musika, hudyat na nagsisimula na ang parangal. Dali dali akong lumakad papasok ng bulwagan kung saan ito ginaganap. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa'kin ang mga ngiting alam kong pinaghirapan at pinaggugulan ng panahon. Nakita ko ang aking mga kaklase at maaaninag sa kanilang mga mukha ang sayang kanilang nadarama. Hindi na ako nagtataka pagkat ito ang araw na aming pinakahihintay, ang araw ng aming PAGTATAPOS. Mabilis kong tinungo ang nag- iisang bakanteng upuan sa helera ng aking mga kaklase na alam kong inihanda talaga para sa akin. Tahimik akong nakikinig sa mga usapan at nagmamasid sa mga pangyayari. Sari-saring emosyon ang aking nadarama, may masaya, pagkalungkot at panghihinayang. Naalala ko tuloy noon ang sinabe ng isa sa aming mga propesor, “Malalaman mo lang ang tunay na saya pagsuot mo na ang iyong toga at hawak mo na ang iyong diploma” at masasabi ko sa sarili kong marahil ay totoo nga. Bumalik ako sa aking ulirat ng isa-isa nang tinawag ang pangalan ng mga estudyante. Nakangiti akong pinagmasdan ang mga anak at mga magulang nilang umaakyat sa entablado upang tanggapin ang parangal na matagal-tagal ring na pinaghirapan. Hanggat.. “Casulog, Mary Joy A..” tinawag na ang pangalan ko. Hindi katulad ng iba ay katahimikan ang sumalubong sa akin. Malamlam kong pinagmasdan ang mga magulang kong umaakyat sa entablado upang tanggapin ang diplomang matagal-tagal ko ring pinaghirapan. Napalitan ng hikbi ang kaninang sayang bumabalot sa paligid..”Ano ba itong aking ginawa”, ang naisambit ko nalang sa aking sarili. Lamig ang bumalot sa aking katawan, na kung tutuusin ay normal nalang ngayon pagkat di katulad ng iba ay sumuko ako, nagpatalo ako sa depresyon na pilit kumain sa akin. Tinapos ko ang aking buhay bago pa man ang aking PAGTATAPOS….