Pananaliksik Sa Wikang Bikolano

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Wikang Bikolano

I. Introduksyon

Ang wika ang nagsisilbing pagkaka-kilanlan nang

isang pook o lalawigan. Sa wika nasasalamin kung anong

kultura’t kasaysayan nang isang lugar na kinabibilangan ng

tao. Wika ang nagsisilbing instrument upang magkaroon ng

kaisahan ang mga tao dahil ito ang nag-uugnay sa

kasamahan ng kanilang lahi.


Figure 1. Lugar kung saan may
Mayroong iba’t ibang wika sa buong mundo, at gumagamit nang Wikang Bikolano
sa Pilipinas.

bawat wika ay may di mapapantayang kahalagahan. Dahil

sa taglay na di matatawarang kahalagahan ng wika, marapat lamang na ito ay

pahalagahan, pag-usbungin, at pagyayamanin para na rin sa susunod na salinlahi.

Ayon sa pag-aaaral ng UNESCO, tinukoy ang iba’t ibang bilang nang mga

wika sa ating bansa ayon sa tatlong banyagang pag-aaral: 100 (Gunnemark 1991);

100-160 (Krauss 1992); at 169 (Grimes 2000). Sa proyekto naman na Pagmamapa

sa mga Wika ng Filipinas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), natukoy din ng

mga lokal na pag-aaral ang iba’t ibang bilang ng wika sa ating bansa: 144 (2010

NSO); 114 (NCIP 2014); 184 (Ethnelogue 2010); at 103 (KWF 2009).

Sa lahat nang mga bilang na nabanggit, isa ang Wikang Bikolano sa

ginagamit na wika sa ating bansa. Ayon sa sensus nang taong 1990, sinasabing 2.5

Milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Bikolano. Kung kaya naman tinuturing

ang Wikang Bikolano na ika-anim sa pinaka-sinasalitang katutubong wika sa

ating bansa.
Ang wikang Bikolano ay isa sa mayayamang wika nan gating bansa. Sa

pagkatuto nang wikang Bikolano ay maiiwasan natin ang hindi pagkakaunawaan.

Ano nga ba ang sining sa likod ng pag-gamit at pagka-buo nangwikang Bikolano?

II. Kasaysayan ng Wikang Bikolano

Ang wika nang isang kultura ay patuloy sa pag-usbong. Sa paglipas ng

panahon, ag bokabularyo ng isang wika ay nadadagdagan o nababago dahil sa mga

bagong kaisipan na natutuklasan. Sa mga araw na ito, isa sa sinasabing paliwanag

kung anong paraan nagaganap ang pagbabago ay ang impuwensiya nang ibang

kultura sa atin – tinatawag na asimilasyon. Isa sa halimbawa nito ay ang

pagpapasok nang salitang Latin na salita sa Ingles o kaya naman ay salitang Kastila

sa wikang Bikol.Sa bagong milenyong panahon, kung saan ganap ang

globalisasyon, malaki ang impuwensiya nang malalaking nasyon sa mga maramig

salita, habang ang mga teknikong salita ay nagmumula sa maliliit na nasyon na

patuloy pang umuunlad at umuusbong dahi sa sensiya.

Ang wikang Bikolano ay may hawig sa kasaysayan na nahahati sa apat

na kabanata:

1. Panahon bago ang Kastila

2. Panahon ng Kastila

3. Panahon ng Amerikano (1900 - Kasalukuyan)

4. Panahon ng Tagalog (1935 – Kasalukuyan)


A. Panahon Bago ang Kastila

Noong unang panahon, ang mga Pilipino kabilang na ang Bikolano ay

mayroon na ring sariling salita na ginagamit sa literatura. Sunod sa testimonya ni

Pedro de Chirino ni Antonio de Morda, ang mga katutubong Pilipino ay mahihilig

magbasa at magsulat (Santos, 1996). Mayroon na rin sila noon na sariling sistema

ng pagsulat, pero mas maayos ang presenta ng pagsulat natin ngayon. Ayon Sa

sinulat ni Morga (Blair and Robinson, vol XVI,pp. 116-117):

“The natives throughout the Islands can write excellently with certain

characters, almost like the Greek and the Arabic. These characters are fifteen in all.

Three are vowels, which are used as our five. The consonants number twelve, and

each and all of them combine with certain dots or commas, and so signify whatever

one wishes to write, as fluently and easily as is done with our Spanish alphabet. The

method of writing was on bamboo, but is now on paper, commencing the lines at

the right and running to the left, in the Arabic fashion. Almost all the natives both

men and women, write in this language. There are very few who do not write it

excellently and correctly.”

Ito ang patunay na malaki na ang kaalaman ng mga katutubong Pilipino,

sapagkat kahit noon pang panahon na iyan ay napatunayan na ang kanilang

lenggawahe ay mayaman. Sa mga Bikolano, ang malawak na patunay nito ay ang

Hadyong – epiko sa Bicol.


B. Panahon ng mga Kastila

Pagdating ng mga Kastila, angating pagsulat ng abakada ay nagbago

saka nadgdagan ang mga letra katulad ng “ch”, “f”, “j”, “ll”, “ñ”, “q” “v” , “z”. Ang

mga patinig ay nadagdagan ng dalawa – ang “e” at “o” , ang pagsalin ng mga

salita ay sumunod sa Kastilang paraan ng pagsulat . Ang mga unang misyonero

na ipinadala sa mga Bikolano ay ang pagsulat ng abakada sa Romano. Ito ang

ginamit nila sa pagsulat na naging paraan ng pakikipag-usap sa mga katutubo.

Sunod nito, nadagdagan naman ng abakada ang Bikol. Ang tatlong patinig ay

naging lima . Ang dating /i/ naging “e” o “i” at ang dating /u/ nagging “o” o “u” .

C. Panahon ng Amerikano

Sa panahon na ito ang mga Bikolano ay nagkaroong ng

Ingles. Marami na mga salita sa Ingles ang napasok sa bokabularyo ng mga

Bikolano. Sa parehong artikulo si Lucero nagsulat:

“With the coming of the Americans (the Thomasites) more and more

English words were incorporated into our [languages]. Bikolanos acquired the

facile English words and commonly use them now as Bikol.” (Dy-Liacco,p.65).

Sa pagdating ng mga Thomasites sa ating bansa, naimpluwensiyahan nito

ang wikang Bikolano.


D. Pagpasok ng Tagalog

Sa pagpasok ng mga Tagalog, nagkaroon ng pagbabago sa ortograpiya

ng wikang Bikol. Ayon kay Borjal:

“In 1925, some Bicol writers introduced the use of consonant “k” ,so as to

make the Bicol language orthography conform to the Tagalog spelling.Thus began

the debate as to which letter us the more proper , the “c” or the “k”. (O’Brien,p.195).

III. Gumagamit ng Wikang Bikolano

Ang tawag sa wikang sinasalita ng mga Bikolano, partikular sa rehiyon ng

Bikol, ay wikang Bikolano o Bikol. Ito ay partikular na ginagamit sa lalawigan ng

Albay, Camarines Norte at Sur, Catanduanes, at Sorsogon.

Bagaman mayroong ibang wika na sinasalita ang iba pang grupo sa

rehiyon, Bikol o Bikolano ang opisyal na wika ng rehiyon.

Ang ilan sa kilalang varayti ng Wikang Bikolano ay ang Bikol

Catanduanes, varayting may halong Binisaya, at sinasalita sa mga bayan ng

Caamoran, Pandan, Panganiban at Viga sa Catanduanes; ang Bikol Miraya na

winiwika sa bayan ng Camalig, Daraga, Guinobatan, Jovellar, Libon, Ligao, Oas,

Pioduran, at Polangui sa Albay, gayundin sa bayan ng Pilar at Donsol sa Sorsogon;

at ang Bikol Sorsogon na isang varayti na may halong Waray at sinasalita sa

lalawigan ng Sorsogon.
IV. Kultura

Pagkain

Ang mga Bikolano ay may pagkahilig sa mga pagkaing maaanghang at may gata. Ilan sa

mga sikat na putahe nila ay ang Bicol Express at Laing. Dahil dito, tinawag ang Bikol

na Spicy Region ng Pilipinas. Mayroon din silang mga tanyag na produkto tulad ng pili,

peanut brittle, masapan at pastilyas.

Paniniwala

Malakas ang paniniwala ng mga Bikolano sa mga engkanto tulad ng dwende, onglo,

aswang at mangkukulam, katambay, tawo sa lipod at triburon.

Ilan din sa mga paniniwala nila ay ang mga sumusunod:

 Paru-parong lumilipad sa loob ng bahay – pagbisita ng mga kaluluwa ng pumanaw

na kamag-anak

 Bawal dumiretso sa bahay kapag bagong dalo sa patay

 Bawal magwalis sa gabi – kumakatawan ito sa pag-taboy ng mga “biyaya”

 Bawal magbukas ng payong sa loob ng bahay

Pagdiriwang

Ilan sa mga kilalang pagdiriwang sa Bikol ay ang Fiesta ng Nuestra Señora de

Peñafrancia tuwing ika-3 Linggo ng Setyembre sa Naga City, Camarines Sur, Ibalong

Festival tuwing buwan ng Oktubre sa Legazpi City at Rodeo Masbateño tuwing ika-6

hanggang 8 ng Abril sa Masbate.


Hanapbuhay

Sa Bikol, karamihan sa mga naninirahan dito ay pagsasaka ang hanapbuhay. Mais,

palay at abaka ang mga pangunahing produkto nila. Bagay ang hanapbuhay na ito sa

klima ng Bikol at ang lugar nila ay likas sa mga matatabang lupa. Isa din sa hanapbuhay

nila ay ang pangingisda sa pamamagitan ng pamimingwit at pagbibitag. Dahil na rin sa

napapaligiran ng anyong tubig ang Bikol, naging isa ito sa hanapbuhay ng mga Bikolano.

Ang paghahabi ay isa din sa mga hanapbuhay sa Bikol dahil sagana ito sa mga likas na

yaman tulad ng abaka na ginagawa nilang tsinelas, upuan, basket at iba pa.

Pananamit

Ang pananamit nila ay simple lang lalo na ang mga kalalakihan ngunit ang mga

kababaihan ay mahilig maglagay ng mga mga palamuti sa kanilang mga katawan.


Ponema

V. Sistemang Balangkas ng Wikang Bikolano ay isa sa mga yunit ng


tunog na nagpapakita
ng kaibahan ng isang
salita mula sa isa pang
A. PONEMA
salita ng partikular na
1.1. Katinig wika.

Ang modernong Bikol ay mayroong 16 na katinig: /p, b, t, m, n, ng, l, r, w,

y, s, h,?/ at ang mga ito ay binibigkas katulad ng karamihan sa mga wikang

Pilipino.

Mga Katinig sa Bikol

Labial Dental Palatal Velar Glottal

Stops Unvoiced p T k ?

Voiced b d g

Affricates Unvoiced ¹č

Voiced ¹ĵ

Fricatives Unvoiced ²[f] S ¹š h

Voiced ²[β] (ˠ)

Nasals Voiced m N ¹ñ ᵑ

Liquid Voiced L

Flap Voiced r

Glides Voiced w y
Interdental- Voiced ³(£)

Alveolar

lateral

1.2. Patinig

Ito ay sinang-ayunan na ang pre-Espanyol Bicol ay mayroong tatlong

magkakahiwalay na patinig, /a, i, u/ kasama ang [o] bilang allphone ng /u/ at [e]

bilang allophone ng /i/

FRONT, CENTRAL, BACK,

UNGROUNDED UNGROUNDED ROUNDED

HIGH TENSE i [i, e, ε] u [u, ʋ, o, i, ɔ]

MID {e[e, ε]}¹ {o [o, ɔ]}¹

LOW a[a, ӕ, ә, ɑ]

1.3. Patinig: Allophones

FRONT CENTRAL BACK

-round +round -round +round -round +round

HIGH tense I ¹ɨ u

lax I ʋ

MID tense E o

lax Ε ә ɔ
LOW tense

lax ӕ a ɑ

Ang allophonena /u/, para sa ilang nagsasalita ng Bikol, hindi kumikislap sa

kanilang mga labi kapag binigkas ang / u / pormal; ɨ (Kinakatawan bilang / ә /)

na nangyayari bilang isang tunay na ponema lamang sa Miraya, Buhi-non, at

Libon.

1.4. Diptonggo

FRONT CENTRAL BACK

HIGH iw uy

MID

LOW aw, ay

1.5. Diin o Haba ng Patinig

Ang diin at haba ng patinig ay mga ponema sa Bikol na bihirang

mahuhulaan. Ang tanging generalisasyon na maaaring gawin tungkol sa diin ay

ang mga salita ng anyong (C) VCCV (C), ay palaging ang diin ay sa panghuling

pantig.
1.6. Minimal na pares na may kaugnayan sa diin:

Penult Stress Ultima Stress

ảram “to know” arảm “to be conscious”

dǔkot “to pull something out” dukὀt “to glue or paste”

dὀot “grass, lawn” doὀt “to feel, touch”

hảmak “lowly, humble” hamảk “mat”

inả “to remove something” inâ “mother”

kǔyog “to obey or comply” kuyóg “small fish”

sảlog “river” salóg “floor”

B. MORPEMA

Pagbabagong Morpoponemiko

May iba’t ibang pagababagong morpoponemiko ang nagaganap sa

Cebuano. Ang mga pamamaraan na ito ay makatutulong upang mas mapadali ang

bigas ng mga salita.

1.1. Asimilasyon

Ito ay proseso na ang huling titik ng unlapi ay magsasama sa unang titik ng

pandiwa upang makabuo ng panobagong ponema.

Kapag may unlaping nagtatapos sa /ŋ/, ang asimilasyon batay sa unang katinig

ay maaring maganap pero kung ito man ay lumawak nakadepende ito sa sa lugar ng

pagsasalita.
Halimbawa:

Panuntunan Halimbawa

/ŋ/ + [bilabial] /m/ mang + bakal mamakal “to go shopping”

/ŋ/ + /s/ + /m/ mang + subli manubli “to go around borrowing

/ŋ/ + {/k/, /h/} + /ŋ/ mang + ha?bon manga?bon

mang + ka?on mangaon

Walang asimilasyon mang + tao mangtao

1.2. Epentesis

Ito ay ang proseso na kung saan ang sobrang ponema ay dinaragdag sa salita na

hiniram sa ibang lenggwahe.

Kapag ang unang patinig ng hulapi ay dinagdag sa pagitan ng base at hulapi.

Halimbawa:

Totoo ‘true’ + ka- -an = ka-totoo-han -> katotohanan


Ma-ogma ‘happy’

C. SINTAKS

Ang mga pangungusap ay binubuo ng mga parirala, na kung saan ay binubuo

rin ng isa o higit pang salita. Sa Bikol, may tatlong uri ng parirala; Pangngalang

parirala na binubuo ng panghalip o grupo ng mga salita na pinakikilala ng salitang

pananda, Pandiwang parirala na kadalasang binubuo ng perpektibo, imperpektibo


o kontemplatibong pandiwa, at ang Naglalarawang parirala na kadalasang

binubuo ng mga salitang naglalarawan na minomodipika ang mga pandiwa.

Sa mga parirala, ang mga salita ay pinagsasama gamit ang mga pang-ugnay,

ang pinakakaraniwang ginagamit ay ang na, na madalas na nagiging -ng kapag

ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig.

Mga halimbawa:

Magayon na babae

Anom na tawo

Sakong kwarta

Duwang piso

Ang katulad na pang-ugnay ay ginagamit upang ipakilala ang kasunod na

parirala. Sa mga kumplikadong pangungusap, ang mga panghalip na Nominatibo

at Henetibo ang karaniwang sumusunod sa unang salita sa pandiwang parirala.

May dalawang uri ng pangungusap ang Bikol, ang Berbal na

pangungusap (nasa ayos na paksa-panaguri) at ang pangungusap na

Ekweysyunal (nasa ayos na A ay B o B ay A)

Mga halimbawa ng Ekweysyunal na pangungusap

1.) An lalaking iyan iyo an maestro ta.

“Ang lalaking iyan ay ang ating guro”


2.) An maestro iyo an naanggot

“ Ang guro ang siyang nagalit”

Mga halimbawa ng Berbal na pangungusap

1.) Maluto ako

“Magluluto ako”

2.) Linuto ko an manok

“Niluto ko ang manok”

Ang mga berbal na pangungusap ay binubuo ng pandiwa na

sinusundan ng pangngalang parirala, na siyang pokus ng pandiwa o ang paksa ng

pangungusap. Sa bawat uri ng pandiwa ay may katumbas na pangngalang

parirala. Para sa pandiwang nakapokus sa tagaganap, ang tagaganap ang

mahalagang pangngalang parirala. Para sa pandiwang nakapokus sa

tagatanggap, ang tagatanggap ang mahalaga. Para sa pandiwang nakapokus sa

lokasyon, ang lokasyon ang mahalaga; at iba pang pandiwa.

Sa lengguwaheng Bikol, ang pinakasentral na elemento ay ang

Nominatibong parirala. Kadalasan, lahat ng uri ng pangungusap sa Bikol ay

kailangan ng kahit isa man lang na nominatibong parirala dahil kapag wala ito,

hindi na magiging wasto ang diwang pambalarila.


VI. Konklusyon

 Bikolano – Cebuano:

Kung susuriin, ang katinig ng mga Bikolano ay mas angat ng isang letra

habang ang kanilang katinig naman ay parehong tatlong patinig kumpara sa

Cebuano. Ang ponema ng Bikolano ay may diin sa bawat salita habang ang mga

Cebuano naman ay wala. Ang mga titik naman na wala sa Cebuano tulad ng c, f,

j, q, v, x ay pinapalitan nila – halimbawa, ang matigas na “c” pinapalitan nila ng titik

“k” at ang malambot na "c" naman ay pinaplitan ng titik "s" . Hindi ito nagaganap

sa wikang Bikolano.

 Bikolano – Hiligaynon:

Ang wikang Ilonggo ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa

NEGROS OCCIDENTAL, BACOLOD, ILOILO at CAPIZ. Kilala rin sa tawag na

Wikang Hiligaynon. Ginagamit rin ito sa mga grupo ng isla sa Panay, at probinsiya

na rin ng tulad ng Capiz, Antique, Aklan, Guimaras at mga parte ng Mindanao tulad

ng Koronadal, Timog Cotabato, Sultan Kudarat at gayundin ang malaking parte ng

Hilagang Cotabato. Ang Wikang Bikolano naman ay ginagamit ng mga taong

naninirahan sa mga probinsya na matatagpuan sa tangway ng Bikol at nagsisilbi

bilang LINGUA FRANCA o pangunahing wika ng rehiyon.


 Bikolano – Waray:

Ang wikang Bikolano ay mayroong varayti. Meron itong Bikol Miraya,

Catanduanes, at Sorsogon. Ang mga varayting ito ay sinasalita sa iba’t ibang

bayan sa Bikol. Gayunpaman, Bikol pa rin ang kanilang pinaka-pangunahing wika.

Katulad nang wikang Bikolano, ang wikang Waray ay binubuo rin nang iba’t ibang

varayti. Ang pangkat ng mga wikang Waray ay binubuo ng Waray, Waray

Sorsogon at Masbate Sorsogon. Bisakol ang tawag naman sa mga wikang Waray

Sorsogon at Masbate Sorsogon dahil komplementaryo sila ng mga wikang Bisaya

at Bikolano. Lahat ng wikang Waray ay kabilang sa grupo ng mga wikang Bisaya

at may kaugnayan sa mga diyalektong Hiligaynon at Masbatenyo. Bagama’t may

pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag lamang na Waray dahil iisa lamang

ang kanilang lingguahe na sinasalita. Gayumpaman, nagkakaiba naman sila sa

mga ideya at proposisyon, at konstuksyon ng pangungusap. Dahil doon, ay may

tinatawag na Samarnong Waray at Lineyteng Waray. Kahit pa na may pagkakaiba

ang dalawang ito, nananantili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang

pangunahing wika sa mga probinsiyang ito.

 Bikolano – Ilokano:

Ang wikang Bikolano ay ginagamit sa lalawigan ng Bikol bilang

midyum sa pagtuturo sa paaralan, ginagamit sa pagpapahayag ng salita ng Diyos

sa simbahan, at sa iba pang mahahalagang okasyon sa lalawigan. Ang wikang

Bikol ay malayang nagagamit sa lalawigan. Sa kabilang dako, ang wikang Ilokano

ay hindi pormal na itinuturo sa mga paaralan. Gayunpaman, ang Iloko pa rin ang
pangunahing wikang sinasalita sa hilaga. Sinasabing ang dalawang wika ay

parehas na nabibilang sa wikang Austronesian.

 Bikolano – Tagalog:

Ang wikang Tagalog at Bikolano ay parehas na nabibilang sa wikang

Austronesian. Kung mapapansin, parehas ang dalawang wika na maraming

salitang hiram mula sa wikang Espanyol, gayunpaman ay iba ang tunog ng

kanilang mga titik. Ang wikang Tagalog ay laganap sa bansa dahil ito an

gating wikang pambansa, ngunit mas partikular itong ginagamit sa Luzon

(Maynila) habang ang wikang Bikolano naman ay laganap sa lalawigan ng

Bikol.

Sa pag-aaral nang wikang Bikolano, marami tayong matutuklasan na pagkaka-iba nito at

ilang pagkakapareha sa iba pang wikang ginagamit sa ating bansa. Masasalamin rin sa

pag aaral nang wikang Bikolano ang kulturang nanalaytay sa lalawigan. Mahalaga ang

pag-aaral nang mga wikang laganap sa ating bansa, kagaya nang wikang Bikolano,

upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa iba’t ibang wika.


VII. Talasanggunian

 Lobel, J.W. (2000). An Satuyang Tataramon “A Study of the Bikol Language”.

Naga City. Lobel and Tria Partnership , Co.

 (Anonymous). (2016). Mga Bikolano: Kabuuang Pagsusuri. Retrieved from:

http://buhayngisangbikolano.tumblr.com/

 (Anonymous). (2016). Bicol, Philippines: Kultura. Retrieved from:

https://largabicol.wordpress.com/2016/08/17/blog-post-title-2/

 Mattes, V. (2014). Types of Reduplication A Case Study of Bikol. Retrieved

from:

https://books.google.com.ph/books?id=zTXoBQAAQBAJ&pg=PA22&lpg=PA2

2&dq=morphology%20of%20bicolnon&source=bl&ots=QgX9ylqiRp&sig=r3l0z

B0jEwzWvTTKmK8sY1vvrHM&hl=en&sa=X&ved=0ahUKEwi88sO3zrrVAhUB

MpQKHfM9AJoQ6AEIMDAE#v=onepage&q=morphology%20of%20bicolnon

&f=false

 (Anonymous). (Unknown). Dissertation. Retrieved from:

http://reduplication.uni-graz.at/texte/Dissertation_gesamt.pdf

You might also like