Professional Documents
Culture Documents
Asdgasdgasdgasdg
Asdgasdgasdgasdg
Asdgasdgasdgasdg
Magandang araw sa inyo! Ang talumpating ito ay patungkol sa korapsyon. Anon gang
naiisip nyo sa salitang korapsyon? Korapsyon, yan ang talamak sa ating pulitika, isang Sistema na
nagdudulot ng kahirapan ng bawat isa. Kung iisipin ang isyu na ito ay deka dekada nang problema
mula sa unang republika hanggang sa kasalukuyan. Ngunit bakit sa itinagal ng panahon ay hindi
parin matuldukan ang korapsyon?
Tuwing eleksyon, bawat kandidato ay nagpapahayag ng kanikanilang pahayag sa mga tao
ngunit lahat ng ito ay pawing pambibilog lamang sa mga mamamayang Pilipino na siyang
gagamitin nila upang manalo at sa wakas ay maisakakatuparan nila ang kanilang mga masasamang
plano. Kung ating susuriin hindi kahirapan ang ating pangunahing suliranin sa ating lipunan. Ang
ugat nito ang siyang dahilan, at ito ay ang korapsyon.
Masyadong maluwag ang ating batas kapag korapsyon na ang pinag-uusapan. Bakit? Kasi
ang gumagawa ng batas tungkol dito ay sila din mismo ang mga pangunahing gumagawa ng
katiwalian. Sa aking pananaw mahirap masolusyonan ang korapsyon, dahil ito ay lalong lumalala.
Mayroong kinikilingan ang ating batas. Kapag ordinaryong tao ang sangkot, mabilis itong umusad,
ngunit kapag maimpluwensiyang tao ang sangkot, nauuwi lamang ito sa pagbalewala sa kaso.
Hannggang hindi mababago ang sistema ng ating pamahalaan ay habang buhay nating pasanin sa
ating mga balikat ang epekto ng korupsyon sa ating bansa.