11/8/2016 1:47 PM Komunikasyong Epektibo Sa Wikang Akademiko

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay ng malaki sa

partisipant nito. Kung gayon, malaki ang impluwensiya ng mabisang


pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon.
Maraming iminumungkahi ang ibang manunulat na
diumano’y mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang
tagapagsalita. Sa pagtalakay na ito, nilimita lamang ang mga
katangian ayon sa tatlong pinakabatayan ng iba pa.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG


1 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
Upang maging isang epektibong tagapagsalita, kailangang may
sapat kang kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay:

Una: Kailangang alam mo ang paksa sa isang usapan. Hindi magiging


kapani-paniwala kung mahahalata kang parang nangangapa sa iyong
pagsasalita sapagkat hindi mo alam o kulang ang iyong kaalaman sa
paksang tinatalakay.
Tandaan:* Hindi mo laging malilinlang ang iyong tagapakinig.
* Hindi madali ang magpanggap na may nalalaman sa isang
paksa nang hindi ka naghahagilap ng mga salita sa
sandaling nagsasalita ka na.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG


2 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
Ikalawa: Kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika.
Hindi magiging epektibo ang paggamit mo ng salita at ang
pagpapahayag mo ng mga pangungusap kung ang pandiwa
mo ay laging nasa maling aspeto, halimbawa, o kung hindi
angkop ang mga panghalip na ginagamit mong panghalili sa
mga pangngalan, o kung laging bitin ang iyong mga
pangungusap o kung hindi mo maorganisa nang maayos ang
iyong mga pahayag.

Ikatlo: Kailangang may sapat ka ring kaalaman sa kultura ng


pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling
kultura, at maging sa kultura ng iyong kausap. Ang wika ay
nakasandig sa kultura, hindi ga? Kung gayon, gayon din ang
komunikasyon. Kung kaya’t sa pagsasalita ay kailangang
maisaalangalang lagi ang mga nakaiimpluwensiyang kultura
upang maiwasan ang miskomunikasyon.
KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG
3 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
Ang pagsasalita ay isa sa lima na makrong kasanayan. Kung
gayon, katulad ng iba pang kasanayang pangkomunikasyon, ang
pagsasalita ay isang kasanayang maaaring linangin.
Mga Kasanayan sa Pagsasalita na Dapat Linangin:
Una: Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pag-iisip ng
mensahe sa pinakamaikling panahon. May mga sitwasyon kasing
nangangailangan ng presence of mind. Sa mga gayong sitwasyon,
kailangan ng bilis ng pag-iisip upang agad na masabi ng isang tao ang
kailangan niyang masabi.
Ikalawa: Kailangang may sapat siyang kasanayan sa paggamit ng
mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas
at iba pang anyong di-berbal.
Ikatlo: Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa
iba’t ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at
pangangatuwiran.
KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG
4 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
Isa ring mahalagang pangangailangan ang pagkakaroon
ng tiwala sa sarili ng isang tagapagsalita. Ang isang taong
walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi
palakibo. Mapilitan man siyang magsalita paminsan-minsan,
inilalantad naman ng kanyang mahinang tinig, garalgal na
boses, mabagal na pananalita, pautal-utal na pagbigkas o di
kaya’y ng kanyang panginginig, o paninigas, o pag-iwas ng
tingin, o labis na pagpapawis ang kakulangan niya o kawalan
ng tiwala sa sarili.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG


5 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng
kanyang panghikayat sa kanyang tagapakinig o di kaya’y sa
kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig
sa kanyang sinasabi. Makikita ito sa reaksyon ng kanyang
tagapakinig sa kanya.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG


6 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita.
Sa maraming pagkakataon, kinakailangan ang tinig ay maging
mapanghikayat at nakakaakit pakinggan. May mga sitwasyong
nangangailangan ng malakas na tinig ngunit may pagkakataon
na mahinang tinig lamang ang kailangan. Katulad ng lakas,
kinakailangang iniaangkop din ang himig ng pagsasalita sa
sitwasyon at damdamin at maging sa kaisipan o mensaheng
ipinapahayag ng isang nagsasalita.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG


7 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang
nagsasalita. Kailangang maging malinaw ang pagbigkas niya
sa mga salita. Ang maling pagbigkas sa mga salita ay maaaring
magbunga ng ibang pagpapakahulugan sa salitang iyon lalo
pa’t ang wika natin ay napakaraming mga homonimo (mga
salitang pareho ang baybay, ngunit magkaiba ng paraan ng
pagbigkas at may magkaibang kahulugan). Kaugnay nito,
kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay diin (stress)
sa mga salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng mga
pangungusap at talata sapagkat nakatutulong din ito upang
maging malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.
KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG
8 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
Sa isang tagapagsalita, lalo na sa isang pagtitipon o sa
mga timpalak-pambigkasan napakahalaga ng tindig.
Kinakailangang may tikas, ‘ika nga eh, mula ulo hanggang paa.
Hindi magiging kapani-paniwala ang isang mambibigkas kung
siya’y parang nanghihina o kung siya’y mukhang sakitin.
Sapagkat ang isang tagapagsalita ay kinakailangang maging
kalugod-lugod hindi lamang sa pandinig ng mga tagapakinig.
Kailangan din niyang maging kalugod-lugod sa kanilang
paningin upang siya’y maging higit na mapanghikayat.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG


9 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
Ang kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita.
Kung wala nito, ang nagsasalita ay magmumukhang tuod o
robot. Ngunit ang kumpas ng kamay ay kailangang maging
angkop sa diwa ng salita o mga salitang binabanggit.
Tandaan:
* Ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan.
* Kailangang maging natural din ang kumpas.
* Iwasan ang pagiging mekanikal ng mga ito.
* Kailangang nasa tama at hindi labis, hindi kulang o alanganing
kumpas ng kamay.
KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG
10 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaari
ring gumalaw. Ang mga mata, balikat, paa at ulo -> ang
pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa
isang pagsasalita.
Halimbawa: Ang labis na paggalaw ng mga mata o ang kawalan ng
panuunan ng paningin sa kausap o sa madlang tagapakinig ay
malamang na magsilbing distraksyon sa halip na pantulong sa isang
tagapagsalita.
Ang mabisang pagpapanatili ng pakikipag-ugnayan sa
tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan ng paningin ay maaaring
makatulong sa nagsasalita.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG


11 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
Tinig

Kilos Bigkas

Kumpas Tindig
KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG
12 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
“Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot,
kung gayon, ay ang pagharap, hindi ang pagtalikod dito.”

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG


13 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
 Xenophobia o Stage Fright
- ito ay tawag sa takot sa pagsasalita sa harap ng madla.
- ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar,
maling bigkas, masagwang tindig o postyur, kakatwang ideya o
anyong pisikal. Ito ang takot na hindi tanggapin ng madla bunga
ng kawalan o kakulangan ng tiwala sa sarili at di-pagkaalam kung
ano ang sasabihin at kung paano iyon sasabihin.
Ang Stage Fright ay may mga manipestasyon. Ilan sa mga
ito ay ang sumusunod: panginginig ng kamay, pangangatog ng
tuhod, kawalan ng ganang kumain, pananakit ng tiyan, di-
pagkatulog, pananakit ng ulo, pagkautal, pagkalimot ng
sasabihin, paninigas sa pagkatayo, kawalan ng panuunan ng
paningin, biglang pagbilis ng pulso at mataas na presyon ng
dugo.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG


14 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
 Iba’t Ibang Dahilan ng Stage Fright
1. Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig.
2. Di-kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla.
3. Kakulangan o kawalan ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng
madla.
4. Damdaming kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal
tulad ng katabaan, kapayatan, di-kaaya-ayang mukha o kulay o di-
magandang postyur.
5. Kakulangan o kawalan ng kahandaan.
6. Kakulangan o kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG


15 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
 Mga Mungkahi Kung Paano Mamiminimays Ang Stage
Fright
1. Magkaroon ng positibong atityud. Isiping kaya mong magsalita sa harap ng
madla. Isipin ding hindi ka nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan
sa mga unang segundo o minuto ng pagsasalita.
2. Magtiwala sa iyong sarili. Isiping mayroon kang mahalagang ideya na
ibabahagi sa madla.
3. Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong mga tagumpay at kabiguan, ang
iyong mga kalakasan at kahinaan, ang iyong mga kagandahan at kapintasan.
Isiping maging ang mga taong may depekto ay maaaring magtagumpay.
4. Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na
tagapagsalita.
5. Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng
karanasan kung hindi mo susubukan.
6. Magpraktis ka nang magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na
pangkat hanggang sa pagharap sa malalaking madla.
7. Isiping ang madlang tagapakinig ay ay palakaibigan at hindi mapanghusga.
8.Magbihis ng naayon sa okasyon.
9. Mag-imbak ng maraming kaalaman.
10. Dumating ng maaga upang maging pamilyar sa lugar at sa tagapakinig.
16 11.KOMUNIKASYONG EPEKTIBO
Magdasal. Humingi ka ngSAlakas
WIKANG
at dunong sa Panginoon Jesus.
11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO
END!!!

KOMUNIKASYONG EPEKTIBO SA WIKANG


17 11/8/2016 1:47 PM
AKADEMIKO

You might also like