Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

DAILY LESSON LOG Paaralan PTMSMNHS Baitang/ Antas 7- Jasmine

(Pang-araw-araw na Guro Maricris M. Patrimonio Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Ikalawa

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng
konsensya sa Likas na Batas Moral.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang plano pag-unawa sa kaugnayan
ng konsensya sa Likas na Batas Moral.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto. Isulat ang code ng 1. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga
bawat kasanayan pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas
Moral. EsP7PS-Ic-6.2 2. Natutukoy ang gamit ng tamang
konsensya. 3. Nakapagsasagawa ng maiksing presentasyon
kung saan nailapat ang gamit ng konsensya.
II. Nilalaman Modyul 6: Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas
Moral

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao TG 63-78

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7 LM 137-158

3. Mga pahina sa Teksbuk


4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop, speaker, audio

III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at pagsisimula ng bagong


bagong aralin aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin at pagganyak
A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga
layunin ng aralin. 1. Nailalapat ang wastong paraan upang
baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang
prinsipyo ng Likas na Batas Moral. 2. Natutukoy ang gamit
ng tamang konsensya. 3. Nakapagsasagawa ng maiksing
presentasyon kung saan nailapat ang gamit ng konsensya.
B. Gawin ang Think-Pair-Share. Batay sa nakaraang takdang
aralin, ibahagi ang sitwasyon, karanasan, insidente o
pangyayari sa buhay mula sa kaibigan, kapatid o pinsan na
kung saan nailapat nang tama ang konsensya. (gawin ito sa
loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach) 1. Magpalitan
ng pagbabahagi ng pangyayari. 2. Sagutin ang sumusunod na
tanong: a. Saan nagmula ang pananaw mo ukol sa
konsensya? b. Batay sa naging karanasan ng iyong kaibigan
o kapatid, ano ang natuklasan mo tungkol sa konsensya?
c. Paano nagabayan ang iyong kaibigan o kapatid ng konsensya
sa kanyang naging pasya at kilos? d. Mabisa bang
gabay ang konsensyang taglay mo/nila? Patunayan.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon at gumawa ng sariling
pagpapasya. Isulat ang iyong pasya at paliwanag kaugnay nito,
sa iyong notbuk. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Constructivist/Reflective Approach)

Kaso 2
Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan
ng kapaligiran, nalaman mo ang suliranin sa basura at mga
epekto nito sa sambayanan. Mayroong babala sa inyong
baranggay na nagtatakda ng parusa sa mga taong mahuhuling
nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan
nito. Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay,
nakita mo ang matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtapon
ng basura sa hindi itinakdang lugar na tapunan. Ang ama mo
ang kapitan ng inyong barangay. Ano ang gagawin mo?

Pag-isipan at sagutin mo ang tanong na ito:


1. Saan ibinabatay ng konsensya ang paghuhusga kung tama o
mali ang isang kilos?
2. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Listening Activity: Pakinggan ang sanaysay tungkol sa
bagong kasanayan #1 konsensya. (gawin ito sa loob ng 10 minuto) (Reflective
Approach)
Close ba kayo ng konsensya mo? Wala ba kayong mga isyu lalo
na tungkol sa decision-making, sa mga ikinikilos, pagsasalita at
sa feelings?
Di nga? Close talaga kayo???Kung gayon…indi ka tao.
Ang konsensya o para sa mas madaling paglalarawan…
Ang Safeguard ay isang mala-kaluluwang anino na kamukhang-
kamukha mo pati ng suot mo na siyang lalabas sa kanang
bahagi mo with matching good lighting (andun daw kasi ang
mas magandang pokus ng camera) sa tuwing mahaharap ka sa
mga bagay na kakailanganin mo ng back up o sa madaling salita
ay total brainstorming muna bago pa man ito isagawa.
Isa itong espesyal na alerto na nagsisimulang gumana sa
panahon na tayo ay nasa tamang pagiisip para matimbang ang
lahat-lahat ng dapat timbangin sa ating buhay. Isang
sensitibong parte ng ating katawan na siyang tinatablan tuwing
gagawa tayo ng mga bagay na taliwas sa normal o sangayon ng
nakararami.
Mula Nursery hanggang College, pinag-aaralan natin ang
kahalagahan nito sa ating buhay at ang epekto ng ganitong
gawain sa ating kapwa. Kung indi pa ba naman tumatak ito na
parang tattoo sa ating isipan eh ewan ko na lang.
Pero dahil nga sa likas na katigasan ng mga ulo natin… (alam
nyo bang kinakailangan pang i-drill ang bungo bago ito mag-
crack? — ganun ito katigas.) kadalasan kahit alam natin ang ga-
mundong pagkakaiba ng tama sa mali na halos literal nang
mangalabit ang mga safeguard natin eh…wala talaga, dedma
lang.
Kaya nga nauso ang White lies.
Ito ang kasinungalingan na nilagyan lang ng mga design sa
background, parang designed frame sa piktyer para kahit na
pangit ang pagkakakuha ng mga taong nasa piktyer mismo,
maganda pa ring tingnan. Inde siya totally pagsisinungaling
pero ganun na rin yon kung susumahin.
Parang ganito:
Ginabi ka ng uwi dahil nag-date kayo ng jowa mo. Ang siste,
yari ka naman sa ermats at erpats mo sa dalas nitong mangyari.
Syempre, maninimbang ka. Ano bang mas less na sermon? Ang
pagkabuking mo at ng jowa mo o ang malaman na umuwi ka
ng gabi dahil kasama mo ang mga kaklase mo na puwede mo
namang mapaganda ng konti ang dahilan? Naturalmente, mas
gusto mong matapos agad ang usapan nang makaiwas na
maalala pa nila ang iba mo pang kasalanan kaya, ito ang mas
magandang isasagot mo sa kanila:
“Eh kasi po, dun na namin tinapos ang report namin sa bahay
ng klasmeyt namin. Madalian lang talaga po kasi bukas na kami
pinagre-report, indi na rin po ako nakatawag kasi sobrang dami
talaga ng ginawa namin, hinati-hati na nga sa lahat ng member
para matapos agad buti nga ganun ung ginawa namin eh kundi
mas gagabihin pa talaga kami.”
Sa mga ganitong eksena, nagiging magalang at mala-anghel
ang dating mo. Syempre, pag maangas ka pa, ikaw rin ang talo.
Yan ang white lies. Indi mo intensyong magsinungaling pero
dahil sa ayaw mong makasakit at masaktan, nagagawa mo ito
para lang makalusot sa sitwasyon.
Para rin itong Misleading advertisement.
Ito yung kadalasang makikita mo sa shopping malls – – – ang
laki ng mga paskil ng SALE at nakalagay sa mga metal bin ang
mga damit na pinagsama-sama…syempre sale eh kaya
hahalukayin mo ito hanggang sa ilalim at kever sa presyo kasi
nakalagay naman sa signage eh 50 lang. Tapos pagdating mo
sa counter, napag-alaman mong yung isa sa nakuha mo, indi
pala kasama sa sale at “nahalo” lang daw ito. Nakakahiya
naman kung ibabalik mo eh ang haba ng pila at nakaabat lahat
sa’yo kung bibilhin mo ba ito o inde…Syempre bibilhin mo kasi
kakahiya naman kung indi.
Yan ang misleading advertisement, sine-sale talaga nila ang
iilan sa produkto nila pero sinasadya din nilang ihalo ang mga
indi sale na produkto para mabili rin ito ng mga walang
kamalay-malay na kustomer na eksayted sa sale chorva.
Mabulaklak na white lie. Kaya konting ingat shoppers.
Pakyawan ang benta ng white lies. Kung ninenegosyo nga lang
siguro ito, malamang napakayaman na ng taong ito. Ang
mabisang pampawala ng guilt dulot ng ating Safeguard. Parang
Alcohol at Betadine, pareho ng bisa pero di sing hapdi ang
epekto.
Pero kahit gaano mo pa mapaganda ang mga white lies, indi pa
rin ito makakalusot sa kalabit ng Safeguard kahit na mas
madalas, nagawa mo na ang isang bagay bago mo pa
maramdaman ang mga kuko nito.
Tulad ng eksena ng examination at unannounced quiz. Buong
klase ang nakokonsensya sa pangongopya. (normal na
pakiramdam bago gumawa ng mali.) Pero nangingibabaw pa
rin ang takot na bumagsak sa exam at umulit ng subject kaya
napipilitang gumawa ng indi maganda.
Ang isyu ng pangongopya, nagiging normal na lang na gawain.
Ang pag-amin nito ay madali sa harap ng mga kaibigan at
kaklase, ikukwento mo pa ng detalyado ang lab stori ng
pangongopya. Kung Teacher, Magulang at si Kuya Jesus ang
kaharap ang dami na sigurong white lies ang nagparty sa ating
bibig.
Meron kaming kapitbahay, napakasipag maglinis ng bahay pati
ang bakuran nito, sagana sa walis. Araw-araw naglalaba.
Tuwing alas tres ng madaling araw, gising na ito para maglinis.
Good for her kasi masinop siya. Pero sana naman ginagamit
niya yung pandakot na partner ng walis niya at indi pilit niyang
isinisiksik ang mga winalis niya sa gilid ng pinto namin.
Ang galing mag-white lies ng lola mo, kesyo maaga daw siya
nagigising at wala naman daw siyang nakikitang gumagawa
nun. Sabihin mo kung nagmumulto ang mga alikabok sa harap
ng bahay namin at nagkukusa na silang sumiksik sa gilid ng
pinto para naiintindihan ko naman. Buti rin sana kung indi ko
siya nakita ng ilang beses na gawin yon sa tuwing inaabot ako
ng alas tres ng madaling araw galing sa lakaran. Kahit na
nasermunan ako, natuwa pa rin nanay ko dahil na-caught in
the act ko naman kung sino ang masipag na tagasiksik ng dumi
sa harap ng bahay namin.
Sa trabaho naman, kung pamilyar kayo sa mga umpukan
tuwing break sa canteen o pantry, (sila ang tropang dapat
mong iwasan.) Yung mga kuwentuhang kala mo tungkol sa
ekonomiya at pulitika pero pag lumapit ka pa ng konti para
pakinggan ang mga ito, showbiz pala at buhay ng ibang tao ang
topic nila. Minsan kahit indi ka naman talagang pumaparte sa
usapan at tipong nakikinig lang sa kanila, nakaka-guilty pag
kabatian mo yung taong pinag-uusapan nila na walang kaalam-
alam na dina-dissect na pala ang pagkatao niya pag nakatalikod
siya habang nakikipagkuwentuhan pa siya ng masaya sa mga
ito.
Syempre, ikaw na may alam sa mga kumakalat na
chismis…ayaw mo nang madamay kaya indi ka na rin
magsasalita. Mahirap na malipat sa’yo ang sumpa. Tipong CIA
ka na pero nagagawa mo pang mag-design ng white lies dyan.
Lahat ng palusot, masasabi mo wag lang niyang maisip na indi
mo nagawang ipagtanggol siya kahit konti kasi wala naman
siyang ginawang masama sa’yo whatsoever. Mga tama na indi
naman kailangang baliin – – – binabaluktot lang.
Sa ibang pagkakataon, unintentionally nakakapag-design tayo
ng white lies sa mga sitwasyon na talagang ipit na. Wala eh,
kesa naman sabihin mo ang totoo ‘di masisira na lahat. Inaako
mo na lang ang posisyon na magsinungaling at dedmahin ang
Safeguard dyan sa tabi mo alang-alang sa mararamdaman ng
mga tao sa paligid mo.
(https://www.google.com.ph/search?biw=320&bih=241&ei=
ncavWNXvKces8QXMuYmoCA&q=article+tungkol+sa+konsen
sya&oq=art icle+tungkol+sa+konsensya&gs_l=mobile-gws-
serp.3...2538.14307.0.15030.0.0.0.0.0.0.0.0..0.0....0...1c.1j4.6
4.mobile-gwsserp..0.0.0.QyuiAg6YiZY)

Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang tinutukoy na


safeguard sa napakinggang sanaysay? 2. Sa ano-anong
sitwasyon/pagkakataon magagamit ang konsensya? 3. Paano
mo gagamitin ng tama ang iyong konsensya?
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Basahin ang komiks at ipahayag ang damdamin sa nabasa.
bagong kasanayan #2 (gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
https://www.slideshare.net/mobile/sirlemuelestrada/modyul
-6-ang-kaugnayan-ng-konsensya-sa-likas-na-batas-moral

Ipahayag ang saloobin sa nabasang kuwento.

F. Paglinang sa Kabihasahan (Tungo sa Formative Pumili sa sumusunod na pahayag tungkol sa konsensya at


Assessment) ipaliwanag. 1. Ang konsensya ay ang batayan ng kaisipan sa
panghuhusga kung tama o mali ang ginagawa. 2. Ang
konsensya ay ang paglilitis ayon sa sariling paratang at
pagtatanggol ng tama.

G. Paglalapat sa aralin sa pangaraw-araw na buhay


Tumawag ng mag-aaral na makapagpapahayag ng damdamin
kung paano makatutulong ang konsensya sa mabuting
pagpapasya sa sitwasyon na kinakaharap.
H. Paglalahat sa aralin Malaki ang papel na ginagampanan ng ating konsensya sa
buhay natin. Dito nakasalalay ang paghubog ng ating pagkatao
dahil ito ang humuhusga sa kilos na ating pinipiling gawin.
I. Pagtataya ng Aralin Hatiin ang klase sa 5 pangkat. Magkaroon ng maiksing
presentasyon na nagpapakita ng gamit ng konsensya. (gawin
ito sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
Kraytirya:
a. Husay ng pagganap-40%
b. Kooperasyon at Disiplina-30%
c. Pagkamalikhain (Props, Kasuotan)-30%
J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at Basahin ang sipi sa modyul tungkol sa konsensya, pahina 147-
remediation 152. Gumawa ng tala ng mga konseptong matatagpuan sa
babasahin. IV
IV. MgaTala V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang


gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na


nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasang solusyunan sa


tulong ng aking punongguro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuhong


nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like