Ikalawang Markahan Regular Esp 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MOONWALK NATIONAL HIGH SCHOOL

St. Mary’s Daang Batang St. Moonwalk Parañaque City


IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
REGULAR ( ESP 8 )

Pangalan: ___________________________________________________ Guro: ________________________________


Pangkat: __________________________________________________ Petsa: __________________________________
PANUTO : Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakaangkop
na sagot.
1 . Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na niligawan niya ang iyong kasintahan.
Pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kanyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila na
masayang magkasama. Pinigilan mo ang iyong sarili upang kausapin sila dahil sa palagay
mo ay hindi angkop ang oras na iyon para sa pag-uusap dahil matindi pa rin ang iyong galit
sa kaibigan mo. Ano ang kabutihang idudulot ng ginawang pagtitimpi?
A . nakaiiwas sa pananakit sa sarili at sa kapwa
B . napatutunayan ang kabutihan ng sarili sa iba
K . nahaharap ang matinding pagsubok sa buhay
D . nakaiiwas sa pag-iisip ng solusyon sa suliranin
2 . Gabi na nang makauwi si Ana mula sa praktis nila para sa gagawing pagtatanghal sa
paaralan. Habang siya ay naglalakad sa madilim na kalsada nakarinig siya ng kaluskos sa
kung saan. Siya ay nagulat at nakaramdam ng takot. Binilisan niya ang kanyang paglalakad
upang mas madali siyang makarating sa kanilang bahay. Ano ang idudulot nito sakaling
maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?
A . makapag-iingat na si Ana
B . mapoprotektahan na ni Ana ang kanyang sarili
K . hindi na muling dadaan si Ana sa madidilim na kalsada
D . makaiiwas sa mga nakakatakot na sitwasyong maaaring maranasan muli
3 . Kinausap ng guro si Hilda na kailangan niyang dagdagan pa ang kaniyang pagsisikap
upang makakuha ng mataas na marka sa susunod na markahan. Ito ay dahil hindi nagging
kasiya-siya ang kanyang grado sa ganitong pagkakataon , anong pagpapahalaga ang dapat
patibayin upang mapagtagumpayan ang pagsubok na ito?
A . Sumuko at umulit na lamang sa susunod na taon
B .Tanggapin na lamang na sadyang may pangyayaring gaya nito
K . Humingi ng paumanhin sa guro sa nagging pagkukulang nito
D . Magkaroon ng katatagan ng loob at maniwala na kakayanin niya ito
4 . Alin sa sumusunod na pahayag ang ngpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?
A . Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat
B . Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan
K . Nakatatanggapng parangal dahil sa pagkakaroon ng magandang proyekto
D . Nagkakaroon ng direksiyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin
5 . Anong katangian ng isang lider o tagasunod ang sa palagay mo ay kailangan upang
mapagtagumpayan ang pangkat?
A . kung mapanagutang magampanan nila ang kani-kanilang tungkulin tungo sa
pagkamit ng layunin ng pangkat
B . kung maibibigay ang pangangailangan ng pangkat
K . kung makapagbibigay ng inspirasyon sa pangkat
D . kung maiimpluwensiyahan nila ang pangkat
6 . Ang sumusunod na pahayag ay totoo tungkol sa diyalogo, maliban sa;
A. Naipapakita ang kakayahang makipag-diyalogo sa pamamagitan ng wika
B . Umiiral ang diyalogo sa sariling pagsasaliksik ng kasanayan
K . Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao makipag-ugnayan sa kapwa
D . Naipapahayag ng tao sa kaniyang kapwa ang tunay na pagkalinga
7 . Maipapakita ang makabuluhang pakikipagkapwa sa pamamagitan ng sumusunod
maliban sa;
A . kakayahan ng tao umunawa
B . pagmamalasakit sa kapakanan ng may kapansanan
K . espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan
D . pagtulong at pakikiramay sa kapwa
8 . Nagiging kahinaan ng mga Pilipino ang pakikipagkapwa dahil sa _______________________.
A . kakayahan nilang umunawa sa damdamin ng iba
B . kakayahan nilang makiramdam
K . kanilang pagtanaw ng utang na loob
D . kanilang pagiging emosyonal na pakikisangkot
9 . Ang sumusunod ay naglalarawan sa pananaw ni Aristotle sa pagkakaibigan maliban sa;
A . Hindi pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa.
B . Nag-aangat ng antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng lipunan
K . Sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang
pagkatao sa kaniyang sariling pananaw
D . Natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga kaysa
sa isang ordinaryong kakilala lamang
10 . Ang sumusunod ay kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan maliban sa;
A . Ang pakikipagkaibigan ay hindi lamang isang pakikitungo sa kapwa kundi
isang pakikibahagi ng sarili.
B . Ang pakikipagkaibigan ay nakatutugon sa personal na intensiyon ng tulong o
pabor na makukuha sa iba.
K . Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang
ugnayan sa pangmatagalang panahon.
D . Ang pakikipagkaibigan ay naramdaman mula sa inspirasyong nagmumula sa
taong naniniwala at nagtitiwala sa ati.
11. Ang aspektong intelektuwal , politikal, panlipunan at pangkabuhayan ay
mapagyayaman sa pamamagitan ng;
A . Pakikipagkapwa K . Pakikihalubilo
B . Pakikisama D . Pakikiisa
12 . Ito ay kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at maging bahagi sa iba pang
nilalalang ng Diyos. Ito ay ;
A . Ang tao ay Nilikha ng Diyos na Matalino
B . Ang Tao ay Panlipunang Nilalang
K . Ang Tao ay Mahilig Makipag – ugnayan
D . Ang Tao ay Naiibang Nilalang
13 . Ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal
at pagpapahalaga.
A . Pakikipag – ugnayan K . Pakikipagkaibigan
B . Pakikipagkapwa D . Pakikisama
14 . Ito ang pagkakaibigang nabubuo batay sa pagkagusto at paggalang sa isa’t – isa. Ito ay ;
A . Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
B . Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan
K . Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
D . Pagkakaibigang nakabatay sa isang samahan
15 . Ito ay kagyat na tugon o reaksiyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakikita ,
naramdaman , naamoy , nalasahan , at narinig na binibigyan ng interpretasyon ng kaniyang
pag – iisip.
A . Kilos K . Emosyon
B . Mood D . Desisyon
16 . Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang pisikal o mga labas na pandama na
nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan o paghihirap ng tao. Ito ay ;
A . Kalagayan ng damdamin K . Sihikong damdamin
B . Pandama D . Ispiritwal na damdamin
17 . Siya ay dalubhasa sa mga paksa tungkol sa pamumuno, na ayon sa kanya, “ Ang
pamumuno o ang pagiging lider ay pagkakaroon ng impluwensiya”. Sino siya?
A . John C. Maxwell K . John C. Hay
B . John C. Wraight D . John Dewey
18 . Ito ay uri ng pamumuno na kung saan siya ay magsisilbing mentor upang magkaroon
ng sapat na kaalaman at kasanayan ang kanyang mga kasama upang mapaunlad ang
kanilang sarili at maabot ang kanilang pinakamataas na potensiyal.
A . Pamumuno K .Pamumunong Transpormasyonal
B . Pamumunong Adaptibo D . Pamumunong Inspirasyunal
19 . Ang uri ng pamumuno na ang namumuno ay may apat na katangian bilang isang lider.
Ito ay:
A . Pamumunong Adaptibo K . Pamumunong Inspirasyunal
B . Pamumunong may malasakit D . Pamumunong Transpormasyonal
20 . “ Ang pinakamagaling na lider ay mapagmalasakit , may integridad at may kakayahang
maglingkod sa kanyang pinamumunuan. Ito ay ayon kay ;
A . Dr . Edwardo Morato ( 2007) K . Lewis ( 1998 )
B . Kelly ( 1992 ) D . Milgram (1950 )
21 . Ang pagpapakita ng pagmamalasakit , kakayahang umunawa sa damdamin ng iba ,
pagtulong , pakikiramay , bayanihan at sa pagiging mapagpatuloy o hospitable ay
pagpapakita ng ;
A . Kalakasan ng Pakikipagkapwa
B . Kahinaan sa Pakikipagkapwa
K . Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng Pakikipagkapwa
D . Makabuluhan at Mabuting Pakikipagkapwa
22 . Ang labis na pagpapahalaga sa personal na ugnayan ay nagdudulot ng kawalan ng
malinaw at emosyonal na pakikisangkot ay pagpapakita ng ;
A . Pakikipag – ugnayan sa kapwa
B . Katangian ng pakikipag – ugnayan sa kapwa
K . Kahinaan sa Pakikipagkapwa
D . Kalakasan sa Pakikipagkapwa
23 . Ang pagkakaroon ng malaya at mapanagutang pagpapahayag ng damdamin ay susi sa
isang maayos na pakikipag – ugnayan. Ang tinutukoy nito ay ;
A . Pag-iingat sa mga bahagi na ibinahagi ng kapwa
B . Pagpapahayag ng damdamin
K . Pagtanggap sa kapwa
D . Pag-uusap na may pokus
24 . Ang Griyegong Pilosopo na nagbigay ng makabuluhang pananaw sa pakikipagkaibigan,
na ayon sa kanya “ Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng
mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Ito ay isang
natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga sa isang
ordinaryong kakilala lamang.
A . Emerson K . Aristotle
B . William James D . Joy Carol
25 . Ang isang bagay na ibinigay mo nang walang hinihinging kapalit, tulad ng regalo, ay
pagpapakita ng;
A . Pagmamalasakit o pagmamahal
B . Katarungan o pagmamahal
K . Paggalang o pagmamahal
D . Kalayaan o pananagutan
26 . Anong aspekto ng pagkatao ang higit na napapaunlad sa pamamagitan ng
paghahanapbuhay?
A . Panlipunan K . Pangkabuhayan
B . Politikal D . Intelektuwal
27 . Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng mabuting pakikipag-ugnayan sa
kapwa?
A . Bakit ba nahuli ka na naman?
B . Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas
maaga.
K . Sana sa susunod hindi ka na huli sa usapan natin.
D . Tatlumpung minute na akong naghihintay sa iyo.
28 . Sa pamamagitan ng kanyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga samahan , alin ang
nalilinang sa tao?
A . kusa at pananagutan K . sipag at tiyaga
B . talino at kakayahan D . tungkulin at karapatan
29 . Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang pagbuo ng
malalim na pagkakaibigan?
A . pagpapayaman ng pagkatao K . pagpapaunlad ng kakayahan
B . simpleng ugnayang interpersonal D . pagpapabuti ng sarili
30 . Sa tuwing tayo ay nakakaranas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon ,
mahalaga na tayo ay magrelax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagre-
relax?
A . Paglalakad-lakad sa parke K. Pagbabakasyon
B . Paninigarilyo D . Panonood ng sine
31 . Ito ay mga taong labas sa iyong sarili na tumutulong na malinang ang mga aspektong
iintelektuwal, politikal,panlipunan at pangkabuhayan.
A . kapwa K . magulang
B . mag-anak D . pamilya
32 . Ang kaalaman at kakayahang makibahagi sa pagbuo at pagtamo ng makatao at
makatarungang lipunan. Ang tinutukoy nito ay;
A . Aspektong Pangkabuhayan K . Aspektong Intelektuwal
B . Aspektong lipunan D . Aspektong Pilotikal
33 . Ito ay karagdagang kaalaman , kakayahan , pagpapaunlad ng kakayahang mag-isip,
nang mapanuri at malikhain at mangatwiran. Ang tinutukoy nito ay;
A .Pangkabuhayan K . Intelektuwal
B . Politikal D . Panlipunan
34 . Ang pagtataguyod ng mga boluntaryong samahan at institusyon ay kailangan upang
mas maraming tao ang makibahagi, makiisa at matulungan. Ang tinutukoy nito ay;
A . Pagbuo ng samahan K . Pagsali ng samahan
B . Kahalagahan ng Komunikasyon D . Kahalagahan ng Pagkakaisa
35 . Ang pakikinig, pagsagot nang ayon sa sinasabi ng iyong kausap at pagpapakita ng
empathy sa kapwa ay pagpapakita ng;
A . paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa
B . pagtanggap sa kapwa
K . pagpapahayag ng damdamin
D . pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa
36 . Ang paggalang sa dignidad ng tao, ang pagtanggap sa kaniyang pagkatao, sa kaniyang
kalakasan pati na kahinaan na di hinuhusgahan ay pagpapakita ng;
A. pagtanggap sa kapwa K . paggalang sa pagiging indibidwal
B . pagbabahagi ng sarili sa kapwa D . pagpapaunlad sa sarili
37 . Bakit itinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
A . dahil lahat ng pagkakaibigan ay mabuti
B . dahil makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan dahil sa paulit -ulit na
pagdanas nito
K .dahil ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa
kapwa
D . dahil ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
38 . Ang taong maaasahan , masasandalan at matatakbuhan sa oras ng pangangailangan
ang turing mo sa kanya ay;
A . Kaibigan K . Kamag-anak
B . Kapwa D . Pamilya
39 . Ito ay sangkap ng pagkakaibigan na hindi nangangahulugan ng ganap na pagbubukas
ng sarili sa kaibigan. Ito rin ay may pahintulot na masabi sa isa’t-isa ang kanilang tunay na
niloloob nang hindi mabibigyan nang hindi magandang kahulugan.
A . Katapatan K . Pag-aalaga
B . Paggawa ng bagay na magkasama D . Presensiya
40 . Ito ay mahalagang sangkap na kinakailangan upang ganap na makamit ang tunay at
wagas na pagkakaibigan. Ito ay ang;
A . Pagmamahalan K . Pagpapatawad
B . Pagmamalasakitan D . Pagkamaalalahanin
PANUTO: Tukuyin ang emosyon na angkop sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot mula sa
kahon sa ibaba.
Mga Pahayag Emosyon
41 . Naku! Hindi pa ako tapos sa aking
proyekto. Ipapasa na ito bukas.
42 . Ano ang gumugulo sa isip mo? May
maitutulong ba ako?
43 . Tiyak na matutuwa si Nanay! Matatas
ang marka ko!
44 . Naniniwala ako na kayang-kaya mong
mapanalunan ang premyo sa sinalihan
mong paligsahan.
45 . Huwag ka ngang maingay! Nakikita
mong may ginagawa ako.
46 . Malapit nang umuwi si Tatay. Ano kaya
ang kaniyang pasalubong?
47 . Sobrang trapik naman dito! Hindi na
ako makakahabol sa klase.
48 . Mother’s Day na sa Linggo. Sorpresahin
natin si Nanay.
49 . Naku! Nandyan na naman ang laging
nanunukso sa akin. Huwag ninyo akong
ituturo sa kaniya.
50 . Akala mo naman kung sino ka! Huwag
ka ngang mayabang!

MGA PANGUNAHING EMOSYON


Pagmamahal Pag- iwas
Pag – asam Pighati
Pagkagalak Pagkatakot
Pag - asa Pagkagalit
Katatagan Kawalan ng pag - asa

You might also like