Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

1

KABANATA I

PANIMULA

Isa ang liwanag na nanggagaling sa sikat ng araw sa kailangan ng mga tanim

upang lumaki, tumubo at mamunga. Dito nila kinukuha ang enerhiya upang

makapagsuplay ng “oxygen” at makapagpatubo ng bunga. Kasama sa mga kailangan

ng tanim sa paglaki at pagkakaroon ng mga bunga ang sapat na patubig, tamang klase

at dami ng lupa at magandang pangangalaga.

Ang liwanag na binibigay ng sikat ng araw ay nahahati o pinalolooban ng marami

at iba-iba pang kulay (ROYGBIV). Mga kulay na nagkakaiba sa naibibigay na enerhiya

at “frequency” at may iba’t-ibang “wavelength”. Kung kaya’t upang malaman ang epekto

ng iba’t-ibang kulay na ito sa paglaki, pagtubo at pagbunga ng tanim ay ninais ng aming

grupo na palawakin pa ang kaalaman ng mga tao sa “Epekto ng Iba’t-ibang kulay ng

ilaw sa paglaki at pagbunga ng Sili (Capsicum Frutescens)”.

Kaligiran ng Pag-aaral

Importante ang liwanag na natatanggap ng mga halaman sa kanilang paglaki.

Kung wala ito hindi sila lalaki, dadami o makapagpotosintesis. Ginagamit ng mga

halaman ang iba’t-ibang kulay na makikita sa ordinaryong liwanag upang makontrol ang
2

iba’t-ibang aspeto ng paglaki nito. (Delaware State Science Standard, 2014) Iba-iba

ang reaksyon ng halaman sa iba’t-ibang kulay, depende sa “wavelength” na

nakapagbibigay ng iba’t-ibang lebel ng enerhiya. Ang iba’t-ibang kulay na natatanggap

ng halaman ay makatutulong upang makamit ang iba’t-ibang layunin (Konica Minolta

Sersing Americans, Inc.2017).

Bagamat importante ang iba’t-ibang kulay ng liwanag na natatanggap ng mga

halaman, importante pa ring madiligan ito, kailangan ding mayroong sustansya ang

lupang pinagtataniman nito at dapat na nakatanim ito sa lugar kung saan sapat na

liwanag ang kanyang natatanggap sa particular na mga oras. Isa sa mahalagang parte

sa paglaki ng nga halaman maliban sa tubig at “oxygen” ang liwanag na natatanggap

nito. Sa pagtanggap nito, ang halaman ay nagkakaroon ng kapasidad na maikonbert

ang liwanag patungo sa pagkain na magagamit nito at ito’y itinatawag na

“photosynthesis”. Ang iba’t-ibang kulay ng liwanag ay may iba’t-ibang tungkulin o

ginagampanan sa pagtubo ng halaman, ang asul ay para mapabilis ang paglaki ng

tanim, dilaw ay nakapagbabagal ng paglaki, ang pulang ilaw naman ay nakapagbibigay

ng maraming dahon at bunga ngunit depende pa rin sa tanim, ang lila naman ay

nakapagpapaganda ng kulay, lasa at bango ng halaman at ang berdeng ilaw naman ay

nagpaparami ng “chlorophyll” na nakapagbibigay kulay sa halaman (Thiele C., 2017).

Ang sili ay maraming benepisyo na maibibigay sa atin. Ito ay nagpapababa ng

blood sugar para sa may mga diyabetes at pampapayat. Dahil sa taglay nitong anghang

ito ay nakapagpapaluwag ng baradong ilong dulot ng “sinusitis” at sipon at ito rin ay


3

nakatutulong sa pag-alis ng sakit ng katawan. Ang sili rin ay pwedeng maitanim kahit

anong oras sa taon at naka-aangkop sa kahit anong klase ng klima o panahon.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang epekto ng iba’t-ibang kulay ng

ilaw sa paglaki at pagbunga ng Sili (Capsicum Frutescens)

Dahil sa mga nabanggit na pahayag, ang mga mananaliksik ay bumuo ng mga

sumusunod na ispesipikong layunin. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang

mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang epekto ng iba’t-ibang kulay ng ilaw sa paglaki at pagbunga ng Sili

(Capsicum Frutescens) sa mga tuntunin ng:

a.) haba ng tangkay

b.) haba ng dahon

c.) lapad ng dahon

d.) bilang ng bunga

e.) bigat ng bunga

2. Meron bang signipikong pagkakaiba ang haba ng mga tangkay sa kontrol at

eksperimental na grupo?
4

3. Meron bang signipikong pagkakaiba ang haba ng mga dahon sa kontrol at

eksperimental na grupo?

4. Meron bang signipikong pagkakaiba ang lapad ng mga dahon sa kontrol at

eksperimental na grupo?

5. Meron bang signipikong pagkakaiba ang bilang ng mga bunga sa kontrol at

eksperimental na grupo?

6. Meron bang signipikong pagkakaiba ang bigat ng mga bunga sa kontrol at

eksperimental na grupo?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga nagpapatubo ng tanim

lalong-lalo na sa mga nagpapatubo ng Sili (Capsicum Frutescens) upang mabigyan sila

ng ideya sa panibagong paraan ng pagtatanim lalo na sa mga panahon kung saan ang

suplay ng sikat ng araw ay kaonti halimbawa na lamang ay kung may bagyo. Sa

pamamagitan din ng pag-aaral na ito mabibigyan ng ideya ang mga tao kung ano ang

naibibigay na epekto ng bawat kulay sa paglaki at pabunga ng Sili (Capsicum

Frutescens) at mabibigyan sila ng tamang kaalaman kung ano ang silbi ng bawat kulay

sa paglaki at pagbunga ng mga halaman.


5

Matutulungan din ng pag-aaral na ito ang mga tao sa komunidad dahil bukod sa

madadagdagan ang kanilang kaalaman sa halaman, ang teknik ding ito ng pagtatanim

ay maaari nilang magamit bilang display sa loob ng bahay at pwede na ring

pagkakitaan.

At huli, ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik upang

mahasa sila bilang indibidwal, hindi lamang sa larangan ng agham bagkus pati na rin sa

larangan ng agrikultura. Ito rin ay makatutulong sa kanila upang mabigyan sila ng

pagkakataong makihalubilo sa iba’t-ibang klase ng tao at magising ang kanilang pagka-

makalikasan sa murang edad.

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay nakatutok lamang sa pag-aalam ng epekto ng

iba’t-ibang kulay ng ilaw sa paglaki at pagbunga ng Sili (Capsicum Frutescens). Ang

mga kulay na gagamitin sa pag-aaral na ito ay pula, kahel, dilaw, berde, asul at lila

lamang at ang kontrol na grupo ay ilalagay sa natural na sikat ng araw. Sili (Capsicum

Frutescens) lamang ang tanim na gagamitin sa pag-aaral na ito dahil kaya nitong

mabuhay sa kahit anong oras sa taon at kahit anong klima o panahon ng taon.
6

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapakita ng mga pagbabalik-aral sa

mga kaugnay na literatura sa pag-aaral na kung saan ito ang magiging susi upang

mabigyan daan na matukoy ang mga posibleng solusyon sa inihaing suliranin sa

ginawang pag-aaral.

Siling Labuyo (Capsicum Frutescens)

Batay kay Omolo A.M.et.al (2014), ang siling labuyo ay ginagamit sa buong

mundo bilang pampalasa, pandagdag bango/aroma at pampatagal ng pagkapanis ng

mga pagkain. Ito ay dahil sa taglay nitong “antimicrobial” at “antifungal properties” kung

kaya’t isa ang siling labuyo sa mga pampalasang may mataas na demand sa mga lokal

na demand sa mga lokal na palengke/pamilihan.

Ayon kay Fernandez, R.A. (2010) sa kanyang artikulo, mayroong kakayahang

manggamot ang siling labuyo ng mga sugat at iba pang uri ng mga karamdaman.

Isinaad niya rin dito na mas epektibo ang kakayahan nitong manggamot sa mga taong

nasa edad 15 hanggang 30 taong gulang kumpara sa mga nasa 40 hanggang 55 taong

gulang dahil sa katawan nitong mayroong higit na kapasidad ng magandang reaksiyon.

Ayon kay Dr. Rodriguez, E.B. (2012), ang siling labuyo ay may taglay na

potensyal/sangkap upang maiwasan ang kanser, sakit sa puso, “cataract”, “macular

degeneration” at iba pang uri ng sakit/karamdaman.


7

Liwanag

Batay sa pag-aaral ni Almansy, Jacob (2014), ang asul na liwanag ay

makatutulong upang mas mapabilis at mas mapaganda ang pagtubo ng mga halaman.

Ayon sa kanya ang pinakamaisam na gamiting liwanag para sa mga tanim ay ang asul

na liwanag at hindi ang iba pang mga kulay.

Ayon kay Maesller, Liz (2017), ang epekto ng asul na liwanag sa mga halaman

ay may direktang ugnayan sa produksyon ng “chlorophyll”. Ang mga halamang

nakatatanggap ng sapat na asul na liwanag ay mayroong malakas at matabang tangkay

at dahon habang ang mga halamang nakatatanggap ng pulang liwanag naman ay

responsible sa pamumulaklak at produksyon ng bunga.

Isinaad ni Rhoades, Heather (2015) na minsan ang mga tanim ay hindi

nakakakuha ng sapat na liwanag at nagkakaroon ng problema sa maliit na produksyon

ng liwanag. Ang mga halaman ay naapektuhan ng kakulangan sa liwanag at maliit na

asul na liwanag na natatanggap.

Batay kay Runkle, Erik (2016), ang mga halamang nasa loob ng bahay ay may

80 hanggang 90 bahagdang pangangailangan ng asul na liwanag subalit magkakaroon

pa rin ng maliit na mga dahon at mababang tangkay. Ayon din sa kanya, ang mga

halamang nasa labas ng bahay na nakatatanggap ng natural na sikat ng araw ay

mayroong mas magandang epekto ng pagtubo at pamumunga kumpara sa mga

halamang nasa loob ng bahay.

Ayon kay Tilley, Nikki (2015), upang magkaroon ng magandang bunga ang mga

halaman, kailangan nila ng mga sapat na liwanag. Ang artipisyal na pailaw bilang
8

opsyon ng mga taong nagpapatubo ng halaman sa loob ng bahay ay minsa’y

nakakalito. Madalas naitatanong kung anong klaseng pailaw ang mas maganda dahil

mayroong iba’t-ibang klase ng ilaw tulad ng “fluorescent” at “incandescent”. Ayon din sa

kanya ang mga hardenerong gumagamit ng ganitong pamamaraan ay maaring malito

rin kung sapat ba ang liwanag na natatanggap ng kanilang tanim o kung gaano ba

karami ang kinakailangang pailaw ng partikular na tanim.

Ayon kay Venter G. (2017), ang liwanag na natatanggap ng halaman ang pinaka-

importanteng kailangan nito sa paglaki. Kung hindi makatatanggap ng sapat na liwanag

ang halaman, hindi nito makakamit ang maksimum nitong potensyal na lumaki at

mamunga sa kabila ng sapat na patubig o pataba na mayroon ito. Kinakailangan ng

halaman ng higit na atensyon ng liwanag na natatanggap.


9

KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay inilalahad ang disenyo ng pananaliksik, kapamaraanang

ginamit sa pananaliksik, instrumento ng pananaliksik, pamamaraan ng pagkalap ng

datos at tritment ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

“Randomized multi-group with a post-test design” ang desinyong ginamit ng pag-aaral

na ito dahil dalawa at mahigit ang “experimental variables” na kailangang pag-aralan.

Kapamaraanang ginamit ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng eksperimental na pamamaraan dahil sa

paglalayong malaman ang epekto ng iba’t-ibang kulay ng liawanag sa paglaki at

pagbunga ng Siling Labuyo (Capsicum Frutescens).

Instrumento ng Pananaliksik
10

Sa pagsasagawa ng pananaliksik kinakailangan ang mga sumusunod na

materyales/kagamitan: maliit na bahay palakihan ng mga sili na gawa sa magagaan na

materyales, lupa na may parehong uri at pinagkunan (may kasamang pataba), sili

(Capsicum Frutescens) at iba’t-ibang kulay ng pambalot ng yema o “yema wrapper”

upang malaman ang epekto ng iba’t-ibang kulay sa paglaki at pagbunga ng Sili

(Capsicum Frutescens).

Ang maliit na bahay palakihan ng mga sili ay hinati sa apat na maliit na kwarto

kung saan inilagay ang apat na tritment. Saka binalot/pinalibutan ng “yema wrapper” o

pambalot ng yema ang bahay palakihan upang masala ang matatanggap nitong

liwanag galing sa sikat ng araw. Iba’t ibang kulay ng pambalot ng yema o “yema

wrapper” ang ginamit. Pare-parehong uri at dami ng lupa rin ang nilagay sa bawat

tritment. Tatlong punla ng Sili (Capsicum Frutescens) o tatlong replika ang ginamit sa

bawat tritment. Ang bawat replika ay naktatanggap ng pare-parehong dami ng tubig

bawat araw. Pagkalipas ng dalawang linggo, nagsimula na sa pangangalap ng mga

datos partikular sa baba ng tangkay at haba at lapad ng dahon. Sumunod naman ang

pangangalap ng datos sa bilang/ dami ng bunga pagkatapos nitong mamunga ng sili at

pagkatapos ay ang pagsukat sa timbang ng bunga. Parehong pamamaraan ang ginamit

sa kontrol na grupo kung saan nilagay ang mga ito sa ilalim ng natural na araw upang

makatanggap ng natural na liwanag galing sa sikat ng araw.

Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos


11

Ang pangangalap ng datos ay nagsimula pagkalipas ng dalawang linggo matapos

maitanim ang mga punla ng sili. Ginawa ang pangagalap ng datos sa loob ng tatlong

buwan bawat linggo nang sunod-sunod at paulit-ulit. Tumutok lamang sa pagsukat ng

haba ng tangkay, haba ng dahonm lapad ng dahon, dami/bilang ng bunga at bigat ng

bunga ang pag-aaral. Mayroong limang tritment kasama na ang kontrol ng grupo. Sa

bawat tritment ay mayroong tatlong replika. Ruler ang ginamit na panukat sa haba ng

tangkay at haba at lapad ng dahon kung saan sentimetro ang yunit ng pamantayan na

ginamit. Ordinaryong timbangan naman ang ginamit upang makuha ang bigat ng mga

bunga at gremo ang ginamit na pamantayan. Manwal na pagbilang naman ang ginawa

sa pagbilang ng dami ng mga bunga sa iba’t-ibang replika.

Tritment ng mga Datos

Ang mga datos na nakalap ay tinuos at estadistikang inunawa at sinuri gamit ang

One-Way Analysis of Variance (ANOVA) at ginamitan ng 0.05 na antas ng signipiko.


12

Talasanggunian

Almasy, Jacob (2014).The Effects of Light Colors on Planet Growth.https://prezi.com

Maesller, Liz (2017).Red Light vs. Blue Light: Which Color is better for Planet

Growth.Gardening knowhow.gardeningknowhow.com

Fernandez, R.A. (2010).Siling Labuyo Good for wounds

study.https://www.pchrd.dost.gov.ph

Omolo, A.M.et.al (2014). Antimicrobial Properties of Chili

Peppers.https://www.omnicsonline.org

Rhoades, Heather (2015).How light affects the growth of a plang and Problems with too

little light.Gardening know how.gardeningknowhow.com

Rodriguez, E.B. (2012).A fresh look at Siling Labuyo.https://www.businessdiary.com.ph

Runkle, Erik (2016).Red Light and Plant Growth.gpn Greenhouse

Production.https://gnmag.com

Snowden, Michael Chase (2015).Effects of Blue and Green Light on Plant Growth and

development at Low and High Photosynthetic Photon Flux.

Digitalcommons@USU.https://digitalcommon.usus.edu/etd.

Sood, Sonia&Kumar.Naveen (2011).Morphological Studies of Bell Pepper

Germplasm.International Journal of Vegetable

Sciences.Vol.17IssueNo.2.https://cloi.org/10.1080/19315260.2010.519373.
13

Shororbano, N.Y.et.al. (2012).Antioxidant activities of two sweet pepper Capsicum

annuum L. varieties phenolic extracts and the effects of thermal treatment. Avicenna

Journal of Phytomedicine.http://www.ncbi.nlm.nih.gov.

Tilley,Nikki (2015).Fluorescent Lightning for Indoor Gardening. Gardening

knowhow.https://www.gardeningknowhow.com

Venter, G. (2017).Light and its Effect on Plants Growth.Farmer’s

weekly.June2,2017.https://www.farmersweekly.com.za

Zayed, Mona S&Abdallah M.M.F. (2013).Productivity of Pepper crop (Capsicum

annuum L.) as affected by organic fertilizer, soil solarisation, and

endomycourhizae.Annals of agricultural Sciences.Vol.58IssueNo.2pages131-

137.https://doi.org/10.1016/j.aoas.2013.07.011.

You might also like