Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Alamat ng sampagita

Noong unang panahon ang sampagita raw ay isang halaman na hindi


namumulaklak wala raw itong ganda at bango pagkat tangkay at dahon lamang ito.

Sa halaman ng eden ay tampulan ito ng tukso pagkat napapaligiran raw ito


ng mga halaman na may ibat ibang bulaklak
sinabi ng gumamela sa sampagita hindi ka nababagay sa tabi ko ang pangit mo.

Dagdag na sabi ng gumamela ay maraming nawiwili sa akin dahil sa


magandang kulay ng aking bulaklak

Sabi naman ng kalatsutsi parang bituin naman ang aking bulakalak samyuhin
mo ang bango taglay ng aking bulaklak

Ginagawa rin akong malaking kwintas ng mga dalaga na nagsasayaw at


naglilibang, pagmamalaki ng kalatsutsi. Pagyayabang ng rosas simbolo ako ng pag
ibig iniaalay ako ng mga binata sa kaniyang sinusuyo sabi pa ng rosas, pang aliw
ako sa mga magsing irog na may tampo o galit. Inihahandog din ako sa may mga
maysakit upang magbigay inspirasyon magpagaling.

Dahil doon any lalong naawa sa sarili ang sampagita, umiyak siya sa
matanda na tagapag-alaga ng halaman, bakit ka umiiyak halamang sampagita
naawang tanong ng matanda ngunit hindi sumagot ang sampagita.

Sinigawan ng gumamela ang matanda at sinabihan na huwag pansinin ang


sampagita pagkat ito ay pangit. Inutusan din ang matanda na walisin ang paligid
niuya.
Sinigawan din ng rosas ang matanda at inutusan pagkatapos linisan ang
gumamela ay linisin din ang paligid ng rosas.

Sumunod ang matanda sa lahat ng inutus sa kanya ng gumamela at rosas.


Pagkatapos niyang maglinis ay muling binalikan ang nalulungkot na sampagita.
Nagulat ang sampagita sa biglang pagbabago ng anyo ng matanda.

Naging isang diwata ito. Sinabi ng diwata ng dahil sa kabaitan ng sampagita


ay bibigyan siya ng mga bulaklak na kasing puti ng busilak na ang bango ay
walang kapantay.

Ikinumpas ng diwata ang hawak niyang patpat at sa dulo nitoy sumabog ang
mga munting bituin. Ang mga bituin na sumabog ay dumikit sa mga tangkay ng
sampagita na naging bulaklak nito maputi at mabango.

Mula noon ay hindi na inapi ng gumamela at rosas ang sampagita dahil sa


kaniyang kaputian at kabangohan ay ginawang kwintas at ang sampagita ang
ginawang pambansang bulaklak ng pilipinas.

You might also like