Qand A

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MISS GAY QUESTIONNAIRES

1. Pabor ka bang babaan ng gobyerno ang edad ng mga kabataang pwedeng kasuhan at
ikulong? Ano sa tingin mo ang tamang edad at bakit?

2. Sang-ayon ka bang ibigay sa isang batang nag-aagaw buhay ang puso ng taong mahal
mo na matagal nang comatose at bakit?

3. Sa iyong palagay, tama bang ipakasal ng mga magulang ang magkasintahan sa


kadahilanang ang babae ay buntis na at bakit?

4. Kung isa sa mga mahal mo ay biktima ng isang karumal-dumal na krimen at bibigyan


ka ng pagkakataong magdesisyon na patawan ng parusa ang nagkasala, ano ang
parusang nais mong ipataw at bakit?

5. Sa iyong palagay, tama bang iwanan ng mga magulang ang kanilang anak kapalit ang
perang kikitain sa ibang bansa para sa magandang kinabukasan ng kanilang anak at
bakit?

6. Kung bibigyan ka ng kakayanang tumupad ng isang kahilingan, kaninong kahilingan


ang tutuparin mo – isang batang iniwan na nagnanais makita ang kanyang ina, isang
taong mayaman na may sakit na cancer na nagnanais pang madugsungan ang kanyang
buhay para mas makatulong pa sa kapwa o isang rapist na naghahangad na makuha
ang kapatawaran ng taong kanyang nagahasa? At bakit?

7. Kung muli kang boboto ng presidente at isang tricicyle driver, isang manikurista at
isang karpintero ang kumakandidato, kanino mo ibibigay ang iyong boto at bakit?

8. Kung bibigayan ka ng pagkakataong makausap ang Panginoon, ano ang nais mong
itanong sa Kanya at bakit?

9. Pabor ka bang gawing legal ang abortion para sa mga babaeng biktima ng
panggagahasa at bakit?

10. Kung ulila na kayo sa magulang at malalaman mo na ang iyong kaisa-isang kapatid ay
nagamit ng pinagbabawal na gamot, ano ang gagawin mo? Ipagbibigay alam mo ba ito
sa awtoridad o bibigyan mo siya ng pagkakataon na magbago at bakit?
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging isang mambabatas, anong unang
panukalang batas ang iyong isusulong at bakit?

You might also like