Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SEVEN SUNDAYS

Brian: Halika nga.

Sumunod si Dex kay Brian

Brian: The head of our legal department just called. Yung anak ng boss ko, naloko mo daw. He wants to sue you. Is this
true? Hay! Dex… Dex, you stole money from these people. That’s a crime, you now? At sa lahat ng taong lolokohin mo
yung anak pa ng boss ko?

Dex: Kuya, hindi ako nagnakaw. Naloko lang rin ako.

Brian: E, bakit ka nagtatago?

Dex: E, syempre hinahanap nila ako.

Brian: Malamang! What do you expect?

Dex: E, ba’t ako sinisingil nila? Kuya, promoter lang ako, hindi ako yung producer.

Brian: And hindi mo ba inalam kung legit man lang yung letseng event na yan

Dex: Hindi ko naman alam na isasabit nila yung event, e.

Brian: Well, your ignorance doesn’t make you a victim. It just makes you stupid.

Dex: Okay. Sige, tanga ako.

Brian: And irresponsible. Dahil magmula noon ganyan ka na talaga. Iresponsable!

Dex: Heto na naman po kami. ‘Wag ka mag alala, Kuya Bry, babayaran ko yung utang ko sayo. Hindi ko makakalimutan
yun, e.

Brian: Hoy!

Tatay: Ano ba yan?!

Dex: Wala pa nga bilang ka nang bilang, e.

Brian: Hindi ito tungkol do’n sa perang yon.

Dex: E, ano?

Brian: Tungkol sa pagiging iresponsable mo dahil ang dami mong sinayang, di ba? Ano, yung thesis mo, sinayang mo. E,
‘di sana nakagraduate ka. E, ‘di sana nakapaghanap ka ng magandang trabaho. Pero anong ginawa mo? Sinong pinili mo?
Ano? Babae?

Dex: Hindi lang s’ya basta babae, pamilya ko s’ya.

Brian: Anong tawag mo sa’min? Hindi ba kami pamilya?

Dex: Anong sinasabi mong pamilya? E, iniwan n’yo ko, e. Mula nang mamatay ang nanay, parang namatay na rin kayong
lahat, e.

Tatay: Dex…

Dex: Si tatay, may barangay. Si Kuya, si Cha, nag-asawa. Ikaw, alipin ng trabaho. E, ako? Kuya, bata pa ‘ko no’n.
Kinalimutan n’yo ko, e. Kaya si Aira, siya lang ang naging pamilya ko.

Brian: O, nasa’n na yung pinili mo? Asan na yung Aira? Nasaan?! Dex, grow up! Stop fucking your life and stop fucking
other people’s lives, you fucker!
Dex: You mean stop fucking up your life! Fuck you!

Magsisigawan ang mga tao sa likod

Cha: ‘Wag ka nang sumagot! Yung bibig mo Dex.

Aga: Hey! hey!!!

Dex: Oo bibig ko, oo bibig ko talaga!

Aga: Oo, ikaw naman tong puro kalokohan e

Cha: Ano ba!

Dex: Ang pe-perfect ng buhay ni'yo e no. Ano Ate Cha?! E, bakit di natin pag-usapan kung ga'no kaperfect yang babaero
mong asawa!

Cha: wag mong i-pasa sa akin--..

Dex: Hindi, hindi, paguusapan natin 'to para malaman nilang hindi lang ako olats dito.. Yung asawa nito? (turo kay Ate
Cha) hindi totoong nag-abroad.

Aga: andito siya sa pinas?

Dex: Oo! Nahuli ko pa mismo yung asawa niya may kasamang babae

Aga: A-andito asawa mo? Huh? Tang--...

Cha: Kuya, kuya!

Tatay: Allan!

Aga: Hindi niya pwedeng gawin sa'yo 'yon!

Dex: Pwede, e, hinahayaan siya ni Ate e.

Aga: Cha, ano ba?! noon pa namin sinasabi sa'yo, gago yang lalaking yan. Ang tigas kasi ng ulo mo!

Cha: Oo na, oo na!

Kaya ayokong magsabi sainyo Kuya (Aga) kasi kasalanan ko! Ako gumawa ng problema, titiisin ko!

Brian: Kahit ginagago-gago ka na nang paulit-ulit? Anong logic do'n? Ba't hinahayaan mo?

Cha: Para sa mga anak ko, dahil ayoko silang mawalan ng ama! Saka ayoko na magsabi kay tatay kasi ayokong
mamroblema siya e, kasi may sakit siya baka lumala.

Dex: Wala namang sakit si tatay e

Brian: Shut up, Dex!

Dex: Wala siyang sakit!

Brian: Shut up!

Dex: Narinig kong naguusap sila ni Kuya Jun kanina. Di'ba, Tay?

Brian: Huh?... Ano?... Jun?... Tay?... Kaya bang ayaw niyong magpatingin sa doctor?

Tatay: Hindi...
Aga: Di ah, Bry, hi-hindi ni'yo naiintindihan...

Brian: Teka, sandali. Alam mo 'to Kuya? ...

Ano ginagago niyo lang kami?

Aga: Hindi ganon, Bry. Hindi cancer ang sakit ng tatay. Mali yung unang findings sa kaniya

Brian: e, bakit hindi niyo sinabi samin kaagad? M-may balak ba kayong sabihin o- parang wala kasi, e. Ah, parang wala!

Allan: Nag- Usap nga kami-

Brian: Nag u- Ah. Nag usap kayo? Kayo lang?... O ikaw lang? (tingin kay aga)

Allan: Bryan...

Brian: Tay nung tumawag kayo sakin para humingi ng tulong sa tindahan, alam niyo na ba na wala kayong sakit non?

Tatay: (tahimik)

Brian: So, ginamit niyo lang yon para, para tulungan ko si kuya. (tingin kay aga) Sinamantala mo naman.

Allan: Pucha. Bry! Di ko sinabihan si tatay na hingian ka ng pera ha... Tay, diba sinabi ko wag?

Tatay: Hindi nga a eh.. Ang intensiyon ko lang naman ay tulungan yung tindahan e. Ang gusto ko mag-tulungan kayong
magkakapatid.

Allan: Tay? Alam niyo ba yung pakiramdam na para kang charity case na kailangan laging tulungan? Sana tinirhan niyo
naman ako ng konting dignidad. Sana pinaniwalaan niyo ako nung sinabi kong "Tay, Tay sabi ko ka-kaya ko to. (Paiyak)

Brian: Hindi naman kasi magkakaganon yon kung namanage mo ng maayos dati yun e.

Allan: Napakayabang mo talaga! Napakayabang nito! Ako naman ang tanga ko naman dahil pinaniwalaan ko na totoo at
bukal sa loob mo yung pagtulong mo.

Brian: Ako na nga tumulong ako pa mayabang, Wow!

Allan: Kahit kailan kasi ang tingin mo sa tao puro pera lang ang habol sayo!

Dex: Tumutulong ka lang naman para ipamukha samin na wala kaming narating sa buhay, ikaw meron. Magaling ka diba?

Brian: w-why are you taking it against me na may narating ako sa buhay? Why? Is it- Is it my fault? Na unlike you and
kuya I chose to study? Is it my fault that I worked hard para sa kung anong meron ako? Is it my fault that I have the means
to help you? Ha? Do you even know, what I went through? What I had to give up just to help you? Hindi! Hindi, diba?
Dahil wala namang ni-isa sainyo ang nagtanong sa akin kung okay ako. Ikaw kuya? Nung nagtrabaho ka abroad para
makamit yung pangarap mo sa pagsasayaw. Wala ka namang narinig sakin na kahit anong reklamo nung kinuha ko yung
responsibilidad mo sa tindahan. Yung mga pangarap ko, sige! Sinantabi ko muna, walang problema. Bakit? Kasi walang
maiiwan dito sa tindahan e. Parehong wala kayo ni tatay e. I just wanted to be a good son. I just wanted to be a good
brother. To the point that I coudn't be a father to my own son. Pero nung bumalik ka, parang walang nangyari. Ikaw parin
ang magaling, pero okay lang yon dahil desisyon ko naman ang umalis sa tindahan na yun e. Alam mo kung bakit? Dahil
pinakiusapan ako ni tatay na kailangan mo ang tindahan, na mas kailangan mo ang tindahan dahil ikaw ang may asawa at
anak. Dahil ikaw kuya ay may pamilya. Ako, wala. Kaya kayo-kayo, kayo lang naman ang meron ako. Kayo lang ang
pamilya ko. But why is it that you always make me feel like I'm the enemy? Not a brother. Not a family. (Walk out)

Tatay: Bry!

(Pamangkin): Magpahinga na kayo.

Tatay: Sana nga totoong nagkasakit na lang ako.

You might also like