Panayam Sa Komunikasiyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Pangalan: Aimeeberta Villapaz

Edad: 65

Address: Cabawan, Maribojoc, Bohol

Status: Married

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Trabaho: Teacher

Mga Tanong at Kasagutan:

1. Para sa iyo ano po ba ang wika?

- Ang wika ay ang ginagamit sa pakikipagkomunikasiyon sa mga tao gamit ang mga tunog na pili.

2. Bilang mamamayan ng Maribojoc,may iba pa po ba kayong wika na ginagamit sa inyong


pamayanan?

- Wala.

3. Sa iyong palagay,bakit may ibang wikang ginagamit?Bakit mahalagang pagtuonan nang


pagpapahalaga ang ating wika?

- Dahil iba-iba tayo ng kinagisnang lugar at kinagisnang wika. Mahalagang pagtuonan nang
pagpapahalaga ang ating wika upang magkaintindihan.

4. Gaano kaimportante ang magkaroon ng wika?Paano ninyo lilinangin ang sariling wika?

- Napakaimportante.Lilinangin ko ang sariling wika sa pamamagitan ng pag-aaral at paggamit


nito araw-araw.

5. Paano nakakaapekto sa iyo at sa ibang tao ang pagkakaroon ng ibang wikang ginagamit sa isang
particular na lugar?

-Hindi madaling magkaintindihan.


Pangalan: Dorotio E. Garsuta Jr.

Edad: 43

Address: Cabawan, Maribojoc, Bohol

Status: Married

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Trabaho: Barangay Captain

Mga tanong at kasagutan:

1. Para sa iyo ano po ba ang wika?

-Ito ay may malaking papel na ginagampanan.Isa itong lenggwahe para tayo ay magka-ugnayan sa
isa’t-isa.

2. Bilang mamamayan ng Maribojoc,may iba pa po ba kayong wika na ginagamit sa inyong


pamayanan?

-Wala na,sapagkat ang tanging wikang kinalakihan at kinagisnan naming ay bisaya.

3. Sa iyong palagay,bakit may ibang wikang ginagamit?Bakit mahalagang pagtuonan nang


pagpapahalaga ang ating wika?

-Gumagamit tayo ng mga ibang wika kasi tayong mga Pilipino ay kilala bilang mga linggwistik.Kahit
sinong mga turista at dayuhan na pumunta dito inaaral natin ang mga dayalek at mga salitain nila
para magkaintindihan tayo.

4. Gaano kaimportante ang magkaroon ng wika?Paano ninyo lilinangin ang sariling wika?

-Importante talaga na meron tayong wika kasi kong wala tayong wika para tayong mga pipi.Kahit
anong wika importante yun sa bawat tao dahil sa pamamagitan ng wika doon tayo lahat
nagkakaintindihan.

5. Paano nakakaapekto sa iyo at sa ibang tao ang pagkakaroon ng ibang wikang ginagamit sa isang
particular na lugar?

-Ang iba ay hindi nakaka-intindi.


Pangalan: Reyna Mera Apao

Edad: 29

Address: Cabawan, Maribojoc, Bohol

Status: Married

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Catholic

Trabaho: Office Staff

Mga tanong at kasagutan:

1. Para sa iyo ano po ba ang wika?

-Naghahatid ito ng kaisipan sa atin para maunawaan natin ang isa’t-isa sa mga salitang binibigkas o
sinasabi.

2. Bilang mamamayan ng Maribojoc,may iba pa po ba kayong wika na ginagamit sa inyong


pamayanan?

-Wala naman,pero kapag kinakailangan na gumamit ng ibang wika, gumagamit kami kung sakaling
may mga dayuhan na pumunta rito.

3. Sa iyong palagay,bakit may ibang wikang ginagamit?Bakit mahalagang pagtuonan nang


pagpapahalaga ang ating wika?

-May ibang wika tayong ginagamit dahil iba-iba tayo ng pinanggalingan natin.Mahalagang
pagtuonan ng pagpapahalaga an gating wika upang mas mapayaman at mapagyabong natin ito.

4. Gaano kaimportante ang magkaroon ng wika?Paano ninyo lilinangin ang sariling wika?

-Importante talaga ito dahil Pilipino tayo at mas mapapatunayan natin na Pilipino tayo dahil sa ating
wikang Filipino.Malilinang ko ito sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin dito.

5. Paano nakakaapekto sa iyo at sa ibang tao ang pagkakaroon ng ibang wikang ginagamit sa isang
particular na lugar?

-Mas nakakapag-salita kami ng mabuti kung sakaling alam naming ang wikang gamit nila.
Pangalan: Edil Berta Jabines

Edad: 74

Address: Cabawan, Maribojoc, Bohol

Status: Married

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Trabaho: House wife

Mga tanong at kasagutan:

1. Para sa iyo ano po ba ang wika?

-Sa pamamagiatan ng wika nagkaka-ugnayan, nagkaka-intindihan, at nagkakaisa ang mga tao.

2. Bilang mamamayan ng Maribojoc, may iba pa po ba kayong wika na ginagamit sa inyong


pamayanan?

-Bisaya lang, wala nang iba.

3. Sa iyong palagay,bakit may ibang wikang ginagamit?Bakit mahalagang pagtuonan nang


pagpapahalaga ang ating wika?

-May iba’t-iba tayong wikang ginagamit dahil kung sakaling makapunta tayo ng ibang lugar ay
maintindihan natin ang mga sinasabi nila kapag nagtanong tayo at nangailangan ng tulong.

4. Gaano kaimportante ang magkaroon ng wika?Paano ninyo lilinangin ang sariling wika?

-Importante ito dahil ginagamit natin ito sa pang-araw-araw.Sa pamamagitan ng pagsasabuhay


nito,gamitin sa araw-araw nating pananalita upang lalo pa itong mapapa-uunlad.

5. Paano nakakaapekto sa iyo at sa ibang tao ang pagkakaroon ng ibang wikang ginagamit sa isang
particular na lugar?

-Mabuti naman kahit may iba’t-ibang wika tayong ginagamit.


Pangalan: Isabelle Marilla Coquilla

Edad: 59

Address: Cabawan, Maribojoc, Bohol

Status: Married

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Trabaho: House keeper

Mga tanong at kasagutan:

1. Para sa iyo ano po ba ang wika?

-Ang wika ay isa sa mga ginagamit nag tao para maipalahad ang saloobin at damdamin nila.

2. Bilang mamamayan ng Maribojoc, may iba pa po ba kayong wika na ginagamit sa inyong


pamayanan?

-Oo,May iba kaming alam na lengguwahe.

3. Sa iyong palagay,bakit may ibang wikang ginagamit?Bakit mahalagang pagtuonan nang


pagpapahalaga ang ating wika?

-Gumagamit tayo ng ibang wika para mas makapag-komunkasiyon tayo sa iba’t-ibang tao na may
iba’t-ibang lengguwahe.

4. Gaano kaimportante ang magkaroon ng wika?Paano ninyo lilinangin ang sariling wika?

-Ang wika ay importante dahil ditto tayo natutong magsalita.

5. Paano nakakaapekto sa iyo at sa ibang tao ang pagkakaroon ng ibang wikang ginagamit sa isang
particular na lugar?

-Malaki ang naging epekto nito sakin dahil natuto akong mandarayuhan sa sariling wika.
Pangalan: Gregorio Panday Jr.

Edad: 51

Address: Lincod, Maribojoc, Bohol

Status: Married

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Trabaho: Contractor

Mga tanong at kasagutan:

1. Para sa iyo ano po ba ang wika?

-Para sa akin ang wika ay ginagamit natin sa pagsasalita.

2. Bilang mamamayan ng Maribojoc, may iba pa po ba kayong wika na ginagamit sa inyong


pamayanan?

-Meron,tagalog.

3. Sa iyong palagay,bakit may ibang wikang ginagamit?Bakit mahalagang pagtuonan nang


pagpapahalaga ang ating wika?

-May mga ibang wika tayong ginagamit kasi may mga ibang dayo na pumupunta rito na hindi
nakaka-unawa ng bisaya kaya gumagamit kami ng tagalong minsan.Mahalagang pagtuonan ng
pagpapahalaga ang ating wika upang tayo’y magkaka-unawaan.

4. Gaano kaimportante ang magkaroon ng wika?Paano ninyo lilinangin ang sariling wika?

-Importante talaga iyon para hindi tayo mailto kung ano ang mga mensaheng hinahatid at sinasabi
nila.Gagamitin ito sa araw-araw.

5. Paano nakakaapekto sa iyo at sa ibang tao ang pagkakaroon ng ibang wikang ginagamit sa isang
particular na lugar?

-Minsan hindi tayo nagkakaintindihan.


Pangalan: Gomer Sinda Diez

Edad: 78

Address: Bato, Maribojoc, Bohol

Status: Married

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Trabaho: Teacher

Mga tanong at kasagutan:

1. Para sa iyo ano po ba ang wika?

-Ang wika ay susi at sangkap sa komunikasiyon dahil ang wika ang daan upang tayo ay
magkakaintindihan at magkakaunawaan sa isa’t-isa .

2. Bilang mamamayan ng Maribojoc, may iba pa po ba kayong wika na ginagamit sa inyong


pamayanan?

-Oo,marunong akong magsalita ng Ingles,Korean,at Intsik sa kadahilanang trabaho namin ay ang


mag-tour guide ng mga turista dito sa Firefly kaya dapat marunong kami.

3. Sa iyong palagay,bakit may ibang wikang ginagamit?Bakit mahalagang pagtuonan nang


pagpapahalaga ang ating wika?

-May iba tayong wikang ginagamit,kasi gusto nating matuto ng ibang wika.Katulad nalang kung
gusto nating pumunta sa ibang bansa dapat nating gamitin ang wika nila para magkaintindihan ang
isa’t-isa.

4. Gaano kaimportante ang magkaroon ng wika?Paano ninyo lilinangin ang sariling wika?

-Importante talaga ito dahil kung walang wika para kang isang mangmang na tao na walang alam sa
mundo.Lilinangin ang sarilng wika sa pamamagitan ng paggamit nito sa araw-araw.

5. Paano nakakaapekto sa iyo at sa ibang tao ang pagkakaroon ng ibang wikang ginagamit sa isang
particular na lugar?

-Maaaring magkaroon ng hidwaan sa pagitan ng dalawa kapag hindi nagkakaintindihan.


Pangalan: Amelita Villapaz

Edad: 72

Address: Lincod, Maribojoc, Bohol

Status: Married

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Trabaho: Guro

Mga tanong at kasagutan:

1. Para sa iyo ano po ba ang wika?

-Ang wika ay sangkap ng komunikasiyon dahil kung walang wika,marahil walang pagkakaisa ang
ating bansa.

2. Bilang mamamayan ng Maribojoc, may iba pa po ba kayong wika na ginagamit sa inyong


pamayanan?

-Wala na,bisaya lang.

3. Sa iyong palagay,bakit may ibang wikang ginagamit?Bakit mahalagang pagtuonan nang


pagpapahalaga ang ating wika?

-Ganoon naman talaga dahil noong unang panahon,tayo ay nasakop ng tatlong


mananakop.Mahalaga itong pagtuonan dahil ito ang ating pagkakakilanlan.Ito ang nagbibigay-buhay
sa ating pagka-Pilipino.

4. Gaano kaimportante ang magkaroon ng wika?Paano ninyo lilinangin ang sariling wika?

-Importanteng-importante talaga ang magkaroon ng wika.Lilinangin ko ang sariling wika sa


pamamagitan ng paggamit nito araw-araw upang ako’y maging bihasa sa paggamit nito.

5. Paano nakakaapekto sa iyo at sa ibang tao ang pagkakaroon ng ibang wikang ginagamit sa isang
particular na lugar?

-Hindi ko masyadong maiintindihan kung ano ang kanilang sinasalita lalo na’t hindi ako bihasa sa
kanilang wika.
Pangalan: Incarnasyon Gressos Raganas

Edad: 77

Address: Lincod, Maribojoc, Bohol

Status: Married

Nasyonalidad: Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Trabaho: Housewife

Mga tanong at kasagutan:

1. Para sa iyo ano po ba ang wika?

-Ang wika ang sinasalita at ginagamit natin sa pang-araw-araw.

2. Bilang mamamayan ng Maribojoc, may iba pa po ba kayong wika na ginagamit sa inyong


pamayanan?

-Oo, kung may pagtitipon,Ingles at tagalong ang ginagamit naming.

3. Sa iyong palagay,bakit may ibang wikang ginagamit?Bakit mahalagang pagtuonan nang


pagpapahalaga ang ating wika?

-May iba tayong wikang ginagamit dahil iba-iba tayo ng pinaggalingan.Mahalagang pagtuonan ng
pagpapahalaga ang ating wika sapagkat ito ang nagsisilbing susi tungo sa komunikasiyon.

4. Gaano kaimportante ang magkaroon ng wika?Paano ninyo lilinangin ang sariling wika?

-Importante ang magkaroon ng wika dahil kung wala ito wala tayong gagamitin para sa pakikipag-
usap sa kapwa.Malilinang ko ang isang wika sa pamamagitan ng unti-unti ko itong pag-aral at mas
pagtuonan ng pansin.

5. Paano nakakaapekto sa iyo at sa ibang tao ang pagkakaroon ng ibang wikang ginagamit sa isang
particular na lugar?

-Malaki ang epekto nito samin dahil hindi kami magkakaintindiahan kapag wala kaming alam sa
kanilang wika.
Pangalan: Melchia Jabines

Edad: 59

Address: Bato,Maribojoc,Bohol

Status: Married

Nationalidad:Filipino

Relihiyon: Roman Catholic

Trabaho:Tindera

Mga tanong at kasagutan:

1. Para sa iyo ano po ba ang wika?

-Ang wika ay ang daan tungo sa mabuting usapan.

2. Bilang mamamayan ng Maribojoc, may iba pa po ba kayong wika na ginagamit sa inyong


pamayanan?

-Oo,tulad nalang ng tagalong at ingles.

3. Sa iyong palagay,bakit may ibang wikang ginagamit?Bakit mahalagang pagtuonan nang


pagpapahalaga ang ating wika?

-Dahil sa mga dayuhan.Mahalagang bigyan natin ng halaga ang ating wika dahil ito ang nagsisilbing
susi sa komunikasyon.

4. Gaano kaimportante ang magkaroon ng wika?Paano ninyo lilinangin ang sariling wika?

-Mahalagang magkaroon ng wika dahil ito ang dahilan kung bakit tayo nagkakaisa at
nagkakaunawaan.Lilinangin ko ang sariling wika sa pamamagitan ng pagbibigay halaga nito.

5. Paano nakakaapekto sa iyo at sa ibang tao ang pagkakaroon ng ibang wikang ginagamit sa isang
particular na lugar?

-Nakaka-apekto ito sa ating lahat dahil nawawalan nang halaga ang ating sariling wika.

You might also like