Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang Magandang Dilag at ang Kuba

Minsan may isang magandang dilag na sinusuyo ng halos lahat ng kalalakihan sa nayon.

Ngunit ang magandang dilag ay tila mapili o sadyang pihikan. Sa dinami-rami ng mga
manliligaw nito’y wala pa ring mapili.

Ayon sa magandang dilag, hindi lang panlabas na anyo ang batayan nito sa pagpili ng
lalaking mapapangasawa. Ang hinahangad nito ay isang lalaking mamahalin siya ng lubos.

Isang gabi, isang kuba ang umakyat sa kanya ng ligaw.

Nagtawanan ang ilang binata na nakasabay ng kuba sa panliligaw.

Batid ng mga ito na wala nang kapag-a-pag-asa ang kubang iyon sa pihikang dilag.

Nang makita nga ng magandang dilag ang kuba na nakatakdang manligaw sa kanya ay
napailing ito.

Hindi man siya naghahangad ng masyadong guwapo, pero ang kubang ito ay sadyang
nakaririmarim pagmasdan. Hirap itong lumakad at tunay na may kapangitan.

Hindi alam ng dilag kung papaano niya sasabihin sa kuba na wala na itong pag-asa sa
kanya.

Ngunit nang mahalata iyon ng kuba ay bigla itong nagsalita. Naniniwala ka ba na ang bawat
nilalang ay pinaglalaanan ng Diyos ng makakapareha sa buhay?

Tumango ang magandang dilag, dahil naniniwala siya doon. Sa katunayan, iyon ang
hinihintay niyang dumating sa kanyang buhay. Ang lalaking kapareha ng kanyang
kaluluwa.

Kung ganoon, hindi mo na ba ako natatandaan? ang biglang tanong ng kuba.

Nagtaka ang magandang dilag, Ha? Nagkita na ba tayo?

Kung sabagay, hindi kita masisisi. Hindi mo na nga ako makikilala pa…

Nasilip ng magandang dilag sa mga mata ng kuba ang kakaibang kalungkutan. Siya’y
nahabag dito at nagsabing, Sige, isalaysay mo sa akin ang una nating pagkikita…

Pahina 61 | P a r a b u l a
Ang Pinakamaliit na Bato

Ang guro at ang kanyang mga estudyante ay naglalakad sa isang bulubunduking lugar.
Malayo pa ang kanilang lalakbayin. Ang mga estudyante ay nakaramdam na ng gutom.
Wala naman silang nadaraanang puno na may bunga para makapitas sila ng makakain.
Dalawang batis na ang kanilang dinaanan. Uminom silang lahat sa dalawang batis. Napawi
naman ang kanilang uhaw. Ang hindi lang nawala ay ang nararamdaman nilang matinding
gutom.

Wala rin naman mga bahay at tindahan sa kanilang dinaraanan. Maaari sana silang bumili
o humingi ng anumang pagkain para mapawi ang kanilang gutom. Nahihiya naman silang
magsabi sa kanilang guro.

Alam nilang ang kanilang guro ay mayroong kapangyarihan. Kung gugustuhin nito ay
maaari itong makagawa ng pagkain para sa kanilang lahat. Kaya laking pasasalamat nila ng
huminto sa paglakad ang kanilang guro at humarap sa kanilang lahat.

Malayo pa ang ating lalakbayin, sabi nito.

Kailangang magkaroon tayo ng panibagong lakas. Dumampot kayo ng tig-i-tig-isang bato at


dalhin ninyo, dagdag pa nito.

Nagdamputan naman ang mag estudyante. Mayroong dumampot ng malaki at mayroong


maliit. Isa sa mga estudyante si Islaw. Naiinis siya sa kanilang guro dahil gutom na nga sila
at pagod ay pagdadalhin pa sila ng bato. Sa inis niya ay maliit na maliit na bato lang ang
kanyang dinala’t lihim pa niyang pinagtawanan ang ibang kasama dahil malalaki pang bato
ang kinuha ng mga ito.

Pagsapit nila sa isang batis ay sinabi ng guro na magpapahinga muna sila doon at kakain.

Saan po tayo kukuha ng kakainin? inis na tanong ni Islaw.

Iyang mga batong pinadala ko sa inyo ay gagawin kong tinapay, sagot ng guro. Iyan ang
magiging pagkain ninyo.

Sa isang pitik ng daliri ng guro ay naging tinapay nga ang mga batong dinala ng bawat isa.
Sising-sisi si Islaw dahil sa pinakamaliit ang dala niyang bato.

Pahina 62 | P a r a b u l a
Ang Pulubi at ang Mahabaging Diwata

Matagal nang pinagmamasdan ng Diwatang mahabagin ang isang pulubi sa lansangan ng


bayan.

Awang-awa siya rito.

Matanda na ang pulubing babae. Walang kasama at batid niyang nag-iisa ito sa buhay dahil
walang pamilya.

Minsan, nais sana niyang alamin ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang naging kapalaran
ng kawawang pulubi. Ngunit wala siyang kakayahang bumalik sa kahapon. At ang mga
pinagdaanan ng matandang pulubi ay isang misteryo.

Sa sobrang habag ng diwata sa pulubing iyon ay kinausap niya si Bathala.

Ano ang puwede kong magawa upang matulungan siya?

Wala ka nang magagawa para matulungan ang pulubing iyon, ang sabi ni Bathala.

Pero baka may paraan pa…

Isa lang ang alam kong paraan, ang tugon ni Bathala. Ang mabigyan siya ng panibagong
simula…

Tama! Iyon nga ang maaari nating gawin para matulungan siya!

Pero hindi ko ginagarantiyahan na may magbabago sa takbo ng kanyang buhay.

Ang mahalaga’y mabigyan siyang muli ng pagkakataon! ang masayang sabi ng Diwata, at
siya nga ay dali-daling nagtungo sa pulubi.

At sa panaginip nito, siya nagpakita.

Bibigyan ka namin ng isa pang pagkakataon sa buhay. Muli kang magiging isang sanggol,
nang sa ganoon ay muli kang makapagsimula ng bagong buhay.

At ganoon nga ang nangyari. Ang pulubi ay naging isang sanggol muli.

Inilagay ng Diwata ang sanggol sa tapat ng pintuan ng isang mayamang mag-asawang


pamilya na hindi magkaanak. At nang buksan ng mag-asawa ang pintuan ay laking tuwa ng
mga ito nang makita ang sanggol.

Napanatag na ang kalooban ng Diwata. Tinitiyak na niyang maganda ang magiging buhay
ng dating pulubi.

At lumipas nga ang mahabang panahon.

Pahina 63 | P a r a b u l a
Patuloy pa rin ang kalungkutan ng Diwata, sapagkat sa dinami-rami ng kanyang
natulungan, hindi pa rin maubos-ubos ang pulubi sa langsangan.

Bakit ba ganun? ang tanong niya kay Bathala.

Bakit hindi ang pulubing tinulungan mo ang tanungin mo? Marahil, mas alam niya ang
kasagutan sa tanong mo.

Pero saan ko siya matatagpuan? ang tanong ng Diwata.

Kung saan mo siya unang nakita at nakilala.

At ganoon na lamang ang pagkagitla ng Diwata. Dahil ang pulubing binigyan niya ng
panibagong simula, ay lumaki rin at tumandang isang pulubi.

Saan ako nagkulang? ang tanong ng Diwata.

Hindi ikaw ang nagkulang, ang tugon ni Bathala. Sila ang nagkulang sa kanilang sarili kung
kaya’t sila’y nagkaganyan.

Mensahe: Hindi nakasalalay sa tadhana at mga pagkakataon ang ating kapalaran. Ito ay
naaayon sa ating sariling desisyon at pagkilos. Ang kasipagan ang tunay na solusyon sa
kahirapan.

Pahina 64 | P a r a b u l a
Mga Mabuting Samaritano

Isang lalaki ang naglalakbay pababang Jerusalem at patungong Jeriko. Mula sa kanyang
kinatatayuan ay abot-tanaw pa rin niya ang huling bahay sa Jerusalem. Naabutan siya ng
sikat ng araw at nagpahinga sa ilalim ng punungkahoy at doon na rin niya kinain ang
kanyang pananghalian. Nang siya ay muli niyang isinabit sa kanyang balikat ang sako.
Nanatili pa rin siyang nag-iisa sa kanyang paglalakbay. Mataas pa rin ang araw kaya
naniniwala siya na makakarating siya sa kanyang pupuntahan. Nang walang anu-ano isang
grupo ng kalalakihan ang nakita niya at ginulpi siya at inagaw lahat ang kanyang mga dala.
Iniwan siyang halos wala ng buhay. Isang pari ang napadaan at nilampasan lamang siya,
ganoon din ang ginawa ng isang Liveti. At may isang napadaan na Samaritano ang naawa sa
kanya at tinulungan siya. Binindahan ang kanyang sugat at pinainom ng alak, pagkatapos
painumin ng alak, dinala siya sa isang lugar. Ginamot niya ang sugat at binalot niya ng
kumot at binigyan siya ng gamot para bumaba ang kanyang lagnat. Nang mabuti na ang
kanyang pakiramdam ay nag-utos ang Samaritano sa nagmamay-ari ng tahanan na kanyang
tinutuluyan na tingnan mabuti ang istranghero at muling nagpatuloy siya sa kanyang
paglalakbay.

Pahina 65 | P a r a b u l a
Nang Magtampo ang Buwan

Minsan nagtampo ang buwan sa araw at ito’y kanyang kinamuhian. Inggit ang dahilan ng
lahat.

Naiinggit siya sa araw, dahil ito’y mas sikat at hinahangaan ng mga tao kaysa sa kanya.
Samantalang siya’y simbolo lamang ng malalagim na bagay. At kung minsan ay ginagawang
palatandaan ng kabaliwan!

Walang nananabik sa kanyang pagsikat at walang nanghihinayang sa kanyang paglubog.


Habang ang araw ay parating inaabangan ang pagsikat at ikinalulungkot ang paglubog nito.

Sa galit ng buwan, siya’y nagpakalayu-layo sa araw.

At sa paghahangad niyang maging sikat, nanghiram siya ng kulay sa bahaghari at ito’y


ipinahid niya sa kanyang mukha.

Gayundin, nanghiram siya ng ilang bituin at pinakislap ang ilang bahagi ng kanyang
kabuuan.

Hindi nga naglaon at napansin siya ng mga tao.

Ngunit sa halip na hangaan, siya’y pinagtawanan. Nilibak. Kinutya!

Saan ka nakakita ng buwan na may ibang kulay?

Lubos na nalungkot ang buwan.

Malulupit ang tao, ang sabi niya. Nagkamali siya kung bakit hinangad pa niya ang paghanga
ng mga ito.

At masaklap pa nito, napuna na lamang ng buwan na unti-unti nang napapawi ang taglay
niyang liwanag. Kapag nagtuluy-tuloy ang paglalaho ng kanyang liwanag, tuluyan na siyang
mawawalan ng saysay.

Dito napag-isip-isip ng buwan ang isang katotohanan. Na kapag malayo pala siya sa araw
ay nawawalan siya ng liwanag. Dahil ang liwanag na kanyang taglay ay sa araw rin
nagmumula. Ito ang nagbibigay at sa kanya’y nagkakaloob.

Hiyang-hiya ang buwan sa kanyang ginawa. Nagbalik siya sa araw na hinang-hina.


Humingi siya ng tawad dito.

Napakasama ko. Ikaw na nagbigay sa akin ng buhay ay kinainggitan ko pa. Anong klaseng
nilalang ako?

Ang lahat ay natutukso at nagkakamali. Ang mahalaga’y nagbalik ka nang muli kung saan
ka nararapat. At iyan ay sa piling ko, ang sabi ng araw.

Pahina 66 | P a r a b u l a
Magmula noon, hindi na lumisan ang buwan sa piling ng araw na nagbibigay buhay sa
kanya!

Mensahe: Nang dahil sa inggit at mga paghahangad, tayo’y nagiging bulag. Nakalilimutan
natin ang tunay nating saysay at kaganapan sa mundo. At nakakaligtaan nating kilalanin
ang tunay na nagmamahal sa atin at pinagmulan ng ating buhay.

Pahina 67 | P a r a b u l a

You might also like