Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Debate Speech

Affirmative Tama at Dapat Ibalik and Mandatory ROT!!!

Unang Tagapagsalita

Mapanganib na kapaligiran, nawawalang pagmamahal sa bayan, Kawalan ng Disiplina at Respeto sa kapwa,


walang pakundangang paglabag sa batas at kakulangan sa kahandaan, may giyera man o wala sa ating bansa.
Ito na ang panahon sa pagbabalik ng Reserve Officers Training Corp (ROTC). Buhayin nating muli and puso para
sa bayan.

Isang pagbati ng magandang araw sa lahat!!!

Ang Reserve Officers Training Corp (ROTC) ay isang matagal nang programa ng ating gobyerno na layong
ihanda ang mga kabataan sa serbisyong military at upang maging bahagi sila ng Reserve Force ng Armed
Forces of the Philippines. Ang reserbang pwersang ito ay inaasahang siyang pupuno sa pangangailangan ng
kasandaluhan sakaling sumiklab and digmaan o sakuna.

Ayon sa Artikulo 2, Seksyon 4 ng Saligang Batas “Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran
at pangalagaan ang sambayanan. Maaaring tawagan ng pamahalaan ang sambayanan upang ipagtanggol ang
estado, at sa ikatutupad niyon, ang mamamayan ay maaaring atasang maghandog ng personal na serbisyong
military o sibil, sa ilalim ng kondisyong itinakda ng batas”.

Ang mga sinusulong ng Programang ito ay naayon sa ating saligang batas.

Ang pangunahing layunin ng ROTC ay pagyabungin ang pagmamahal sa bayan, ipaalala ang wastong paguugali
at Disiplina, hubugin ang respeto sa karapatang pantao, at ipaintindi at isapuso sa mga kabataan ang Saligang
Batas.
At ang probisyon na sumusoport sa legalidad nito ay ang Senate Bill 2232 o Senior High School Reserve
Officers Training Corp (ROTC) Act na Naglalayung bigyan ng kaukulang kaalaman at training ang mga
kabataan.dahil patuloy parin ang mga krimen o masasama o di kanais- nais na Gawain na sangkot ang mga
kabataan ngayo.

Tama at dapat lamang na ipatupad ang ROTC sa SHS dahil; Una, At ayon din sa seksyon 13 sa Artikulo 2 ng
saligang batas binabanggit na “Kinikilala ng estado ang napakahalagang tungkulin ng kabataan sa pagbuo ng
bansa at dapat magtaguyod at mangalaga ng kanilang kagalingang pisikal, moral, espirituwal, intelektual at
sosyal. Dapat nitong ikintal sa kabataan ang pagkamakabayan, nasyonalismo at pagsiglahin ang paglahok nila
sa mga gawang bayan at sibiko. Pangatlo, dahil patuloy parin ang mga krimen o masasama o di kanais- nais na
Gawain na sangkot ang mga kabataan at walang takot na paglabag sa batas ngayon; Pangalawa, walang sapat
na kaalaman at kahandaan ang mga kabataan na imbes na tumulong ay inuuna ang pagkuha ng larawan o
bidyo sa oras ng sakuna; Pangapat;
Sinusulong ng Programang ito Una, Ang Paaralan bilang pangunahing institusyon na humuhubog hindi lang sa
kakayahan kundi pati na rin sa damdamin ng mga kabataan ang pinakamabisang instrumento upang tulungan
ang gobyerno sa pagpapalakas ng patriyotismo; Pangalawa, ang ROTC ay makakatulong sa pagbuhay ng
nasyonanalismo ng mga kabataan. Bilang mga Pilipino, tungkulin natin na protektahan an gating bansa at
lumaban para sa ating soberanya kung kinakailangan; At ang pangatlong sinusulong ng nito ay ang
pagsasailalim ng mga kabataan sa ROTC bilang isang paraan na makakatulong upang maibalik ang Disiplina ng
mga kabataan na tila nawawala dulot ng pagbabago sa teknolohiya at lipunan.

You might also like