EPIKO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Ang epiko (epic) ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at

pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali.


Ito ay karaniwang naglalaman ng hindi kapanipaniwalang pangyayari tulad ng
pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga tauhan. Tinatalakay din dito ang mga
sinaunang paniniwala, kaugaliaan at mga huwaran ng mamayan kung saan
nagmula ang akda.

Nagmula ang salitang epiko sa salitang Griyego na “epos” na


nangangahulugang “awit”. Ito ay hinango rin sa salitang “epikos” na ibig sabihin
naman ay “Dakilang Likha”.

Dagdag pa, ito ay mahabang salaysay maaring bigkasin sa anyong patula o


paawit. Maari din itong sabayan ng ilang instrumento at maari din namang wala.
Kalimitang binubuo ito ng 1,000 hanggang 55,000 linya.

Tinatawag namang “macro-epic” ang isang epiko kung ito ay sobrang haba at
maaring umabot o humigit pa sa isang-daang araw ang pagkukwento nito. Ang
macro-epic ay naglalaman ng “micro-epic” o isang parte o bahagi kwento na
maaring ihiwalay at makabuo ng isa pang bukod na kwento.

MAIKLING KWENTO
Isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ngisa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang.

Isa itong masining na anyo ng panitikan

Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung


ginagagad ang isangmomento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ngpangunahing tauhan.

Karamihan sa mga ito ay maaaring mabasa sa loob ng isang


upuan lamang.
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa
mga pinagmulan ng mga bagay-bagaysa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang
mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao atpook, at
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.

Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin


sa bibig ng mga taong-bayankaya't walang nagmamay-ari o masasabing may
akda ito.Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura,
kaugalian o kapaligiran.

Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng pagiging


matapat, matapang, matulungin, at samga katangiang hindi maganda tulad ng
pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni't sabandang huli ang
kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba. Ito ay sumasalamin
sakultura ng bayang pinagmulan nito.Higit na mauunawaan at mapahahalagahan
ang alamat ng sariling rehiyon kung pag-aaralan ito saorihinal nitong wika.
Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal
na kuwento o mito(Ingles: myth), mga kwentona binubuo ng isang partikular
na relihiyono paniniwala.

Ang Mitolohiya o Mito ay tinatawag ding Malumat. Ang mito ay matandang


kwentong-bayan tungkol sa mga bathala, diyos, odiyosa, tungkol sa pagkakalikha
ng daigdig, sa pinagmulan ng unang tao, sa mahihiwagang nilikha,sa buhay ng
mga bayani, sakanilang kagitingan at kapangyarihan, at tungkol sa iba pang may
kinalaman sa pangako ng tao sa kanilang mga anito.

Ang mga mito ang nagsisilbing kapaliwanagan sa mga bagay-bagay


na nagaganap sa kanilang paligid na hindi pa batid ngkanilang kaisipan kung
anu-ano ang mga sanhi nito.
Ang mga kuwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang
nagsimula bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap at
nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita.
Nasa anyong tuluyan ang mga luwentong-bayan at karaniwang naglalahad ng
kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.

Maraming kuwentong-bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang


pangyayari tulad ng ibong namgimgitlog ng ginto o kaya’y mga nilalang na may
pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyosa, mga anito, diwata, engkantada,
sirena, siyokoy, at iba pa. Masasalamin sa mga kuwentong-bayan ang kaugalian,
pananampalataya, at mga suliraning panlipunan sa panahon kung kalian ito
naisulat. May mga kuwentong-bayang ang pangunahing layunin ay
makapanlibang ng mga mambabasa o tagapakinig subalit ang karamihan sa mga
ito ay kapupulutan din ng mahahalagang aral sa buhay.

May mga tampok o kilalang kuwentong-bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas.


Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap
ito nang pasalita, kaya’t minsa’y binabago ng tagapagkuwento ang mga detalye
na nagdudulot ng ibang bersiyon dahil sa pagbabago sa banghay o pagdaragdag
ng mga tauhan bagama’t nananatili ang mga pangunahing tauhan gayundin ang
tagpuan kung saan naganap ang kuwentong-bayan.
Ang awiting bayan (tinatawag ding kantahing-bayan) ay isang tulang inaawit
na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian,
karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan
sa isang pook.

Maraming uri ng mga awitin. May mga awit tungkol sa pagdakila sa


kanilang Bathala, pag-awit sa pagsisisi sa kasalanan, pag-awit upang sumagana
ang ani, pag-awit sa pakikidigma, pag-awit sa tagumpay, pag
awit sa pagpapatulog ng bata, pag-awit sa kasal, pag-awit bilang pagpuri
sakanilang mga ninuno.

May mga awit namang malaswa ang sinasabi ay may kagaspangan ang
mga pananalita.Ang mga
awiting bayan ay isa samga matatandang uri ng panitikang Filipino na lumitaw
bago dumating ang mga Kastila. Ito’y mga naglalarawan ng kalinangan ng ating
tinalikdang panahon. Karamihan samga ito ay may labin dalawang pantig.
Bugtong – isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga
batang pinoy, at ng mga nakakatanda.

Ito ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang


palaisipan.

Ang bugtong ay gumagamit ng talinghaga, o mga metapora sa


pagsasalarawan isang partikular na bagay o mga bagay na hulaan.

Madalas itong nangangailangan ng katalinuhan at maingat ng pagninilay-


nilay para mahulaan ang palaisipan o tanong.
Ang salawikain ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng
matatanda noong unang mangaral, magpayo, at ituwid ang mga kabataan sa
tamang landas at kabutihang asal.

Karaniwan itong may sukat at tugma.

Ang salawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong


magbigaypatnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
Ang kasabihan o saying ay isang makaluma at maiksing pariralang
nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o
totoo. Madalas na sinasabi ito upang magbigay ng payo o impormasyon tungkol
sa buhay at karanasan ng tao.

Kilala rin ito sa tawag na salawikain o proverb dahil ito (salawikian) ay


nakapaloob sa kasabihan.

Ito ay maaaring magmula sa mga kilalang tao o kaya naman sa mga


kasabihan ng mga ninuno na naipasa mula sa isang henerasyon noon hanggang
sa kasalukuyang panahon.

Upang makabuo ng isang kasabihan, kadalasang nagtataglay ito ng ibang


ibig sabihin kumpara sa mga simpleng salitang ginagamit nito.

Maaari rin itong matawag na salawikain o proverb dahil ito (salawikian) ay


nakapaloob sa kasabihan.
Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang
mga kanya-kanyang salita na nabuo.

Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at


kaugalian ng isang lugar.

Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang


patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay,
kaganapan, sitwasyon o pangyayari.
Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod.Ang tula ay
isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay
binubuong mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.Ang
tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan
ng mgataludtod.
Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.Ang
tula ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita.
ISANG PAMPANITIKANG NAG BIBIGAY DIIN SA RITMO , NAG PAPAHAYAG
NGDAMDAMIN AT NAG BIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA

Panulaan
Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa
malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa
pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Angmga likhang panulaan ay tinatawag
natula

Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin,


lalabindalawahin,lalabing-animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at
ginagamitan din ng tayutay. Maytugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya
naman ay mahaba
Nobela ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang
kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18
siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga
pangunahing literary genre .Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at
isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari


napinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng
katunggali sa kabila.

Isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring


magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya
kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling
balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Binubuo ng mga kabanata, maraming tauhan at pangyayari -


kinasasangkutan ng 20 higit pang tauhan.
Ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan
ng pananalita, kilos at galaw angkaisipan ng may-akda.

Ay isang uri ng panitikang angpinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.


Sinasabing ito ay paglalarawan sa madudulang bahaging buhay.

Taglay nito ang katangiang umiiral sabuhay ng tao gaya ng pagkakaroon


ngmga suliranin o mga pagsubok nakanyang pinagtagumpayan okinasawian.

Ayon kay ARISTOTLE, ay isangsining ng panggagaya o pag-iimita


sakalikasan ng buhay. Ipinapakita nitoang realidad sa buhay ng taogayundin ang
kanyang mga iniisip,ikinikilos, at isinasaad.
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng
punto de vista (pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring
magkaroon ng mga element ng pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon,
kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-
muni ng isang tao.

Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may


iisang diwa at pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong
paraan upang maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang
depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan lamang na isang paraan upang
maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga mambabasa. Ito ay
isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may
layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.

Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo


ukol sa paggawa ng mainam na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng
mabisang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng paggawa ng pormal at di-
pormal na sanaysay.
Ang balagtasan ay mayroong dalawa o higit pa na mga kalahok na
mayroong pinagtatalunang tungkol sa isang napiling paksa. Bawat kalahok ay
magpapahayag ng kanya-kanyang mga pananaw na pawang tumutula. Ang mga
sagot ng bawat isang kasali ay dapat ding gawin sa kaparehong paraan.

Ang hukom ng balagtasan ay tinatawag na lakandiwa kung lalaki at


lakambini naman kung babae. Siya ang magpapasiya kung sino ang nagwagi
nang patula o pasalaysay.

Maaari ring matawag ang balagtasan na debateng patula o pagtatalong


pasalaysay.

Nagmula ang salitang balagtasan sa apelyido ni Francisco Balagtas.


Daraga Community College
Daraga, Albay

MgaNilikom Na
Akdang Panitikan

Ipinasa ni :

Kyle Harry L. Magdasoc


Ipinasa kay :

Gng.Melba Anonuevo

You might also like