Professional Documents
Culture Documents
Sanaysay
Sanaysay
Ayon sa mga piskal, alas-diyes ng gabi noong Hulyo 16,1997 nangyari ang
pagkidnap at paggahasa sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline malapit sa isang mall sa
Island of Cebu; di umano ay tinapon ang katawan ng isa sa magkapatid sa bangin ngunit
ito ay hindi napatunayan sapagkat walang nakitang katawan. Umikot ang kaso sa
testimonya ni Davidson Valiente Rusia na may kapalit ng blanket immunity - proteksyon
para sa mga susunod na paglilitis kapalit ng testimonya, kung saan sinabi nito na kasama
niya si Larrañaga noong gabing nangyari ang insidente subalit napatunayang hindi totoo
nang dahil sa pag-amin mismo nito. Tatlumpu’t limang tao ang tumestigo na nagsabing
nasa Quezon City si Larrañaga noong nangyari ang insidente ngunit ito ay ipinagsawalang-
bisa ng korte sapagkat ayon sa kanila ay kaibigan ng naakusahan ang mga ito. Marami pa
ang tumestigo sa panig ni Larrañaga, may nagsabing nakita siya sa eskwelahan nito sa
Manila ng alas-otso ng umaga at mag-aalas-siyete ng gabi noong Hulyo 16 at may nagsabi
rin na lumipad lamang siya papuntang Cebu noong hapon ng Hulyo 17 na kinumpirma
naman ng airport. Sa kabila ng mga sinabi ng mga testigo ay ipinagsawalang-bisa pa rin
ito ng korte at patuloy na inakusahan si Larrañaga pati na rin ang anim na lalaki. Noong
Pebrero 3, 2004 ay nahatulan sila ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection ngunit
hindi ito natuloy dahil humingi ang mga tagapayo ni Larrañaga ng tulong mula sa
kataastaasang korte sa Espanya at ipinaglaban ang hindi makatarungang paglilitis na
ginawa kay Larrañaga – ang hindi pagkakaroon ng pagkakataon na mapatunyan ang
kanyang kawalang-kasalanan. Samantala, noong Hunyo 24, 2006 ay inalis ni dating
pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang parusang kamatayan sa Pilipinas at noong
Disyembre 3, 2007 naman ay nakumbinsi ni Miguel Angel Moratinos, isang Spanish
Foreign Minister, ang gobyerno ng Pilipinas na payagang makulong si Larrañaga sa
Espanya sa ilalim ng isang kasunduan ng dalawang bansa. Nailipat man si Larrañaga sa
Espanya subalit ang anim pa nitong kasamang naakusahan ay nasa Pilipinas pa rin at
patuloy na nasisintensyahan para sa krimen na maaari o hindi nilang nagawa.