Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TRIBUNG MANOBO

Sabit , Stephanie
Silagan , Nelmie Joy
Sombilon , Yvonn

Ang kasal ng Tribung Manobo


A. Rasyonal
Ang kasal ay isang sagradong seremonya na ginagawa ng isang babae at
lalaki.Ito ay ginagawa ng pag-iisang dibdib ng dalawang tao na dinadaluhan ng
maraming tao . Ang bawat isa ay nagbibigay ng “wedding vows”bilang tanda ng
kanilang pag-iibigan.
Ang kasal ng Tribung Manobo ay kadalasang pinangungunahan ng mga
magulang ng babae at lalaki.Minsan ay may mga pagkakataon na ang
kasunduan na nagaganap sa pagitan ng mga magulang ay hindi alam ng
kanilang mga anak.Ang kasalan ng Manobo ay mayroon ding pagkakapareha sa
paraan ng mga Muslim dahil nagbibigay din ang pamilya ng lalaki ng delundun o
downry katulad ng pera , lupa o mga hayop.

B. Proseso
1. Ginsa – Ito ay ang paghingi ng lalaki sa kamay ng babae upang pumayag sa
pagpapakasal .Ang kadalasang tawag dito ng iba pamamanhikan.
2. Kagun – Ito ay ang presyo ng babae na napag-uusapan ng dalawang pamilya
sa ginanap na ginsa. Ang mga kamag-anak naman ng lalaki ay
inaaanyayahan na magbigay para sa gaganaping kasal ng dalawa.
3. Apa – Ito ay ang handaan na magaganap sa kasal .Ang petsa naman kung
kailan magaganap ang kasal ay naka depende sa haba ng oras kung kailan
makokompleto ng lalaki ang kagun para sa babae.Habang naghihintay para
dito , ang pamilya naman ng babae ay naghahanda ng pagkain tulad ng bigas
, isda , karne at rice wine para sa apa.
4. Ed ipal – Ito ay ang dalawa o mas marami pang kamag-anak ng babae na
maaaring humingi ng regalo tulad ng pera o iba pa sa lalaki. Sa araw ng kasal
, habang papunta ang pamilya ng lalaki sa bahay ng babae ay dapat siyang
mag suot ng puting panyo . Ang babae naman ay magtatago sa isang silid
habang di pa dumadating ang lalaki.
5. Rirey – Dito na magaganap ang paghaharap ulit ng dalawang pamilya habang
naka upo sa banig at magpapahayag ng mga simbolo ng kahalagahan ng
babae. Pagkatapos nito ay ibibigay na ng lalaki ang kagun na para sa
babae.Mahahati naman ang mga ito sa mga kamag anak ng babae lalo na
yung mga tumulong para sa preparasyon ng pagkain.
6. Teneges – Pagkatapos ng negosasyon , ang pamilya ng lalaki ay magbibigay
ng tela sa ulo bilang simbolo upang masiguro na magkakaroon ng masaya at
masaganang pamumuhay ang bagong kasal.
7. Seru – Ito ay ang ceremonial exchange of food ng babae at lalaki. Matapos ito
ay saka lamang pedeng kumain ang kamag anak ng mga kinasal ngunit ang
pagkaing nakahanda sa kanila ay iba sa dalawang ikinasal.
8. Betel chew – Ang nanay ng babae naman ay maghahanda ng betel chew at
ibibigay niya sa kanyang anak at ang kanyang anak naman ay ibibigay ito sa
lalaki. Ang paraan ng pagbigay na ito ay sumisimbolo sa mga gagampanan
na responsibilidad ng babae bilang asawa. Pagkatapos nito ay papapuntahin
na sila sa silid nila at doon bibigyan ng payo ng mga nakakatanda.
9. Gimukod – Ito ang mga kaluluwa ng bagong kasal. Matapos ang seremonya ,
hindi muna uuwi ang mga magulang ng lalaki at maghihitay pa ng tatlong
araw at magsasagawa ng purification ritual gamit ang manok at bigas upang
humingi ng pahintulot sa gimukod ng babae at lalaki.
10. Pagkatapos ng ritual , saka lamang pwedeng umuwi ang magulang ng lalaki
at kasama siya para kunin kung sakaling naiwan niya ang kanyang gimukod
sa kanyang unang tirahan,Ang lalaki ay hindi pwedeng matagal na mawala sa
tirahan kasama ang babae .Kung mangyayari man ito ay dapat niyang bigyan
ng regalo (tela) ang kanyang mga manugang katumbas ng bilang ng araw na
nawala siya.

Ang Panitikan ng Tribung Manobo


A. Rasyonal

Ang Bugtong o riddle sa Ingles ay tinatawag na Antoka sa Manobo.Ang antoka ay


nagsisilbing libangan ng mga mamamayan lalo na kapag walang ginagawa.

Ang sumusunod na mga antoka ng mga Manobo sa kanlurang bahagi ng


Bukidnon ay nagpapakita ng paggamit ng metaphorical na wika na naglalarawan ng
kanilang likas na kapaligiran, material na kultura at anatomy ng tao.Nakuha ang mga
halimbawang ito mula sa Bukidnon State University Museum.

B. Halimbawa:

1. Iddo ron , pero ini ron .

[It’s there yet but its here now]

Sagot : Mata [Eyes]

2. Kom-mus ini apo dig ko iayp.


[Grandfather’s footprints cannot be counted]
Sagot : Libunggo [ Centipede]

3. Baalon ni Apo dig Koobug.


[Grandfather’s well cannot be scooped]
Sagot : Panu-on [ Coconut Water]

4. Anak pa duwan sowwa,Nabuyag warad sowwa.


[When he was young he had clothes, now he is old , he is nude]
Sagot : Laya [ Bamboo]
5. Lab-ban ni Apo , dig ko sikap.
[Grandfather’s basket you cannot handle]
Sagot : Tomeng [ Beehive]
6. Kuda ni Apo ,dig-ka-an , ko dig sakayan.
[Grandfather’s horse does not eat if not ridden]
Sagot : Kudkuran [ Coconut Grater]

7. Abuhan de oseng ko did pipitan ko lub-but.


[A giant does’nt talk if it is not beaten]
Sagot : Agong [ Agong]

You might also like