Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

A. Panimula

Ang pag-inom ng alak, isang napakakaraniwang karanasan para isang Pilipino. Mapababae o
lalake, bata o matanda, halos lahat yata ng Pilipino ay umiinom ng alkohol. Bakit nga ba marami
ang umiinom, at bakit parang estudyante yata ang natututo ng gawaing ito? Bakit nga ba
nahihilig sa pag-inom ang mga estudyante sa kabila ng masasamang epekto nito sa kanilang
katawan at isipan? Ano nga ba ang nagtutulak sa mga mga kabataan ngayon sa pag-inom? Ito
siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi umiinom. Hindi ba nakapagtataka
na sa lahat ng okasyon yata ay laging perfect attendance ang alak o beer?

Minsan nga tayong mga Pilipino, lalo na ang mga estudyante ay umiinom nang walang
dahilan. Lalo na ang mga matatanda na halos ginagawa nang tubig ang alak. Iyan tuloy ang
naging libangan na ng halos lahat ng estudyanteng uminom. Isa pa, kahit na hindi masarap ang
lasa ng alak ay mahilig pa rin tayo dito. Siguro dahil ito sa “tama” na nadadala ng pag-inom ng
maraming alak. Kaya namin ito napili ay para madagdagan ang kaalaman namin tungkol sa
bagay na ito, dahil kami mismo ay ginagawa ito. Isa pa, ito’y para mabigyang linaw namin ang
bagay na ito sa mga taong hindi umiinon ng alkohol. Mayroon na kaming kaunting kaalaman
tungkol dito, ngunit sa tingin naming ay hindi pa ito sapat. Marami pang bagay ang gusto naming
malaman na may kinalaman sa paksang ito.

B. Kaligirang Pangkasaysayan

Itinuturing na malaking problema sa kalusugan ng publiko ang sobrang pagkonsumo ng


alak. Ayon sa American Psychiatric Association, pinakamadalas abusuhin ng mga pasyenteng
nagpapalunas ang alak. Samantala sa United Kingdom, itinala na mahigit sa 2.8 milyon ang
bilang ng mga "mapang-asang manginginom" (dependent drinkers) noong 2001. Inestima naman
ng World Health Organization na 140 milyong katao sa buong mundo ang may pag-uumasa sa
alkohol. Walang kongkretong datos sa kasalukuyan sa bilang ng mga mapang-asang
manginginom sa Pilipinas. Sinasabing dahil raw ito sa hindi pagturing ng mga Pilipino sa
alkoholismo bilang isang sakit. Sa kabila nito, hindi mapagkakaila ang epekto ng alkoholismo
sa pamilya at komunidad kahit na kabalikat nito ang mga karamdamang gaya ng cirrhosis at
kanser sa atay; stroke, trauma, at sakit sa puso.

C. Balangkas Teoretikal
I. Sikolohikal

A. May kinalaman sa kasaysayan noong kabataan


1. Interaksyon sa kapamilyang alkoholiko o manginginom
a. Impluwensya
b. Kuryosidad
2. Naapektuhan noong nasa sinapupunan
a. Manginginom ang Ina
b. Kumplikasyon sa pagbubuntis

II. Produksyon ng alak

A. Ispesipikong sangkap nitong Ethyl alcohol


1. Metodo ng produksyon ng alak
a. Pagkakahalo ng iba pang sangkap
b. Pagkakaroon ng kakaibang lasa

III.Epekto ng alkohol sa katawan

A. Pagkakasipsip ng katawan sa alak


1. Pagkakaroon ng epekto sa pag-iisip at kilos
a. Kakaibang pananalita
b. Kakaibang kinikilos na hindi naipapakita sa pagkawisyo
C. Metabolismo
1. Pagkakasipsip ng atay sa alak
2. Paglalabas ng natitira pang alak sa pagdumi o pag-ihi
D. Pagbabago sa natural na asal ng pagtulog o pagpapahinga
1. Mas madaling makatulog
2. Madalas mapuyat o hirap makatulog

D. Balangkas Konseptwal

I. Kapag may okasyon

A. Puro lalaki lamang


1. Nagiging sanhi ng away
a. Aksidente
b. Away
2. Delikado sa kalusugan
c. Sakit
d. Karamdaman
B. May mga kasamang babae
1. Naaapektuhan ang kalusugan
2. May mga nangyayaring bawal

II. Kapag may problema

A. Naglalasing
1. Nawawala sa sarili
2. Aksidente
3. Sakit

III. Bisyo

A. Madalas na pag-inom
1. Sanhi ng sakit
2. Nasasanay ang katawan
3. Aksidente

E. Paglalahad ng Suliranin

F. Haypotesis

Maaaring kakaunti lamang ang nalalaman ng mga estudyante tungkol sa epekto ng pag-inom ng
alak kaya nila iyon naipagpapatuloy. Kung sakali namang me kamalayan na sila rito, siguro kaya
nila iyon ginagawa dahil sa ilang mga kadahilanang personal nila, lalo pa’t sa paaralan ay hindi
na bago ang peer pressure. Alinman dito ang pamimilit ng mga kaibigan upang maging in o
“astig”; o dahil sa mga problema sa pamilya o relasyon, o dahil lang sa karanasan, o di kaya’y
wala lang talagang magawa. Maaari ding alam nila ang mga karamdamang kabalikat nito kung
aabusuhin ang pag-inom ng alak, ngunit iniisip nilang kaya iyon ng katawan nila sa
paniniwalang bata pa sila at malakas, at hindi madaling tinatablan ng karamdaman.

G. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay kinakailangan upang maipabatid sa mga mambabasa nito ang
lumalalang kondisyon ng pagkakalulong ng mga kabataan sa beer at alak. Ang mga estudyante
ang karaniwang biktima ng mapanirang alak. Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay mas
lalong nalululong sa paginom dahil sa madaming kadahilanan. Nariyan ang pinakamadalas na
dahilan na problema sa pamilya, pagiging mapangahas sa pagsubok sa madaming bagay, ang
pag-eendorso ng mga alak na ito gamit ang midya sa diyaryo man o telebisyon, at ang
impluwensya ng mga kaibigan.
H. Saklaw at Limitasyon

Ang sakop ng pananaliksik na ito ay ang mga klasipikasyon ng mga umiinom ng alak. Mga
dahilan kung bakit nahihilig ang mga estudyante ngayon sa pag-inom ng alak at ang nagiging
epekto ng pag inom sa kanila, at ang mga paraan kung pano ito maiiwasan.

I. Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Alkoholismo - Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang alkoholismo


bilang kahit anong kalagayang nagresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming alkoholiko sa
kabila ng mga problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan nito sa lipunan.

Ethyl alcohol - Kilala rin sa tawag na Ethanol, ay ang pangunahing uri ng alkohol na
matatagpuan sa mga inuming may halong alkohol, na ginawa sa pamamagitan ng pagbuburo ng
mga asukal ng amag.

Cirrhosis - Isang talamak na sakit sa atay na minarkahan sa pamamagitan ng pagkabulok ng


mga cell, pamamaga, at mahiblang pagkapal ng tissue. Ito ay karaniwang isang resulta ng
alkoholismo o hepatitis.

Beer - Isang alkoholikong inuming gawa sa malt na binuro sa amag, na pinalasahan ng hops.

Kanser sa atay - ay pagkasira ng atay. Ito ay komplikasyon sa atay na linalarawan ang


pagkawala ng liver cells at hindi na maagapan pang pagkasugat o pag-scarring nito

Stroke - Ang stroke o atake sa utak ay nangyayari kung ang supply ng dugo sa bahagi ng utak ay
biglaang naharang o kung ang isang ugat ng dugo sa utak ay pumutok, at magkalat ng dugo sa
puwang na pumapaligid sa mga selula ng utak.

Trauma - Anumang pisikal na pinsala sa katawan na dahil sa karahasan o aksidente o bali etc.

Sakit sa puso - Isang pangkalahatang katawagan sa anumang karamdamang may pangunahing


kaugnayan sa puso na may pananagutan sa pagdaloy ng dugo na may dalang nutrisyon papunta
sa mga bahagi ng katawan.

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

A. Banyagang Pag-aaral
B. Lokal na Pag-aaral
C. Banyagang Literatura
D. Lokal na Literatura
KABANATA III
METODO NG PANANALIKSIK

A. Pamamaraang Gagamitin

Ang metodolohiya na aming ginamit sa paggawa ng aming pananaliksik ay sa pamamagitan ng


pagkuha ng mga impormasyon na nabasa namin sa libro; At paggamit ng aming sariling mga
karanasan, dahil bilang isang estudyante ay naranasan din namin ang uminom ng alak. Sinuri
namin ang aming mga sarili at nagpalitan kami ng mga opinon at ideya.

B. Populasyon
C. Paraan ng Pagpili ng Kalahok
D. Deskripsyon ng mga Respondente
E. Instrumento
F. Paraan ng Pangagalap ng Datos
G. Uri ng Gagamiting Estadistika

You might also like