Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CONGRESSIONAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Poisettia St. Via Verde Village, San Agustin II


Dasmariῆas City, Cavite
UNANG MAHABANG PAGSUSULIT
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin nang may pag-unawa ang bawat aytem upang maibigay ang angkop na
tugon sa mga nakahandang katanungan. Isulat sa sagutang papel ang titik na katumbas ng wastong sagot.
(Kompetensi: F10WG-Ia-b-57 Nagagamit ang angkop na pandiwa bilang aksiyon, pangyayari at karanasan)
Para sa bilang 1-3, piliin ang pandiwang angkop gamitin bilang aksyon, karanasan at pangyayari. Isulat ang titik na katumbas ng
wastong sagot.
1. _____ si Keith nang mapagtanto nitong nawawala ang kanyang kalupi sa bulsa.
A. Naglakad B. Naglalakad C. Nilalakad D. Lalakarin
2. _____ na sana si Ashley sa dance floor subalit bigla niyang nakita ang kanyang hinahangaang kamag-aral.
A. Sumasayaw B. Sayaw C. Sasayaw D. Sinasayaw
3. _____ ng pagkalakas pagkalakas-lakas si Mariville dahil sa pagkadapa ni Ken.
A. Hahalakhak B. Humahalakhak C. Humalakhak D. Halakhak
(Kompetensi: F10WG-Ic-d-59 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw)
Para sa mga bilang 4-7, basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Punan ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng sariling
pananaw ang patlang mula sa loob ng kahon, isulat ang titik na katumbas ng wastong sagot.
A. tingin ng B. alinsunod C. inaakala ng D. Batay sa
4. ____ Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet
game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.
5. ____ sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon.”
6. ____ maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang
sa pagbibigay patnubay at suporta sa kanilang mga anak.
7. ____ iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.
(Kompetensi: F10WG-Ie-f-60 Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari)
Para sa mga bilang 8-12, bilugan ang angkop na hudyat sa pagsusunod-sunod ng pangyayari.
May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian 8.(A. kaya’t, B. saka)
ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 9. (A. Unang, B. Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang
langis. 10. (A. Saka, B. Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan. 11. (A. Gayon din, B. dahil sa) ang ginawa sa isa pa.
Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo. 12. (A. Dahil sa, B. upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang
tusong katiwala.
(Kompetensi: F10WG-If-g-61 Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan)
Para sa bilang 13-17, basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang mula sa ibinigay na
mga pagpipillian sa loob ng panaklong.
13. (A. Siya’y, B. Ika’y, C. kami’y) isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan
ng mga tagasulat. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala 14. (A. akong, B. kaming, C. siyang)
isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. Malimit na sa pagmamasid 15.
(A. niya, B. nito, C. siya) sa babaeng Briton na gumaganap ng ilang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Mathilde ng
panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa 16. (A. nila, B ko, C. mo) ang pagkakuha
ko sa paanyaya.” Sumapit ang inaasam 17. (A. naming, B. kong, C. niyang) araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking tagumpay si
Madame Loisel.
(Kompetensi: F10PT-If-g-66 Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita o ekspresyong ginamit sa akda batay sa konteksto ng
pangungusap)
Para sa bilang 18-21, ibigay ang kahulugan ng may salungguhit na salita batay sa konteksto ng pangungusap. Isulat sa sagutang papel
ang titik na katumbas ng wastong sagot.
18. Tila ba panghuhuthot na lamang ang ginagawa ng mga pulubi sa mga taong magdaraan.
A. nanghihingi B. nanglalamang C. panggugulang D. pamamalimos
19. Sino man ay madaramdam ng lumbay sa tuwing may kaanak na mamamaalam.
A. takot B. lungkot C. pighati D. saya
20. Hindi dapat pangimbuluhan ng mga taong marunong lamang sa salita ngunit kulang sa gawa.
A. kainggitan B. katakutan C. kainisan D. idolohin
21. Hindi ka dapat magulumihanan sa iyong desisyon kung alam mong di ka makakasakit ng ibang tao.
A.maasiwa B. manindigan C. matakot D. maguluhan
(Kompetensi: F10PB-If-g-67 Napapatunayang ang mga pangyayari sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay)
Para sa bilang 22-23, unawain ang mga piling pangyayari sa akda, piliin ang titik ng angkop na patunay na ito’y maaaring maganap
sa tunay na buhay.
22. “Gutom na ako! Negro,” sabi ni Ogor, “Ako muna.” – Impeng Negro ni Rogelio Sikat
A. Pagkawala sa landas ng batang mula sa broken family. B. Pambu-bully ng isang siga sa klase sa tahimik na bata.
C. Pinagbabawal ng nanay na makipagllaro ang anak sa mga marurungis na bata D. wala sa nabanggit
23. “Sige, bibigyan kita ng trabaho. Pero ayoko ng tamad, ha? Dos singkwentang gana mo.” (Don ho sa pinagtrabahuan ko, tatlong
pisong...) O, e, di don ka magtrabaho. Burahin ko nang pangalan mo?” - Halaw sa nobelang “Maynila sa Kuko ng Liwanag”
A. Pagrereklamo ng anak sa utos ng ina B. Pagkukumpara ng trabaho ng isang impleyado
C. Pagpapatahimik ng guro sa klase D. Wala sa nabanggit
(Kompetensi: F10PB-Ia-b-62 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan,
lipunan at daigdig)
Para sa bilang 24-25, intindihin ang mga katanungan at mga kaisipang nakapaloob sa mga binasang akda, piliin ang angkop na pag-
uugnay dito. Isulat sa sagutang papel ang titik na katumbas ng wastong sagot.
24. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin." Anong isyung panlipunan ang nasasalamin sa bahaging ito ng
akda? – Ang Kalupi ni Benjamin Pascual
A. Ang mayayaman lamang ang may karapatan sa lahat ng bagay. B. Hindi nagpapasindak ang mahihirap.
C. Nagiging mapanghusga ang mga tao sa panlabas ng kaanyuan. D. wala sa nabanggit
25. Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng Kabesa. – Tata Selo
A. ang hustisya ay para sa mayayaman lamang B. dahil sa kahirapan natututong kumapit sa patalim ang mga tao.
C. Kapag mahirap ang isang tao wala na itong karapatan D. wala sa nabanggit
(Kompetensi: F10PT-Ig-h-67 Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag nito (clining)
Para sa mga bilang 26-29, ayusin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan. Piliin ang titik na
katumbas ng wastong sagot.
28
1.pagmamahal 3. pagsinta
1.Sakim 3. madamot A. 1-2-3-4 C. 4-3-2-1 A. 1-2-3-4 C. 3-2-1-4
26 B. 3-1-4-2 D. 4-1-3-2 2. pagliyag 4. paghanga B. 2-3-1-4 D. 4-3-2-1
2.Ganid 4. gahaman
29
A. 1-4-3-2 C. 3-4-1-2 1.kinupkop 3. tinangkilik A. 3-1-2-4 C. 1-4-2-3
1.galit 3. poot
27 B. 2-4-3-1 D. 1-2-3-4 B. 2-4-3-1 D. 2-1-3-4
2. muhi 4. ngitngit 2. inalagaan 4. kinalinga

(Kompetensi: F10PB-Ib-c-63 Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit
ang mga ibinigay na tanong)
Para sa bilang 30-31, suriin ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng sumusunod na talata, sagutin ang mga tanong at isulat sa
sagutang papel ang titik na katumbas ng wastong sagot.
Si Zaqueo, ang Maniningil ng Buwis
19 Pumasok at dumaan si Jesus sa Jerico. 2 Naroroon ang isang lalaking nagngangalang Zaqueo. Siya ay punongmaniningil ng buwis
at siya ay mayaman. 3 Hinahangad niyang makita kung sino si Jesus. Hindi niya ito magawa dahil sa napakaraming tao, sapagkat
siya ay mababa. 4 At tumakbo siya sa unahan at umakyat sa isang puno ng sikamoro upang makita si Jesus sapagkat sa daang iyon
daraan si Jesus.
5 Nang dumating si Jesus sa dakong iyon, tumingala siya at nakita niya si Zaqueo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Zaqueo, magmadali
kang bumaba sapagkat sa araw na ito ay kinakailangang manatili ako sa iyong bahay. 6 Nagmamadali siyang bumaba at nagagalak
niyang tinanggap si Jesus.
7 Nang makita ito ng lahat, nagbulung-bulungan sila. Kanilang sinabi: Manunuluyan siya sa isang makasalanan.
8 Si Zaqueo ay nakatayo at sinabi niya sa Panginoon: Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking tinatangkilik ay ibibigay ko sa mga
dukha. Anuman ang aking nakuha sa pamamagitan ng maling paraan sa sinuman ay ibabalik ko nang makaapat na ulit.
9 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sa araw na ito, dumating sa bahay na ito ang kaligtasan sapagkat siya ay anak rin ni Abraham. 10 Ang
Anak ng Tao ay pumarito upang hanapin at iligtas ang nawala.

30. Paano inilarawan si Zaqueo?


A. maniningil ng buwis B. nanlalamang ng kapwa C. nais Makita si Jesus D. lahat ng nabanggit
31. Anong mensahe ang ipinararating ng akda?
A. ang kagustuhan Makita si Jesus B. Ang pagbabalik-loob sa Panginoon C. Paghingi ng tawad D. lahat ng nabanggit
(Kompetensi: F10PB-Ic-d-64 Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda)
Para sa bilang 32-33, unawain ang mga kaisipang nangingibabaw sa akda. Piliin ang wastong reaksyon tungkol dito sa pamamagitan
ng mga nakahandang tanong. Isulat ang titik na katumbas ng wastong sagot.
32. ”Isang pangangailangan ang nagsasabi kung may interes sa buhay at pamumuhay ang sinuman.”
A. Kinakailangang magtrabaho upang mabuhay.
B. Ginusto mo ang ginagawa mo ayon sa pangangailangan mo.
C. Pinangarap ni Amelita ang maging isang guro kaya naabot niya ito.
D. Kailangan mong mabuhay kaya kailangan mong mahalin ang trabaho.
33. “Ang kabaitan ay dapat ding magkaroon ng tapang upang bakahin ang kasamaan.”
A. Ang kabaitan ay hindi laging kabutihan.
B. Nasusupil ang kasamaan kung nilalakipan ito ng ibayong kabutihan.
C. Ang kabaitan ay hindi sapat na sandata upang maipaglaban ang kabutihan.
D. Kailangan ang pagkilos bilang kaakibat ng kabaitan sa pagtamo ng kabutihan.
(Kompetensi: F10PB-Ie-f-65 Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay ipinararanas ng may-akda sa
pangunahing tauhan)
Para sa bilang 34-35, alamin ang angkop na interpretasyon sa mga piling bahagi ng isang akda tungkol sa suliraning ipinararanas sa
mga pangunahing tauhan.
Isulat ang titik…
A – kung isa lamang sa mga ideya ang wastong interpretasyon dito
B – kung dalawang ideya ay wastong interpretasyon dito
C – kung lahat ng ideya ay wastong interpretasyon dito
D – kung hindi wasto ang mga interpretasyon sa binasa
34. “Habang may pag-asa, ay nauunawaan ng mga lalaking nakalasap ng unang lungkot na walang kaguluhang napakasama upang di
pangibabawan ng buti.”
1. Ang kaguluha’y may katumbas na kapayapaan. 2. Ang kapayapaan ay maghahari kailanman. 3. Hindi permanente ang kaguluhan sa daigdig.
35. Walang makahihigit sa pagmamahal na kayang ipagkaloob ng isang ina.
1. Walang inang hindi nagmahal sa kanyang anak. 2. Walang inang hindi kayang tiisin ang lahat para sa anak.
3. Ang pagmamahal ng ina ay wagas at walang anumang hinihinging kapalit.
(Kompetensi: F10PT-Ie-f-64 Nabibigyang-puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag
ng matinding damdamin)
Para sa mga bilang 36-37, basahin at unawain ang mga sumusunod na bahagi ng akda. Bigyang-puna ang ipinahahayag na damdamin
ng bawat aytem. Piliin ang pinakaangkop na damdaming nangingibabaw dito. Isulat ang titik na katumbas ng wastong sagot.
36. “Ibig kong magsaka na ang aanihin,
Ikabubuhay ko may sa pawis ko galling.”
A. nag- aalala B. nagmamayabang C. nag- aasam D. nagmamalaki
37. “May balak din akong dito’y mag- itikan,
Habang ako’y wiling bukid ang tirahan.”
A. nangungulila B. mahinahon C. balisa D. nag-uusisa
(Kompetensi: F10Pt-Ic-d-63 Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan)
Para sa mga bilang 38-40, basahin at unawain ang ideyang inihahayag ng bawat aytem. Tukuyin ang mga salitang kapareho ang
kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang titik na katumbas ng wastong sagot.
38. Maraming mamamayan sa Bohol ang lunong-luno at di pa nakabangon matapos yanigin ng malakas na lindol.
1. hinang-hina 2. lungkot na lungkot 3. bagsak na bagsak 4. hirap na hirap
A. 1-3-4 B. 1-2-3 C. 2-3-4 D. 1-2-4
39. Lumunsad si Pangulong Aquino sa Bohol upang iparating sa mga mamamayan ang kanyang lubos na pakikiramay at tulong.
1. tumungo 2. nagtayo 3. pumunta 4. gumawi
A. 1-3-4 B. 1-2-3 C. 2-3-4 D. 1-2-4
40. Hindi makahuma na para bang napipi ang mga biktima ng lindol dahil sa labis na takot matapos ang insidente.
1. makagalaw 2. makapagsalita 3. makapagwika 4. makapagbikas
A. 2-3-4 B. 1-2-4 C. 1-3-4 D. 1-2-3
(Kompetensi: F10PU-Ib-c-65 Naisusulat nang may maayos na paliwanag ang kaugnay na collage na may kaugnayan sa paksa)
Para sa mga bilang 41-45, sumulat nang may maayos na paliwanag kaugnay sa sumusunod na collage na may kaugnayan sa paksang
tinalakay.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

You might also like