ang ating unang nasisilayan. Sa liwanag ay maaliwalas parang puso’t damdamin noong tayo’y bata pa maaliwalas, mapayapa, at walaang problema. Sa hakbang nang ating buhay ay kasama natin ang liwanag mula sa paggising sa umaga, liwanag ang nagbibigay hudyat upang tayo ay bumangon na at may mga sasagupain pang hamon na nasa harap natin. Ang mga hamon na ito ay parang ang buhos ng ulan, marami hindi mabilang-bilang ngunit kaakibat ito n gating paglaki na hindi mapipigilan. Sa paglaki natin kasabay nito ang mga problema sapagkat tayo’y nagkakaisip na at nauunawaan ang tunay na mayroon sa mundong ating ginagalawan.
Sa kabila ng mga ito isipin nating may sandata tayo para sa
buhos ng ulan kundi ang paying. Isipin na natin na ang dala- dala nating paying ay an gating mga magulang na palaging nandiyan para tayo ay tulungan sa mga problema. Sila ang palaging handang saluhin ang bawat pagpatak ng tubig na nanggagaling sa langit para ikaw ay protektahan. Sa pagdaan ng oras mapapansin natin na hindi tumitila ang mga problema may mga oras na mapapatanong tayo, ano ba talaga ang saysay nang pagkabuhay natin sa mundo? Nagawa na natin ang kailangang gawin. Inubos na natin ang lakas para sa mithiin. Saan pa ba patungo ang buhay natin? Para tayong kandila na nakatindig sa una, may malaking liwanag pa ngunit sa bawat oras na mayroong liwanag ay nauupos at natutunaw na patungo sa kadiliman at kamatayan. Maihahalintulad sa buhay natin na maaaring mawalan ng liwanag sapagkat kailangan nang magpahinga dahil ubos na, pero mag-iiwan pa rin tayo ng bakas natin sa mga taong nakapaligid sa atin at alam natin na tayo ay tutungo na sa tunay na kapayapaan na kung saan walang kamatayan at may buhay na walang hanggan, sa kalangitan.