Clarence 2nff

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TALANG – ULAT

SA
F6101: WIKA, LIPUNAN AT KULTURA
PAKSA:Wikang Filipino sa mga isyung lokal at internasyonal

ISINUMITE NI:
Clarence lamberto
ECE 2NFF

ISINUMITE KAY:
Bb. Francheska P. Dalida
Guro sa F6101
Globalisasyon-Maymalakas na sigaw tayongnaririnig na kinakailangang
paunlarin ang ating kaalaman sawikang Ingles dahil ito ang wika ng
komersyo, wika ngsiyensya, wika ng makabagong teknolohiya;
samakatuwid, angwika ng globalisasyon. Ang ganitong pananaw ay
naniniwala naang kaalaman sa wikang Ingles ng ating mga
manggagawa ayisa sa mga pangunahing batayan ng ating pagiging
kompetitibo.Ang kaalaman sa wikang Ingles ang dahilan ng
atingkomparatibong kalamangan sa kalakalang internasyonal.
Sakabilang banda, ang sanaysay ay naghahamon sa pagtatanghal at
pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika sa globalisasyon para sa
mga nakararaming Filipino. Kahit na ang proseso ngglobalisasyon ay
nagsasanib, ang kakayahan nitong maghati aynagbabantang
mahiwalay ang maraming Filipino sa mga biyayang globalisasyon.
Upang mangibabaw ang epekto ng pagsasanibkaysa epekto ng
paghahati, higit na episyente na maging susiang wikang Filipino bilang
wika sa globalisasyon. Ang layuninay maisama ang dumaraming
mamamayang Filipino na masnakauunawa sa wikang Filipino sa mga
biyaya ng globalisasyon.

Kapayapaan-ang konsepto ay hindi lamang limitado sa lingguwistika o


sosyolingguwistika. Kaugnay din sa naturang taguri ang usapin sa
Pamanang Lupain ng mga Ninuno [ancestral domain], ang paghahanap
ng katarungan laban sa mga dambuhalang minahan at walang habas
na pagtotroso o paggugubat. Lumitaw din sa usapin ang
diskriminasyon at intoleransiya sa mga katutubo, na madarama hindi
lamang ng mga estudyante bagkus ng mga trabahador o propesyonal.

halimbawa:Ang kapayapaan ay makakamit sa pamamagitan ng


pakikipag-usap gamit ang ating wika, at dahil tayo ay mga Pilipino na
nakakaintindi lahat ng Filipino, maiiwasan natin ang maling pag-unawa
o pakahulugan.

Ang kapaligiran o kalikasan -katulad


ng likas na kapaligiran, ay ang lahat
ng panlabas na mga puwersa, mga kaganapan, at mga bagay na
gumagalaw sa ibabaw ng isang bagay ng lahat ng mga bagay na
nakapaligid sa kanya, kasama na ang mga bahay, mga gusali, mga tao,
mga lupa, temperatura, tubig, liwanag, at ibang mga buhay at walang-
buhay na mga bagay. Ang mga bagay na may buhay ay hindi lamang
umiiral sa kanilang kapaligiran. May madalas na interaksiyon ang mga
ito sa kanilang kapaligiran. Nagbabago ang mga organismo bilang
pagtugon sa mga kalagayan o kundisyon na nasa kanilang kapaligiran.
Binubuo ang kapaligiran ng mga interaksiyon sa pagitan ng mga
nilalang na nasa loob nito. Ang salitang kapaligiran ay ginagamit upang
mapag-usapan ang maraming mga bagay. Ang mga taong nasa iba't
ibang mga larangan ng kaalaman, katulad ng kasaysayan, heograpiya,
o biyolohiya, ay ginagamit ang salita sa iba't ibang kaparaanan.

You might also like