pananaw ng sumulat tungkol sa ilang dahilan kung bakit naaapektuhan ng mga produktong imported ang ekonomiya ng ating bansa.
Pagkahilig ng mga Pinoy sa Imported at
Epekto Nito sa Ekonomiya
Tayong mga mamimili sa Pilipinas ay
natatangi sa buong mundo. Tuwang-tuwa ang mga Pilipino sa imported na produkto, lalo pa nga at may tatak na ito ng kilalang brand. Kapuna-puna ang hayagang pagbebenta ng mga ito sa halos lahat ng lugar sa Pilipinas- sa mga mall o bangketa man, mga supermarket, groseri at maliit na tindahan. Natutuwa tayo kapag nakakatikim ng stateside. Isang kolonyal na pag-iisip ang isa sa mga sanhi ng problema n gating ekonomiya. Ito ang paniniwala ng makararami. Ang pagtangkilik sa produkto ng iba ay nakakapagpayaman sa mga negosyante ng ibang bansa. Samantalang ang produkto natin ay napag-iiwanan at tayo’y naulugi ng milyon-milyong dolyar. Isang katotohanan ang nagsusumigaw sa damdamin ng mga negosyanteng Pilipino n asana ay mamulat tayong lahat at makiisa sa pagtangkilik ng sariling ating produkto. Ilang ahensya ng pamahalaan na nangangalaga ng ekonomiya ng bansa ay naglunsad ng programang hihikayat sa taumbayan sa pamamagitan ng publisidad na tangkilikin ang mga produktong yari sa ating bansa. Isang katotohanan din na kailangan ang tulong ng mga mambabatas para mabigyan ng proteksyon ang mga produktong yari sa ating bansa. Kung ang saloobin lamang ng mamamayan ay nakatali sa diwa ng nasyonalismo, nakatitiyak ng isang positibong pagtanaw upang ang ekonomiya ng bansa ay umunlad. Sa diwa ng pagkakaisa, larawan ito na nagpapakita na ang pamahalaan ay kumikilos para sa mamamayan at ang mamamayan naman ay tumutugon sa panawagan ng pamahalaan na magkapit- kamay sila upang pagngiti ng pag-unlad ay kapwa nila maaninag. Sa kasalukuyan, pinagsisikapan ng mga namumuhunang Pilipino na doblehin ang pagsisikap upang makatulong sa kabuhayan ng bansa. Patuloy na rin na inaakit ng pamahalaan ang mga namumuhunan mula sa iba’t-ibang panig ng bansa na magtayo ng negosyo rito sa ating bansa. Sa mga ganitong sitwasyon ang mga Pilipinong mahilig sa imported na produkto ay dito lamang ginagawa. Positibong pag- uugali sana ang maaaring ambag ng mamamayang Pilipino upang magig bahagi ng pag unlad ng ekonomiya ng bayan. Ano nga ba ang solusyon sa ating problema? Marahil, ang pagsasama-sama at pagkakaisa nating lahat ang maghahatid sa atin sa tagumpay. Marami nang patunay sa kasaysayann n gating bansa na ang pagkakaisa ay nagbububga ng tagumpay.