Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1. Anu-ano ang mga suliranin na kinaharap sa pelikula?

Sa pelikulang “Aparisyon” kinaharap ang mga suliranin na tao laban sa tao, tao laban
sa kanyang sarili at tao laban sa kanyang lipunan. Na kung saan ang tunggalian sa
pagitan ng madreng si Lourdes at sa tatlong bandido na gumahasa sa kanya ay
maituturing na suliranin laban sa tao at kapwa niya tao. Ang pagpapakita naman ng
damdamin ng pagkakasala o damdamin ng pagsisisi ng mga pangunahing tauhan sa
pelikula ay maituturing na tunggalian sa pagitan ng tao at kanyang sarili. Ang mga
aktibista laban sa sistema ng politika sa Administrasyon ng dating Pangulong Marcos
ay ang maituturing na tunggalian laban sa tao at Lipunan.

2. Paano tumugon sa suliranin ang bidang babae, bilang ang babae ay minamaliit
sa kanyang lipunan? Unang naramdaman ni Lourdes ang kanyang pagkakonseniya
nang piliin niyang samahan ang kapwa niya madre na si Remy sa isang pagtitipon
kasama ang mga aktibista. Nahati ang kanyang desisyon sa kanyang panata at sa
tungkulin niya sa bansa. Sa nangyaring panggagahasa kay Lourdes ay kinuwesyon
niya ang Panginoon hanggang sa katagalan ay tanggapin na niya ang bata na nasa
kanyang sinapupunan ng maalala ang isang ina sa pagtitipon na kinuhaan ng anak. Si
Remy naman ay naghangad ng katarungan para kay Lourdes, ninais niya na gawin ang
tama at wag matahimik sa nangyari na siyang tinutulan ng nakatataas na madre sa
kanilang kumbento dahil sa kahihiyan na maaaring kaharapin ng kanilang simbahan.

3. Paano kinaharap ang Batas Militar? Piniling manahimik ng ilan sa mga madre
subalit si Remy ay nagpatuloy sa pagdalo sa mga pagtitipon. Gusto niya na may iba
pang gawin kaysa sa magdasal na lamang para sa kanyang kapatid at mga tao na
naiipit sa kaguluhan noon. Sa paglabas niya sa kumbento ay napalibutan ang kanyang
paligid ng mga taong patuloy na lumalaban sa marahas na sistema ng politika noon.

4. Ano ang naging silbi ng espasyo na mayroon sa kumbento? Para sa akin,


naging isang ligtas na lugar ito para sa mga madre at nailayo sila nito sa marahas na
paligid. Ngunit sa kanilang pananatili doon ay nawalan sila ng kamalayan sa mga
nangyari sa bansa. Di-kalaunan, ang sinabing lugar na ligtas sa kapahamakan ay
napuno ng pagkasisi, kasalanan ng pananahimik at pagkukulang.

5. Ano ang naging kalagayan ng wika, kultura at politika sa panahon ng Batas


Militar? Naging limitado ang mga sulatin noong panahon ng Batas Militar. Hindi
malaya, tanging ang pabor sa Administrasyon ang pinahihintulutan na mailathala.
Naging palaban ang mga Pilipino noon at nagkaisa para mapatalsik ang dating
Pangulong Marcos. Naging marahas ang sistema ng Politika at ang mga tao na
sumalungat sa dating Pangulo ay naagrabyado.

You might also like