Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Noong unang panahon, may isang bayan na pinamumunuan ng isang sakim

at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay kinatatakutan ng kanyang


mga sinasakupan ngunit palihim din nila itong kinamumuhian. Walang ibang
alam gawin ang hari kundi ang mag-utos at pagalitan ang kanyang mga alipin.
Ang mga utos pa man din nito ay imposibleng gawin at hindi makatwiran. Ang
hari ay mahilig kumain, matulog at mag-aksaya ng kayamanan niya.

Nagkaroon ng matinding taghirap sa kanyang kaharian. Hindi maganda ang


naging ani ng mga magsasaka at naging mahina ang benta ng mga
mangangalakal. Ang lahat sa kaharian ay inutusang magtipid upang maka-
alpas sa taghirap na kanilang nararanasan.

Lahat nga ng tao ay gumawa ng kanya-kanyang paraan upang makatipid


maliban sa isang tao. Ang mismong hari na si Barabas ay hindi sumusunod
sa kanyang utos. Walang itong pakialam na naghihirap ang mga taong
kanyang nasasakupan. Patuloy siya sa paglustay ng kanyang kayamanan sa
mga walang kwentang mga bagay.

Habang ang lahat ng tao ay nagtitipid at minsan lang sa isang araw kung
kumain, ang hari ay parang piyesta kung magpaluto sa kanyang mga alipin.
Iba’t ibang putahe ng iba’t ibang mahal na klase ng pagkain ang kanyang
ipinapahanda. At ang masaklap pa dun ay siya lamang ang kakain ng mga
pinaluto niya. Maski sobra ang mga pagkain ay hindi niya niyayaya ang
kanyang mga kasambahay o ang mga taombayan na saluhan siyang kumain.
Ang mga hindi niya maubos ay hinahayaan lang niya hanggang sa tuluyan na
itong masira at hindi na puwedeng makain.

Isang araw habang nagpipiyesta ang hari sa harapan ng kanyang palasyo ay


may lumapit na isang matandang pulubi. Humingi ng limos ang pulubi maski
pagkain na lamang pantawid sa kanyang gutom ngunit hindi pinansin ng hari
ang matanda. Sa halip, pinagtabuyan pa niya ito. Nawawalan daw siya ng
ganang kumain dahil sa mabahong amoy ng pulubi.

Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay bibigyan


niya ito ng isang leksiyong hindi niya makakalimutan. Hindi pa natatapos
magsalita ang matanda ay biglang kumulog at kumidlat. Ang hari ay unti-
unting nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong humihingi ng tawad sa matanda
ngunit huli na ang lahat. Biglang naglaho ang matanda habang ang hari ay
naging isang ganap na halaman.

Nakita ng taombayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang halaman ay


may nakita silang bunga nito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. Ito
na nga ang kanilang hari na si Barabas na dahil sa kasakiman ay naging
isang halaman.

Mula noon tinawag nila ang halaman na bayabas mula sa pangalan ni Haring
Barabas.

You might also like