Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10

I-Identipikasyon: Ibigay ang tamang sagot na hinihingi ng bawat bilang.


1. Siya ang may akda ng Nobelang pinamagatang Ang kuba ng Notre Dame.
2. Ito ang bansang kinilala bilang sentro ng edukasyon at ideyalismo noong Age of
Enlightenment sa Europe.
3. Ito ay bungang isip/katha na ansa anyong prosa, kadalasang pang aklat ang haba ng
banghay.
4. Siya ang itinuturing na pinaka pangit na nilalang sa Paris.
5. Siya ang sumulat ng Nobelang pinamagatang Dekada 70.
6. Ito ang tulang puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag ibig, kalungkutan,
kabiguan, kaligayahan, tagumpay, at iba pa.
7. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng pamumuhay sa bukid.
8. Ito ang tulang may labing apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan, at pananaw sa
buhay ng tao.
9. Ito ay tulang kahapisan para sa minamahal, gaya ng kalungkutan, kamatayan at iba pa.
10. Tulang nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdamin.
11. Tulang nilalapatan ng tugtugin karaniwang maikli at punong puno ng pagsamo at
pagluhog sa isang sinisinta.
12. Ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa diyos at pananampalataya.
13. Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod.
14. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
15. Ito ang matayog na diwang ipinapahiwatig ng makata sa isang tula.
16. Ito ay element ng tula na tumutukoy sa malinaw at di malilimutang impresyon na
nakikintal sa isipan ng mambabasa.
17. Ito ang Pamagat ng tulang nagmula sa Egypt.
18. Ito ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa
guniguni,pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag ng may angking kariktan o
aliw-iw.
19. Ito’y uri ng tayutay na tila nakikipag usap sa karaniwang bagay na malayo o wala naman.
20. Ito ay isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri puri ngunit
kabaliktaran naman ang kahulugan.
II- Ibigay ang titik ng tamang sagot.

21. Siya ang Sumulat ng tulang ‘Halika sa Bukirin’


a. Jose Corazon de Jesus b. Milagros B. Macaraig c. Fernando B. Monleon d.Teodoro Gener
22. Siya ang sumulat ng tulang ‘Ang Pamana’
a. Fernando B. Monleon b. Jose Corazon de Jesus c. Teodoro Gener d. Milagros B. Macaraig
23. Siya ang sumulat ng tulang ‘Soneto ng Buhay’
a. Teodoro Gener b. Fernando B. Monleon c. Milagros B. Macaraig d. Jose Corazon de Jesus
24. Siya ang sumulat ng tulang pinamagatang ‘May isang Pangarap’
a. Milagros B. Macaraig b. Raquel c. Fernando B. Monleon d. Teodoro Gener
25. Siya ang sumulat ng tulang pinamagatang ‘Tumangis’
a. Fernando B. Monleon b. Milagros B. Macaraig c. Raquel d. Teodoro Gener
III-Enumerasyon
26-28. Ibigay ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela.
29-34. Ibigay ang anim na uri ng tulang liriko.
35-38. Ibigay ang apat na element ng tula.
39-45. Ibigay ang pitong uri ng tayutay.

GOODLUCK 

You might also like