhang Static (Hindi Nagbabago) - Napananatili nila
ang kanilang katangian sa kabuuan ng kwento.

Tauhang Dynamic (Nagbabago) - Tauhang nagbabago, naliliwanagan, umuusbong o nasisira.

3. Uri ng Pagsasatauhan

a. Pisikal na kilos o anyo

b. Pag-iisip at paniniwala

c. Asal at reaksyon sa sitwasyon

d. Pananalita at komentaryo

e. Impresyon sa kanya ng ibang tauhan

f. Larawang-diwa at mga simbolo

4. Paglalarawan ng Tagpuan

a. Lugar – heograpikal na lokasyon

b. Oras – makasaysayang panahon, oras, araw, taon atb.

c. Kondisyon ng panahon

d. Panlipunang kondisyon

e. Mood o atmospera
5. Uri ng Tunggalian

a. Tao laban sa tao

b. Tao laban sa kalikasan (o teknolohiya)

c. Tao laban sa sarili

d. Tao laban sa lipunan

e. Tao laban sa pwersang sobrenatural

6. Ang Usapan sa Kuwento

Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting usapan:

· pagiging natural

· angkop ang tauhang nagsasalita

· angkop na pangyayari

· pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kuwento

7. PANANAW -[1] Sino ang nagsasalaysay sa maikling kwento?

a. Unang panauhan “Ako” - Ang tagapagsalaysay ay tauhan sa kwento kaya ang mga mambabasa ay
makikita ang mga pangyayari at bagay-bagay sa kanyang pananaw.

b. Ikatlong panauhan “Siya/Sila” - Ang tagapagsalaysay ay limitado lamang ang paglalalhad sa kanyang
nakikita. Hindi niya mababasa ang iniisip ng tauhan gayundin ang damdaming taglay nito. Maaari itong
“limited” o “objective”

c. Mala-Diyos (OMNISCIENT) - Ito ay gumagamit din ng ikatlong panauhan subalit hinidi lamang
limitado ang kanyang pagsasalaysay sa nakikitang panlabas na kilos ng tauhan. Nababasa niya ang isipan
at natutukoy and damdamin ng mga ito.

You might also like