Ap

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Ang pagbubukas ng Suez Canal (THE OPENING OF SUEZ CANAL)

1. Ano ang Suez Canal? Ito ay isang daanang tubig sa Ehipto. Nagawa ito noong pang panahon ng Lumang Ehipto at
palagiang muling tinatayo. Isa sa muling nagpatayo si Ferdinand de Lesseps, isang Pranses at muling binuksan noong
1869. May haba itong 172 km na nagdurogtong sa Dagat Mediteranyo, Gulpo ng Suez, Dagat Pula at Karagatang Indyan.

2. Ang Pagbubukas ng Suez Canal Ang Suez Canal na nasa bansang Egypt ay artipisyal na daluyan ng tubig na
nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea. Dahil dito napadali ang paglalabas-masok ng mga mangangalakal at ang
sistema ng komunikasyon sa Pilipinas. Higit sa lahat napadali ang pagpasok sa bansa ng mga liberal na banyagang
kaisipan na nagpamulat sa maraming Pilipino sa kanilang karapatan.

3. Ang Pagbubukas ng Suez Canal Dahil sa pagbubukas ng Suez Canal, ang dating mahigit 2 buwan na byahe mula
pilipinas patungo ng Spain ay nagging 30 araw na lamang.

4. HISTORY: Original owner: Suez Canal Company (Compagnie Universelle du Canal Maritime de Suez) Construction
began: April 25, 1859 Date completed: November 17, 1869

5. Lokasyon ng Suez Canal Ang Suez Canal na nasa bansang Egypt ay artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa
Mediterranean Sea at Red Sea.

6. Ang Pagbubukas ng Suez Canal Ang pagbubukas ng "Suez Canal" noong 1869 ay lalo pang nagpabilis sa pagpasok sa
bansa ng mga kaisipang liberal tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapayapaan na ibinunga ng Prances at iba
pang himagsikan sa Europa at Amerika.

7. Ang Pagbubukas ng Suez Canal Nagresulta din ito ng madaling pagpasok ng mga babasahing aklat na nagsusulong sa
kaisipang liberal at rebolusyonaryo. Bagamat, ipinagbabawal ang pagbabasa nito, nagsimula namang mamulat ang ilan sa
mga Pilipino lalo na ang nasa panggitnang-uri sa mga kaisipang liberal na matagal nang lumalaganap sa Europa at sa iba
pang bansa sa dakong Kanluranin.

The Suez Canal (Arabic: ‫ قناة السويس‬qanāt as-suwēs) is an artificial sea-level waterway in Egypt, connecting
the Mediterranean Sea to the Red Sea through the Isthmus of Suez. Constructed by the Suez Canal
Company between 1859 and 1869, it was officially opened on November 17, 1869. The canal offers watercraft a
shorter journey between the North Atlantic and northern Indian Oceans via the Mediterranean and Red seas by
avoiding the South Atlantic and southern Indian oceans, in turn reducing the journey by approximately 7,000
kilometres (4,300 mi). It extends from the northern terminus of Port Said to the southern terminus of Port Tewfik at
the city of Suez. Its length is 193.30 km (120.11 mi), including its northern and southern access channels. In 2012,
17,225 vessels traversed the canal (47 per day).[1]
The original canal was a single-lane waterway with passing locations in the Ballah Bypass and the Great Bitter
Lake.[2] It contains no locks system, with seawater flowing freely through it. In general, the canal north of the Bitter
Lakes flows north in winter and south in summer. South of the lakes, the current changes with the tide at Suez.[3]
The canal is owned and maintained by the Suez Canal Authority[4] (SCA) of Egypt. Under the Convention of
Constantinople, it may be used "in time of war as in time of peace, by every vessel of commerce or of war, without
distinction of flag".[5]
In August 2014, construction was launched to expand and widen the Ballah Bypass for 35 km (22 mi) to speed the
canal's transit time. The expansion was planned to double the capacity of the Suez Canal from 49 to 97 ships a day.
[6]
At a cost of $8.4 billion, this project was funded with interest-bearing investment certificates issued exclusively to
Egyptian entities and individuals. The "New Suez Canal", as the expansion was dubbed, was opened with great
fanfare in a ceremony on 6 August 2015.[7]
On 24 February 2016, the Suez Canal Authority officially opened the new side channel. This side channel, located at
the northern side of the east extension of the Suez Canal, serves the East Terminal for berthing and unberthing
vessels from the terminal. As the East Container Terminal is located on the Canal itself, before the construction of
the new side channel it was not possible to berth or unberth vessels at the terminal while the convoy was running.
Ang Kilusang Sekularisasyon at Pilipinisasyon ng mga Parokya at ang
Pagkamartir ng Gomburza
KILUSANG SEKULARISASYON
KILUSANG PILIPINISASYON
Ito ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga paring sekular sa mga parokya.
Paring Sekular
Ang paring sekular ay ang tawag sa mga paring nagsanay sa seminaryo upang
mangasiwa sa mga parokya sa Pilipinas at sa ilalaim ng mga Obispo sila ay walang
kinabibilangang orden ng di katulad ng mga paring regular (Pransiskano, Dominikano at
iba pa)
Unang pinamunuan, nila Padre Pedro Pelaez at Padre Mariano Gomez
Layunin:
Upang maibalik ang simbahan sa mg aparing sekular
Itinuloy ni Padre Jose Burgos ang nasimulang pakikipaglaban ni Padre Pelaez.
Layunin:
Pagpapantay pantay ng mga lahi
Dito unang nagamit ang salitang “PILIPINO” sa halip na “INDIYO”.
Ang isyu ng sekularisasyson bilang pagtugon sa mga pagbabago noong ika-19 na siglo
Ito ay ang unang sistematikong kilusang inilunsad ng mga ilustrado para atakehin ang
paghahari ng mga Espanyol ang kilusang sekularisasyon sa hanay ng mga kleriko.
Sa pagbitay sa GOMBURZA, gumuho ang kilusang serkularisasyon.
PILIPINISASYON
Ito ang magandang pangyayari sa mga Pilipino kanilang bansa dito unti unting sinasalin
ang kapangyarihan ng mga dayuhan sa ating mga Pilipino
Ang kilusang pilipinisasyon ay naglalayong paalisin ang mga dayuhang mananakop sa
pamamahala ng ating bansa.
Ito ay nagkaroon ng magandang epekto sa ating bansa, dating nagkaroon tayo ng
sariliing gobyerno, simbahan at lipunan na pinamumunuan ng mga Pilipino.
February 17, 1872, ito ang petsang gumising at lalong nagpa-alab ng damdamin ng
bawat Pilipino.
Ito ay nang bitayin ang tatlong Pilipinong paring martir na kilala sa tawag na
“GOMBURZA”
Ang "GOMBURZA" ay ang pinagsama samang piling bahagi ng pangalan ng tatlong
martir na paring Pilipino na sina Mariano Gomez, Jose Apoloni Burgos at Jacinto Zamora.
Nag Dulot ng Malaking dagok sa mga Espanyol ang Pagkamatay Ng GomBurZa
Ito ay Naganap sa Pamumuno ni gobernador heneral Rafael De Insquirdo
Sa pagtibay sa GOMBURZA, gumuho ang kilusang sekularisasyon. Subalit, sa kabila nito,
nag-apoy ang damdaming makabayan ng isang bagong grupo ng mga Pilipinong
namgmamahal din sa Inang Bayan.
GOMBURZA
Padre Mariano Gomez
Kilala siya sa pagiging aktibo sa mga gawaing pangkomunidad
Ipinaglaban din niya ang karapatan ng mga kapwa niyang paring Pilipino laban sa
sekularisasyon ng mga prayleng Kastila.
Itinatag niya ang pahayagang La Verdad kung saan dito niya inilahad ang mga
ginagawang pang-aabuso ng mga prayle.
Dahil sa kanyang pambabatikos sa mga ginagawa ng mga prayle, itinuring siya ng
pamahalaang Kastila na isang filibustero.
Padre Jose Burgos
Kilala siya sa kanyang pagtatanggol sa mga karapatan ng mga paring Pilipino matapos
siyang tumutol sa panukalang sapilitang pagpapaalis sa mga paring Pilipino na
naglilingkod bilang kura-paroko at papalitin ng mga paring Heswita mula sa Espanya.
Isinulat niya ang Manifesto na nalathala sa pahayagang La Verdad kung saan inilahad
niya kung bakit dapat manatili pa rin sa mga paring Pilipino ang pamamahala sa mga
parokya.
Tinagurian siyang “Kampeon para sa mga Karapatan ng mga Pilipinong Pari”
Padre Jacinto Zamora
Nakilala niya si Padre Gomez na naghikayat sa kanya na sumali sa Comite Reformado na
itinatag ni padre Gomez. Layon nitong ipaglaban ang karapatan ng mga paring Pilipino
laban sa pang-aabuso ng mga prayleng Kastila.
EPEKTO NG PAGTIBAY SA GOMBURZA
Nag Dulot ng Malaking dagok sa mga Espanyol ang Pagkamatay Ng GomBurZa
Ito ay Naganap sa Pamumuno ni gobernador heneral Rafael De Insquirdo
Ipinapatay niya Ang GomBurZa Sa Kadahilanang Sila "daw" ay ang pasimuno ng
malawakng pag-aalsa sa Cavite..

Pagbubukas ng Maynila sa Kalakalang Pandaigdig D ahil sa impluwensya ng mga -mga ekonomistang


teoretisyan ng Europa na ang pag-asa ng mga bansang merkantil na nais naniwalang nasa mga produktong
agrikultural magtagumpay sa pandaigdigang komersiyo… Kung kaya itinaguyod ng mga Espanyol ang
makabagong panahon ng pagsulong ng ekonomiya. -Binuksan ang Maynila sa kalakalang pandaigdigan sa pag-
aakala ng mga Espanyol na aangat ang siyudad bilang sentro ng direktang kalakalan, bababa ang presyo ng mga
bilihin sa Espanya, maaagapan ang malubhang paglabas ng pera at sa gayon ay maging matatag ang batayan ng
kalakalan ng industriya ng telang Espanya. MAIN IDEA: Maaalala natin na tanging ang kalakalang galyon
lamang na monopolyo ng pamahalaan ang umiral sa Pilipinas, subalit dahil sa mas malakas na hatak ng
pandaigdigang komersiyo bunga ng lumalagong kapitalismo sa Europa, napilitan din ang Espanya na buksan
ang Pilipinas sa mga pribadong korporasyong dayuhan. >>>Paano ba unti-unting nakilala ang Pilipinas bilang
isang kolonya? (Refer to Balik-Tanaw) Kasabay ng pagbubukas na ito ang pagpapalaganap ng agrikulturang
pang-komersiyo para sa pamilihang pandaigdigan. Nakakapag-angkat na ang mga Ingles at Amerikano ng
asukal galing sa Bisaya, abaka galing sa Bikol, tabako galing sa Ilocos, bulak, rekados o pangtimpla ng pagkain
at seda mula sa Maynila sa pamamagitan ng kalakalang galyon patungo sa mga pamilihan ng London at New
York. -Dahil dito, yumabong ang Maynila bilang sentro ng kalakalan, ngunit nanatili namang huli sa pagsulong
ang karamihan ng mga rehiyon at mga isla sa Pilipinas. 2nd MAIN IDEA: Ito ang naging dahilan sa paningin ng
karamihan at higit sa lahat ng mga taga-lalawigan na ang Maynila lamang ang higit na maunlad at may
masaganang buhay. Palaging atrasado ang mga kagamitan sa produksyon kaya ‘di naging tanyag sa ibang
bansa ang mga produktong galing sa Pilipinas. Naging hakbang ng mga Espanyol sa kolonya na magtrabaho sa
mga asyeda para tumaas ang produksyon ng mga produkto mula dito. Nagkaroon ng mga kalakalan sa mga
pueblo. Naglitawan ang mga tiangue. Ang Divisoria,Manila Pinasimulan ni Gob. Hen. Jose Basco Y Vargas ang
pagsasakatuparan ng kaisipan ng mga physiocrat sa Pilipinas noong 1780. Inilunsad niya ang MGA REPORMA
SA EKONOMIYA: produktong pangkomersiyo, (1)pagpapatanim ng mga (2)pagtatatag ng monopolyo sa
tabako… sa pangunguna ng Real Compania de Pilipinas at Sociedad Economico de los Ami-gos del Pais
(Economic Society of Friends of the Country) noong 1781. …(3) pagbubukas ng Maynila sa pandaigdi- gang
kalakalan ng mga pribadong korpora- syon, -MONOCROPPING Ex. Pueblo- paminta at tabako-(1780); indigo,
asukal, kape at sili-(1790-1820) Lupaing realengas-cinnamon at mulberry- (1780)Â -Tobacco was the most
organized and most successful monopoly(sa paglikom ng perang pampuno sa kakulangang pinansyal ng
pamahalaan). KOMERSIYALISASYON NG AGRIKULTURA - Ang monopolyong ito ang dahilan kung kaya
‘di naglaon, nakilala ang Maynila bilang pinakamalaking daungan at pamilihan ng asukal sa buong Asya. -
Nadikit na rin ang Pilipinas sa kalakalang pandaigdig at teknolohiya sa pagtatanim. - Monopolyo ng Asukal
(1788- 1 ton; 1796- 4500 tons) 1.) Dumadaong sa Maynila ang mga mangangalakal na Ingles, Swedish,
Amerikano, Tsino(na lalong dumarami), Malayo, Danish atbp. 2.) Mga Bahay-daungan ng mga dayuhang
mangangalakal 3.) Pagpasok ng makabagong kagamitan at teknolohiya(mga makina) sa agrikultura 4.) Mga
pag-eeksperimento sa agrikultura PAGSANDIG SA KALAKALANG PANDAIGDIGAN at PAGPASOK NG
MGA PRIBADONG KORPORASYON NG EUROPA >>>Bunga ng pagpasok ng Maynila sa kalakalang
pandaigdig, NAGING LIBERAL ang pag-iisip ng mga tao na naging sanhi para sa pagkakaroon ng mga
Rebolusyon..

Pagbubukas ng Maynila sa Pandaigdigang Kalakalan


Iniluwas ng Pilipinas ang asukal,niyog,tabako,abaka, at iba pang producto sa pandaigdigang
pamilihan. Dumagsa sa Pilipinas ang mga kanluraning mangangalakal tulad ng English at
Amerikano. Dala nila ang kaisipang liberal sa Europe.
May Pilipinong yumanan dahil sa pagtatanim at pakikipagkalakalan Sila ang bumuo ng gitnang
uri na umusbong noong huling bahagi ng ika-19 na siglo.
Ang mga kasapi ng gitnang uring ito ang nakapag-aral sa Europe at tinawag na ilustrado o
''naliwanagan''. Sa Hanay nila nagmula sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at iba pang mga
Pilipino na nagsulong ng reporma o pagbabago.
Noong 1834, nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan. Nang mga sumunod na taon,
nagbukas pa ang ibang mga daungan sa Pilipinas. Ang pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigan
kalakalan ay nangahulugan ng pag unlad ng ekonomiya.

PAGLAKAS NG MGA BOURGEOISIE


2. Panuto:Ayusin ang mga letra upang mabuo ang pinahuhulaan mula gabay na katanungan. L-A-L-A-N-G-G-A-M-A-K-A-N
Sila ay nabibilang sa panggitnang- uri ng lipunan Sila ay may hawak ng mga negosyo Nagnais sila na tumaas ang kanilang
kalagayan sa lipunan kapantay ng mga maharlika at hindi ng mga manggagawa at nagbubukid
3. SAGOT
4. Chinese Filipino entrepreneur and founder of SM Group. f Founder of Jollibee in 1978 Negosyante
5. Ano ang bourgeoisie o burgis?
6. Ang salitang bourgeoisie ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa mga bayan sa Europa noong gitnang panahon
7. Panggitnang-uring pangkat sa lipunan Binubuo ng mangangalakal, at artisano Bagaman may salapi hindi nabibilang sa
mga lipi ng maharlika
8. Ang daigdig nila ay hindi sa manor o simbahan kundi sa pamilihan Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa
kundi sa industriya at kalakalan Hindi sila nakadepende sa sistemang piyudal
9. Nakilala sa France ang mga bourgeoisie noong panahon ni King Loius XIV
10. Dalawang pangkat ng Bourgeoisie sa Europe 1.Pangkat ng mangangalakal at artisano. 2. Pangkat ng propesyonal
11. Mangangalakal at Banker
12. GINAMPANAN NG MGA BOURGEOISIE SA PAGLAKAS NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE
13. 16 siglo 19-siglo17-siglo 18-siglo TIMELINE
14. YAMAN AT IMPLUWENSIYA NG MGA BOURGEOSIE
15. A. PAMAHALAAN Impluwensiya ng mga Bourgeoisie
16. B. PAGGAWA AT PAGPAPATUPAD NG PATAKARAN
17. Mga Nobelista at Manunulat a.Jean Jacques Rousseau b.Voltaire c.Denis Dedirot K. KULTURA Ginamit nila ang
kanilang propesyon at panulat upang makagawa ng reporma sa pamahalaan at namuno sa teknikal at pagbabagong
pampulitika.
18. Itinuring silang kapakipakinabang hindi lamang sa aspeto ng kabuhayan, kundi maging sa pangangailangan din ng
mga hari. Ang mga bourgeosie ay nagtustos ng mga pondong kakailanganin ng mga hari para sa isasagawang digmaan.
Sila ang nasa likod ng mga pagbabago sa bayan.
19. Credits: Pictures from google Prepared by: DIANA ROSE Q. SOQUILA
20. ANU-ANO ANG LIMITASYON NG KANILANG KAPANGYARIHAN?
21. MGA LIMITASYON SA MGA BOURGEOISIE
22. Bagamat mayroon silang kayamanan at edukasyon, tinutulan ng mga maharlika na mapasama sila sa unang-uri. Hindi
sila maaring maging mataas na pinuno ng pamahalaan ,militar at simbahan. Ngunit sa Russia at Poland hindi yumaman
ang bourgeoisie sapagkat kulang sila ng kapital.
23. Nanatiling agraryo o pagsasaka ang pamumuhay at napanatili ang kapangyarihan ng mga maharlika Kulang sa
impluwensya kaagapay ng pagiging maharlika
24. PAGBABAGONG ISINULONG NG MGA BOURGEOSIE
25. Binigyan sila ng hari ng posisyon sa pamahalaan bilang katumbas ng kanilang boto at representasyon sa konseho
dahil sa kanilang pagpapautang at pagtulong sa pag-unlad ng kaharian.
26. Ipinilit ng mga bourgeosie na mapabilang sa unang estado na kinabibilangan ng mga mayayaman at mga maharlika o
noble. Binigyang pansin ng bourgeoisie ang kaisipang pagkakapantay- pantay at kalayaan na taliwas sa kaisipang
awtokratiko ng mga maharlika.
27. 1.Isang bagong uri ng mga mamamayan na bumubuo ng panggitnang pangkat sa lipunan. A. Maharlika C. Alipin B.
Bourgeoisie D. Clergy 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng mga panggitnang pangkat? A. May-ari
ng mga bangko B. Mga negosyante C. Mga susunod na hari o pinuno D. Mga propesyonal
28. 3. Ito ay ang tinatawag na unibersal na karapatan kagaya ng karapatang mabuhay at mabuhay ng may kalayaan? a.
Banal na karapatan b. Likas na karapatan c. Prinsipyong konstitusyonalidad d. Wala sa nabanggit 4. Nakilala sa bansang
ito ang mga bourgeoisie noong panahon ni King Louis XIV. a. Netherland c. France b. Great Britain d. Spain
29. 5. Ayon sa paniniwalang ito dapat magkaroon ng kalayaan ang indibidwal sa larangan ng pag-iisip at lagyan ng
limitasyon ang kapangyarihan ng pamahalaan? a. Liberalismo c. Manoryalismo b. Pyudalismo d. Wala sa nabanggit
30. A. Basahin ang pag-iral ng merkantilismo at bullionism sa pp. 211-212 ng batayang aklat. B. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong: •Paano nakaapekto ang sistemang merkantilismo sa kaunlaran ng mga nation-state? •Ipaliwanag
ang doktrinang bullionism? Ano ang kaugnayan nito sa teorya ng merkantilismo? TAKDANG-ARALIN
31. Ang puwersa ng mga bourgeoisie ang nagtulak upang bigyang wakas ang pyudalismo. PYUDALISMO-isang sistema ng
pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga
nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-lupa.
32. Sinuportahan ng gitnang- uri ang prinsipyo ng likas na karapatan at prinsipyong konstitusyonalidad laban sa banal na
karapatan. Malaki ang impluwensya nila sa kultura
33. Naging makapangyarihan at masalapi ang mga bourgeoisie sa panahong ito, lalo sa buong kanlurang Europe. Umasa
sa kanilang suportang pinasyal ang ministro ng pamahalaan.
34. Nagkamit sila ng mga karapatang politikal,panrelihiyon at sibil sa pamamagitan ng liberalismo. Liberalismo-ayon sa
paniniwalang ito dapat magkaroon ng kalayaan ang indibidwal sa larangan ng pag-iisip at lagyan ng limitasyon ang
kapangyarihan ng pamahalaan at relihiyon.
35. PROPESYONAL

Katipunan
Isang bahagi ng pinta Carlos "Botong" Francisco na nagpapakita ng saduguan ng mga kasapi ng Katipunan

Ang Kataastaasang, Kagalanggalang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, ay isang lihim na samahan
na itinatag noong Hulyo 7,1892 upang itaguyod ang kaisipang maka-bayan at rebolusyonaryo sa mga Pilipino. Layunin ng
samahan na sugpuin ang patuloy na pagmamalabis at di makataong pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas tungo sa
pagkakamit ng kasarinlan ng bansa.

Pagkakatatag ng Samahan

Noong 3 Hulyo 1892, sa pagdating ni Jose Rizal sa Pilipinas matapos ang kanyang paglalakbay sa Europa, kanyang itinatag
ang La Liga Filipina – isang samahang nangangalap ng tulong at suporta mula sa mayayaman at may pinag-aralan, o Ilustrado.
Sa likod ng patuloy na pagsuporta nina Domingo Franco at Andres Bonifacio, hindi nagtagal at nabuwag din ang samahan.
Nahati ito sa dalawang pangkat – ang Cuerpo de Compromisarios at Katipunan.

Kasabay ng balitang pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan noong 7 Hulyo 1892 ang pagtatatag ng Katipunan. Sina Andres
Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, at Deodato Arellano, kasama ang ilang kasapi ng La Liga Filipina, ay
nagtipon sa 314 Calle Azcarraga (na ngayon ay Daanang Claro M. Recto), malapit sa Calle Elcaño sa Tondo, Maynila. Sa
munting tahanan dito ay kanilang binuo ang Katipunan. Itinataguyod ng samahan ang paggamit ng dahas at madugong
rebolusyon, sa halip na mapayapang repormasyon na adhikain ng La Liga Filipina, upang makamit ang tunay na kalayaan. Batid
ng mga Katipunero ang naiibang pananaw ni Jose Rizal sa usaping kalayaan. Ngunit sa kabila nito, kinilala nila si Rizal na
pangulong pandangal (o honorary president) ng samahan.

Adhikain at Paniniwala

Umiikot ang adhikain ng Katipunan sa konseptong “pamilya” at pagnanais na magkaroon ng isang patas na lipunan. Bilang
Supremo ng Katipunan, pangarap ni Bonifacio ang makapagtatag ng isang bansang kikilalaning “Inang Bayan” na pamumunuan
ng isang pamahalaan na tatawaging “Haring Bayang Katagalugan.” Ito ay kanyang ibinalangkas sa lipunang matriyarkal ng
sinaunang Pilipinas, kabaligtaran ng sistemang ipinakikilala ng mga Espanyol. Hangad ng mga Katipunero ang tuluyang
pagkawala ng Pilipinas sa burukrasyang Espanyol at pagtatatag ng estado na pamumunuan ng mga katutubo. Naniniwala din
sila na ito'y makakamit lamang sa pamamagitan ng isang madugong himagsikan.

Ang Kartilya
Si Bonifacio ang unang nagbalangkas ng kautusan ng Katipunan na tinawag niyang “Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng
Bayan” o “Dekalogo.” Kasabay nito, si Emilio Jacinto, na kanyang tagapayo, ay lumikha rin ng sarili nitong listahan ng alituntunin
na tinawag na Kartilya (hango sa salitang Espanyol na “cartilla” na nangangahulugang paunang pangaral sa mga mag-aaral sa
elementarya). Ang Kartilya ang naging opisyal na talaan ng alituntunin ng Katipunan, at nilalaman nito ang mga sumusunod [1]:

1. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim, kundi damong
makamandag.

2. Ang gawang magaling na nagbuhat sa paghahambog o pagpipita sa sarili, at hindi talagang nasang gumawa ng
kagalingan, ay di kabaitan.

3. Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't
pangungusap sa talagang Katuwiran.

4. Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigtan sa dunong, sa
yaman, sa ganda...; ngunit di mahihigtan sa pagkatao.

5. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang
pagpipita sa sarili kaysa sa puri.

6. Sa taong may hiya, salita'y panunumba.

7. Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan ay di
na muli pang magdadaan.

8. Ipagtanggol mo ang inaapi; kabakahin ang umaapi.

9. Ang mga taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin; matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.
10. Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama,
ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.

11. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga
kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang kahinaan, at alalahanin ang inang
pinagbuharan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.

12. Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.
Pagsapi

Orihinal na larawan ng sistemang triyanggulo ng Katipunan.

Hindi madali ang maging kasapi ng samahang Katipunan. Di gaya ng ibang organisasyon,
ang sinumang magnais na mapabilang sa samahan ay kinakailangang dumaan sa masusing
pagkilatis, masinsinang pagtatanong at matinding pagsubok. Ang mga nagtatangkang
sumapi sa Katipunan ay yaong mga kakilala na ng mga dati nang kasapi nito. Gamit ang
sistemang tatsulok, mapapanatiling lihim ang samahan.

Naging masigasig ang mga Katipunero sa paghihikayat ng mga bagong miyembro, lalo na bago sumiklab ang rebolusyon.
Kasabay nito, dumami rin ang mga tanggapan ng Katipunan sa Pilipinas, at umabot sa 30,000 hanggang 40,000 ang kasapi ng
samahan.

Ang nagnanais na sumali sa Katipunan ay nakapiring na dinadala sa isang lihim at madilim na silid. Makapasok sa silid ay
tatanggalin ang kanilang pagkakapiring at doon ay ipababasa sa kanila ang mga katagang makikita nila sa pader ng silid.

Bago mapabilang sa samahan ang sinuman, ilang katanungan muna ang kailangan nilang masagot na dapat ay naaayon sa
nais marinig ng mga Katipunero:

 Tanong 1: Ano ang kalagayan ng bansa noong sinaunang panahon?

 Sagot 1: Bago dumating ang mga Espanyol, matiwasay ang pamumuhay ng mga mamamayan, maayos ang
kalakalan at may sapat na yaman at ari-arian na tangan ang bawat isa.

 Tanong 2: Ano naman ang kalagayan nito ngayon?

 Sagot 2: (Kailangang isagot dito ang di mabilang na pang-aabuso at di makatarungang pamamahala ng mga
Espanyol sa Pilipinas.)

 Tanong 3: Ano ang magiging kalagayan nito sa hinaharap?

 Sagot 3: (Kailangang isagot dito na isang maliwanag na kinabukasan ang naghihintay sa mamamayan kung
sila'y magsasasama-sama at magtutulungan upang tuldukan na ang kasamaan ng Espanya.)
Gaya ng masoneriya, binubuo rin ng tatlong antas ang kasapian ng Katipunan. Bawat isa ay may sariling pananamit at banal na
salita.

1. Katipun ay ang unang baitang ng pagkakasapi. Sa antas na ito,suot ng Katipunero ang isang itim na telang pandong
na may mga titik Z, Ll at B na nangangahulugang Anak ng Bayan, ang banal na salita sa nabanggit na antas.

2. Kawal ay ang ikalawang antas ng pagkakasapi. Isang luntiang pandong naman na mayroong puting tatsulok ang suot
ng mga Katipunero. Nakatali sa kanilang leeg ang isang luntiang laso na may palawit na medalyong mayroong
titik K. Gomburza naman ang kanilang gamit na banal na salita.

3. Bayani ay ang pinakamataas na antas ng pagkakasapi. Suot naman nila ang pulang pandong na napalilibutan ng
luntian. Ang kanilang banal na salita ay Rizal.

Maliban sa mga banal na salita, ang bawat kasapi ng Katipunan ay may sariling kontrasenyas na ginagamit upang ipaalam ang
pagkakakilanlan nila sa kapwa Katipunero. Sa ganitong paraan, mapapanatili ring lihim ang samahan.

Organisasyong Pampolitika
Matapos ang pagkakatatag ng Katipunan, isang konseho naman ang kanilang binuo at tinawag nila itong Kataastaasang
Sanggunian. Ang mga opisyales nito ay demokratikong inihahalal ng mga kasapi, at ang sino mang may malinis na hangarin ay
maaaring mapabilang sa konseho. Ang unang hanay ng mga pinuno ay binubuo nina:

Posisyon Pangalan

Supremo Deodato Arellano

Comptroller Andres Bonifacio

Piskal Ladislao Diwa

Kalihim Teodoro Plata

Ingat-Yaman Valentin Diaz

Makailang ulit ding nagpalit ng konseho ang Katipunan. At nang sumiklab na ang rebolusyon, ang Kataastaasang Sanggunian
ay binubuo ng mga sumusunod:

Posisyon Pangalan

Supremo Andres Bonifacio


Kalihim ng Estado Emilio Jacinto

Kalihim ng Pakikidigma Teodoro Plata

Kalihim ng Tanggulan Briccio Pantas

Kalihim Panloob Aguedo del Rosario

Kalihim ng Pananalapi Enrique Pacheco

Kasabay ng paglaki ng samahan ay ang pagtatayo ng mga lokal na sangay nito sa iba't ibang lalawigan. Ang mga lalawigan na
ito ay may sarili ring konseho na tinatawag na Sangguniang Bayan na sumasakop sa mga Sangguniang Barangay. May binuo
rin ang Katipunan na Sangguniang Hukuman na isang lihim na tanggapan na nagsisilbing korte ng samahan.

Noong 1 Hunyo 1896, isang pahayagan ang inilabas ng samahan, ang Kalayaan. Sa kasawiangpalad, dalawang ulit lamang
itong lumabas at ang huli ay nasamsam pa ng mga Espanyol.’

Mga Hamon sa Katipunan


Si Rizal at ang Katipunan
May mataas na pagtingin ang mga Katipunero sa talino at kakahayan ng dakilang si Jose Rizal at sa katunayan pa nga ay
kinilala siyang pangulong pandangal ng samahan.

Bago ang paghihimagsik ni Bonifacio at ng Katipunan, pinadala niya bilang delegado o emisaryo sa Dapitan si Dr. Pio
Valenzuela upang kuhanin ang suporta ni Rizal. Sa kanilang pag-uusap, di sumang-ayon si Rizal sa nais ng Katipunan na
simulan ang laban sa mga Espanyol sa paniniwalang di pa lubusang “hinog” ang samahan – masyado pang bata ito at marami
pang kinakailangang iwasto dito. Ayon din kay Rizal, kinakailangang kunin ng mga Katipunero ang suporta ng mga mayayaman
at mga ilustrado upang matiyak ang tagumpay ng hangad nilang kalayaan. Maliban sa hindi pa handa ang Katipunan,
kapus/salat din sa makinarya ang samahan.

Pinagsabihan din ni Rizal si Valenzuela na hingin ang tulong at serbisyo ni Antonio Luna at gawin itong tagapamagitan sa mga
mayayaman. Makailang ulit ding hiningi ng mga Katipunero ang suporta ng mayayaman at intelektwal, kabilang na dito ang
isang nagngangalang Francisco Roxas, ngunit lahat nang ito'y nauwi lamang sa wala. Dito nila napagtanto na ang himagsikan,
maging ang kilusan, ay pawang binubuo lamang ng masa, at wala ng iba.

Pagkakatuklas sa Katipunan

Noong Agosto 19, 1896 nang matuklasan ng pamahalaan ang samahang Katipunan. Isang opisyal ng Pasig, si
Tenyente Manuel Sityar, ang nagpadala ng liham sa Gobernador Sibil ng Maynila upang ipaalam na isang lihim na samahan
ang tahimik na binubuo sa kabisera, at umabot na maging sa mga kalapit nitong sakop – sa Mandaluyong at San Juan. Ayon sa
tenyente, ang samahan ay nangangalap ng mga kasapi at pinapapirma sa isang kasunduan gamit ang sarili nilang mga dugo.
Buhay naman ang kapalit sa sinumang mababalitaang nagsiwalat sa lihim ng samahan. Kasabay ng paglaki ng samahan ay
ang paglaki rin ng laang-salapi o pondo nito na buhat sa 25 sentimos na ambag ng bawat kasapi. Ang salaping nakakalap ay
ginagamit upang matustusan ng armas ang San Juan del Monte, Mandaluyong, San Felipe Neri (na ngayon ay bahagi na
ng Mandaluyong) at Pasig. Batay sa salaysay ni Sityar, ang samahan ay pulitikal at buong-tapang na nagsisiwalat ng mga
kamalian ng pamahalaang Espanya, lalo na sa usaping buwis. Higit namang ikinabahala ng mga Espanyol ang kakayahan ng
samahan na hikayatin ang mga mamamayan na makilahok sa isang aklasan laban sa Espanya.

Isang buwan ang nakalipas nang isang liham naman mula kay Padre Agustino Fernandez ng San Pedro, Makati ang nakarating
sa Gobernador Sibil ng Maynila. Ipinabatid ng prayle sa huli na sumapit na ang tamang panahon upang bigyan ng aral ang mga
Pilipinong tumataliwas sa kanila, at ang tanging paraan lamang ay ang isang madugong labanan.

Ang mga paratang na ito ay higit na napatotohanan ni Teodoro Patiño nang ang kapatid niyang babae ay ikumpisal ang balak ng
Katipunan kay Padre Mariano Gil. Walang sinayang na panahon si Padre Gil at agaran niyang tinungo ang punong tanggapan
ng El Diario de Manila na katatagpuan ng palimbagan ng Katipunan. Dito ay nakalap din ang ilang resibo na siyang gagamiting
ebidensya laban sa samahan.

Sigaw sa Balintawak
Ilang araw matapos ang pagkatuklas sa samahan ay nagtipon ang mga Katipunero sa Balintawak (na ngayon ay sakop
ng Lungsod Quezon). Isang pangkalahatang kapulungan ang ipinatawag ni Andres Bonifacio sa Kangkong, Lungsod
Kalookan at doon ay pinag-usapan nila kung ano ang nararapat nilang gawin. Matapos ang isang mahaba ngunit makabuluhang
diskusyon, sumang-ayon na ang lahat sa balakin nina Bonifacio at Jacinto. Upang ipakita ang tuluyan nilang pagtiwalag sa
kapangyarihan ng Espanya ay sabay-sabay na pinunit ng mga Katipunero ang mga tangan nilang sedula, at dito'y
napagkasunduan na ang unang yugto ng kanilang pakikipaglaban sa Espanya ay magaganap sa 29 Agosto 1896.

Sa pamumuno nina Bonifacio at Jacinto ay pinangunahan ng Katipunan ang pakikipaglaban sa mga Espanyol sa San Juan del
Monte (malapit sa Marikina) noong 30 Agosto. Kaugnay nito ay idineklara ni Gobernador Heneral Ramon Blanco na
mapanganib at magulo ang Maynila, kasama ang mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva
Ecija, Tarlac, Laguna, Cavite, Batangas, Bataan at Zambales. Kinabukasan ay isang pag-aalsa naman ang isinagawa ni Sancho
Valenzuela sa Sta. Mesa at kumalat ito sa mga karatig bayan – sa Pandacan, Pasig, Pateros, Taguig, San
Pedro, Makati, Kalookan, Balik-Balik, San Juan del Monte sa Maynila, San Francisco de Malabon, Kawit, at Noveleta sa Cavite.
Upang maiwasan ang patuloy na paglawak ng pag-aaklas, mahigpit na binantayan ng mga guwardiya sibil ang mga lagusan ng
mga nabanggit na lalawigan.

Dahil salat sa makinarya at pondo ang Katipunan, mga bolo, tabak at sibat lamang ang sandatang hawak nila sa pakikipaglaban
– mga kagamitang kalimitang pantabas ng damo sa mga kabukiran. Di lumaon ay nagkaroon na rin sila ng mga modernong
sandata na kanilang nakalap mula sa mga Espanyol bunsod ng pagkakapanalo nila sa mga kalat na pakikipaglaban.

Noong 28 Oktubre 1896 ay tuluyan nang nagapi ng mga Espanyol ang mga rebolusyonaryo at 500 sa kanila ay ikinulong sa
Maynila. Sa likod nito'y patuloy pa rin ang pakikipaglaban at kagila-gilalas ang ipinakitang kagitingan ng mga rebolusyonaryo
sa Cavite sapagkat dito'y matagumpay nilang napasok ang mga himpilan ng Espanya sa Noveleta, San Francisco de
Malabon, Naik, Magallanes, Alfonso at Imus.

Lapian sa Katipunan
Saksi ang Cavite sa tunggalian nina Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio sa kapangyarihan. Sa lalawigang ito nabuo ang
dalawang konseho o lapian ng Katipunan – ang Magdiwang at Magdalo.

Kabilang sa lapiang Magdiwang ang magkapatid na Mariano at Pascual Alvarez, Emiliano Riego de Dios, Mariano Trias, Ariston
Villanueva at marami pang iba. Ang unang tanggapan nito ay matatagpuan sa Noveleta, at di nagtagal ay inilipat sa San
Francisco Malabon. Sakop nito ang mga bayan ng Rosario, Sta. Cruz de Malabon, Naic, Ternate, Maragondon,
Magallanes, Bailen, Indang at Alfonso, maging ang bayan ng Nasugbu sa Batangas.

Pinamumununan naman nina Baldomero at Emilio Aguinaldo, kasama sina Candido Tirona, Edilberto Evangelista, at Cayetano
Topacio, ang lapiang Magdalo. Ang unang punong tagpuan nila ay sa Kawit at nang lumaon ay sa Imus. Umabot ang kanilang
sinasakupan sa mga bayan ng Bacoor, Dasmariñas, Silang, Mendez at Amadeo, hanggang sa Talisay sa Batangas.

Idinepensa naman ni Aguinaldo, noong 31 Oktubre 1896, sa pamamagitan ng isang manipesto na ang adhikain ng rebolusyong
hangad niya ay kalayaan. Isinuhestiyon niyang magtayo ng isang pamahaalang rebolusyonaryo na bubuuin ng isang central
revolutionary committee na may anim na kasapi, isang municipal committee at mga delegado na kakatawan sa municipal
committees.

Habang inilalatag ni Aguinaldo ang kanyang mga balakin ay nasa kabundukan naman ng Malabon (ngayon ay lalawigan ng
Rizal) si Bonifacio kung kaya't ang huli'y walang kamalay-malay dito at nalaman na lamang niya ito sa pamamagitan ni Edilberto
Evangelista. Ayon sa Supremo ng Katipunan, hindi na kinakailangang bumuo ng gayong uri ng pamahalaan sapagkat sapat na
ang kung anong mayroon na ang Katipunan (may pamahalaang sentral, sariling Konstitusyon at tiyak na layunin). Upang
wakasan na ang di pagkakaunawaang ito, ipinatawag si Bonifacio sa Cavite. Ngunit sa kasawiang palad, wala siyang nagawa
upang ayusin ang suliranin, bagkos, isang kumbensyon (convention) ang naganap upang ihalal ang mga bagong pinuno ng
Pamahalaang Rebolusyonaryo.

Kapulungan sa Tejeros

Sa pagnanais na makabuo ng isang pamahalaang rebolusyonaryo, pinamunuan ni Jacinto Lumbreras, kasama ang iba pang
rebolusyonaryo, ang isang pagpupulong sa hacienda ng isang prayle sa Tejeros (kasalukuyang Gen. Trias) sa Cavite. Sa
umpisa, ang layunin ng pagpupulong ay tapusin na ang lumalalang hidwaan sa pagitan ng lapiang Magdalo at Magdiwang, at
upang pag-usapan kung paano idedepensa ang Cavite. Sa halip, ang dapat sana'y pagpupulong ay nauwi sa halalan ng mga
mamumuno sa rebolusyon. Ang resulta ng eleksyon ay ang sumusunod:

Posisyon Pangalan

Pangulo Emilio Aguinaldo

Pangalawang Pangulo Mariano Trias

Kapitan-Heneral Artemio Ricarte

Direktor ng Digmaan Emiliano Riego de Dios


Direktor Panloob Andres Bonifacio

Mapapansing si Aguinaldo ang siyang nagwagi sa halalan, ngunit tandaan na ang asembleya ay binubuo karamihan ng
mga Kabitenyo, at pawang nasa panig ng Heneral. Hindi man nagtagumpay si Bonifacio sa pagka-pangulo, nahalal naman
siyang Direktor Panloob, ngunit marami pa rin ang nanatiling may agam-agam sa kakayahan ng Supremo ng Katipunan. Puno
ng hinanakit na nilisan ni Bonifacio ang pagpupulong at ipinawalang-bisa ang naganap na halalan. Dito nagsimula ang
tunggalian sa pagitan nina Bonifacio at Aguinaldo, gayon din ang unti-unting pagbagsak ng samahang “Katipunan.”

You might also like