Pakikipagkapwa-tao‟y dapat na malinang; Aspetong intelektwal, politikal, panlipuna‟t pangkabuhayan Lubhang mapagyayaman sa pakikipag-ugnayan.
Pangangailanga‟y madaling matugunan
Sa pagkakaroo‟t pagiging bahagi ng mga samahan Nalilinang ating kusa‟t pagiging mapanagutan Pati na ang pagtataguyod sa ating karapatan
Paano pakisamahan ang taong mapagmalaki?
Ayaw makiisa, lubhang pang makasarili? Huwag magpaapekto at magpakagalit Kabutihang panlahat ang atin laging isaisip
Pakikipagkapwa‟y linangin nang may pagmamalasakit
Laging isipin na kapwa‟y kapantay, katulad din natin Sa bawat salita‟t kilos, iwasang makasakit Nakabubuti sa atin, sa kapwa‟y gawin rin
Kung ang kapwa ay minamahal nang lubusan
Sa bawat pagkakataon, tunay siyang paglingkuran Ibahagi ang sarili, makipag-ugnayan nang makabuluhan Kapanatagan, kaligayahan at kaganapan, ating ngang makakamtan.