Professional Documents
Culture Documents
Gen. Ed PANITIKAN
Gen. Ed PANITIKAN
Gen. Ed PANITIKAN
Ayon kay: Ito ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang Lumikha.
Bro. Azarias
Ang Paraan Ng Pagpapahayag
PANGANGATWIRAN Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa opinyon ng nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito.
PAGSASALAYSAY Isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang karanasan.
PAGLALAHAD Isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto.
PAGLALARAWAN Isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan.
Mga Akdang Pampanitikan na Nagpalaganap ng Impluwensya sa buong Daigdig
Banal na Kasulatan o Bibliya Ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa Palestino at Gresya.
Koran Ang pinakabibliya ng mga Muslim.Galing ito sa Arabia.
Ang Iliad o Odyssey Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ito ni Homer.
Ang Mahabharata Ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito ngkasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
Canterbury Tales Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer.
Uncle Tom’s Cabin Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng
demokrasya.
Ang Divine Comedia Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano nang panahong iyon.
Ang El Cid Compeador Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa.
Ang Awit ni Rolando Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.
Ang Aklat ng mga Patay Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
Ang Aklat ng mga Araw Akda ito ni Confucios ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya.
Isang Libo’t Isang Gabi Mula ito sa Arabya at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.
Pangkalahatang Uri ng Panitikan
AKDANG TULUYAN yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
AKDANG PATULA yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod, at saknong
Ang Mga Akdang Tuluyan
NOBELA Ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa Halimbawa:
tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos
panahon.
MAIKLING KUWENTO Ito ay salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari Halimbawa:
sa kakintalan “Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute
DULA Ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito sa Halimbawa:
ilang yugto at sa bawat yugto ay maraming tagpo. “Kahapon, Ngayon at Bukas” ni Aurelio
Tolentino
ALAMAT Ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan ng Halimbawa:
bagay ang karaniwang paksa nito. “Ang Alamat ng Pinya”
PABULA Ito ay mga salaysayin na hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin Halimbawa:
ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog sa kanilang ugali “Ang Pagong at
at pagkilos. Ang Unggoy”
Ito ay maikling salaysay ng mga kawili-wili o katangi-tanging pangyayari Halimbawa:
ANEKDOTA Nagtatampok sa ugali o pagkatao ng isang nilalang. “Ang Gamugamo at Ang Munting Mulawin”.
May mapupulot din itong magagandang aral sa buhay.
SANAYSAY Ito’y pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o halimbawa :
pangyayari. nito’y ang bahagi ng Editoryal ng isang
pahayagan
TALAMBUHAY Ito’y isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pang-iba o pansarili.
BALITA Ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang
nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.
TALUMPATI Ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatuwiran,
magpaliwanag at magbigay ng opinyon o paniniwala.
PARABULA Ito’y isang salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Ang layunin Halimbawa:
nito’y makapagbigay-aral sa mga mambabasa o nakikinig. “Ang Matandang Mayaman at Si Lazaro”.
TULANG PASALAYSAY Ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa Halimbawa:
buhay; ang kabiguan sa pag-ibig
ang mga suliranin at panganib sa pakikidigma o kagitingan
ng mga bayani
BALAD Ito ay may himig na awit sa dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.
TULA ng DAMDAMIN O TULANG LIRIKO Ito ay nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata
batay sa karanasan.
AWITING BAYAN Ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o Halimbawa:
pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan. “Chit Chirit Chit”
SONETO Ito’y isang tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at Halimbawa:
kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y “Soneto ng Buhay”
naghahatid ng aral sa mambabasa.
DALIT Ito’y awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting Halimbawa:
pilosopiya sa buhay. “O Mariang Sakdal Dilag”
PASTORAL Ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. Ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
ODA Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; Halimbawa:
walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang “Tumangis si Raquel”
saknong.
TULANG DULA
O PANGTANGHALAN
KOMEDYA Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood.
MELODRAMA Karaniwang ginagamit sa dulang musikal kasama ng opera. Ngunit ngayon ay may kaugnayan din sa trahedya at komedya.
TRAHEDYA Angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi ng pangunahing tauhan.
PARSA Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa.
SAYNETE Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.
TULANG PATNIGAN
KARAGATAN Ito ay batay sa alamat ng singsing ng prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap
DUPLO Humalili sa karagatan ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
BALAGTASAN Ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siense ng Panginay na si Francisco “Balagtas” Baltazar.
Mga
DULANG PANLIBANGAN
TIBAG Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalaala ang paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni Hesus sa pamamagitan
ng pagtitibag ng bunduk-bundukan.
LAGAYLAY
Sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-iipun-ipon kung buwan ng Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay.
SINAKULO
Pagtatanghal ito na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ng ating Poong si Hesukristo. Ang salitaan dito ay mula sa “PASYON”.
PANUNULUYAN
Isang pagtatanghal ito na isinasagawa bago mag-alas dose ng gabi ng kapaskuhan.
PANUBONG Isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o kapistahan na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang parangal sa
isang panauhin o may kaarawan.
KARILYO Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginawa mula sa karton., na pinanonood na gumagalaw sa
likod ng isang puting tabing at pinagagalaw naman ng taong di nakikita na siyang nagsasalita rin para sa mga kartong gumagalaw.
KURIDO Ang salitang “corrido” (baybay sa Kastila) ay nangagahulugangn kasalukuyang mga balita (current events) sa mga Mehikano samantalang dito
sa Pilipinas, ang Kurido ay isang tulang pasalaysay na natutungkol sa katapangan, kabayanihan, kababalaghan, at pananampalataya ng mga
tauhan.
SARSUELA Ito ay isang melodrama o dulang musikal na tatluhing yugto. Ang paksa ay natutungkol sa pag-ibig, paghihiganti, paninibugho, pagkasuklam,
at iba pang masisidhing damdamin.
ANG ALAMAT
Isang uri ng panitikang tuluyan, na ang karaniwang paksa ay nagsasalaylay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan.
KUWENTONG BAYAN
Ito ay madalas nangyayari sa loob at labas ng ating lugar. Hal. “Si Bulan at Si Adlaw”
EPIKO
Ito ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan.
Indarapatra at Sulayman
Bantugan
Daramoke – A - Babay
Kundiman , Kumintang o Tagumpay , Ang Dalit o Imno, Ang Oyayi o Hele, Diona, Suliranin at Talindaw
KANTAHING BAYAN
Ito ay tunay na nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga Pilipino. Mga Hal.
“Pamulinawen”- (Iloko)
SALAWIKAIN
Ito’y nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno.
Hal.
SAWIKAIN
Mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
Hal.
Sa gipit nasusubukan.
BUGTONG
Ito’y binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat o tugma.
PALAISIPAN Noon pa man ay may matatawag na ring palaisipan ang ating mga ninuno.
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang nagalaw ang sombrero?
KASABIHAN
Ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad.
KAWIKAAN
Ito ay kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral sa buhay.
ALIBATA
Na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong Romano.
Ang DOCTRINA CRISTIANA Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593, sa pamamagitan ng silograpiko.
Ang BARLAAN at JOSAPHAT Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni: PADRE ANTONIO de BORJA na isinalin sa tagalog.
PASYON
Ito’y aklat na natutungkol sa buhay at pagpapasakit ni Hesukristo. Binabasa ito tuwing mahal na araw.