Konseptong Papel

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

I.

Paksa
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga epekto ng online games sa mga mag – aaral.
II. Rasyonal
Mahalaga ang paksang ito sapagkat nabatid ng mga mananaliksik ang pagdami ng mga
mag – aaral na nalululong sa paglalaro ng online games. May kaugnayan ito sa mga mananaliksik
sapagkat ang kanilang kursong kinabibilangan ay patungkol sa ICT at nais malaman ng mga
mananaliksik ang mga posibleng epekto ng mga online games sa buhay ng isang mag – aaral.
Layunin ng pananaliksik na ito na masagot ang mga sumusunod na katanungan:
a. Ano – ano ang mga positibong epekto ng online games sa mga mag – aaral?
b. Ano – ano ang mga negatibong epekto ng online games sa mga mag – aaral?
c. Paano maiiwasan ang pagkalulong ng mga mag – aaral sa paglalaro ng online games?
d. Paano nagsimula ang online games?

III. Pamamaraan
Isinigawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng paghahanap ng impormasyon at datos
sa internet, panonood ng mga video na may kaugnayan sa paksa at pagbabasa ng mga artikulo.
IV. Panimula
Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa mga epekto ng online games sa mga mag – aaral.
Ang makabagong teknolohiya ay isa ng bahagi ng pang araw-araw na buhay ng isang tao. Cell
phone, computer, laptop, smart boards, mga sistema ng GPS, at iba pa. Ito ay tumutulong sa atin
araw-araw, sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng impormasyon at maginhawang pamumuhay.
Ngunit, sa paglipas ng panahon, naimbento ng mga bagay na maaaring magbigay – aliw sa mga
tao. Isa na rito ang pagkakaroon ng online games na labis na naging libangan lalo na ng mga
kabataan ngayon.
Mapapansin ngayon na maraming mga mag – aaral ang nahuhumaling sa paglalaro ng
online games. Ang online games ay isang laro na maaaring laruin sa kompyuter at sa mga mobile
phone na kinakailangan ng internet. Ang sikat at labis na kinahuhumalingan ng mga kabataan
ngayon ay ang Mobile Legends na isa sa mga halimbawa ng online games.
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay alamin ang mga positibo at negatibong epekto ng
paglalaro ng online games at magpahayag ng mga posibleng solusyon upang maiwasan ang
pagkalulong dito.

You might also like