Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

MUSIKA

Ikaanim na Baitang

LUNDAYANG TONONG LA NG ISKALANG MENOR

ALAMIN MO

Ang isang musika, inaawit o tinutugtog man, ay may simula at katapusan.


Nalalaman mo na ang awitin ay nasa tunugang mayor o menor dahil sa lundayang tono
(home tone). Sa modyul na ito, matututunan mo ang lundayang tono ng tunugang d at e
menor.

PAGBALIK-ARALAN MO

Nalalaman mo na ang mga awitin o tugtuging mayor ay may katugon sa mga


awiting menor at ang lundayang tono ng awiting mayor ay do. Walong notang pataas at
pababa ang bumubuo sa iskalang mayor at menor. Ang Tunugang F Mayor at katugong d
menor ay may tig-isang bimol samantalang may tig-isang sustinido naman sa linguhit ang
tunugang G Mayor at katugong e menor.

F Mayor d menor

G Mayor e menor

1
PAG-ARALAN MO

Ang limguhit ay binubuo ng limang guhit at apat na espasyo sa pagitan ng mga guhit.
Ang mga guhit at espasyo ay may pangalang titik na sumusunod:

Mula sa mga ngalang titik sa limguhit ibinabatay ang mga pangalan ng tunugan, mayor o
menor man. Kung ano ang titik na ginagamit sa tunugan doon din matatagpuan ang
tonong lundayan na karaniwan ay do sa tunugang mayor. Ang lundayang tono ng menor
ay galing sa do ng tunugang mayor. Bibilang ng tatlong hakbang pababa buhat sa do ng
mayor at ang so-fa silabang la ang magiging lundayang tono ng tunugang menor. Kung
ang so-fa silaba ng tunugang mayor ay do, re, mi, fa, so, la, ti, do, ang sa menor ay la, ti,
do, re, mi, fa, so, la.

PAGSANAYAN MO

A. Kumpletuhin ang so-fa silaba ng sumusunod na tunugan:

re ti ___ so ___ ti ___ mi

__ __ do __ fa __ __ __

2
TANDAAN MO

Huwag kalimutan na mula sa lundayang tono sa tunugang mayor bilang ka pababa


ng Buo o Kalahati at ang so-fa silabang ito ang maging lundayang tono sa tunugang
menor. La ang tonong lundayan ng mga awiting menor.

SUBUKIN MO

Sagutin ang mga tanong na sumusunod. Piliin ang sagot sa mga sumusunod:

a. Tunugang Mayor
b. Tunugang menor
c. Guhit, espasyo, guhit o espasyo, guhit, espasyo
d. Tatlo
e. do
f. la

_________1. Tonong lundayan ng awitin sa tugtuging menor.


_________2. Pinanggalingan ng mga tugunang menor.
_________3. Paraan sa pagbilang mula lundayang tono nang makabuo ng tunugang
menor.
_________4. Awiting malungkot o may agam-agam.
_________5. Ilang bilang pababa ang gawin upang matunton ang lundayang tonong
menor.

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

You might also like