Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Seven Sundays

Kaligayahan at kalungkutan. Pagtutulungan at pagmamahalan. Makikita ang lahat ng iyan sa


pelikulang pinilahan ng taong bayan.

Pamilya ang nagsisilbi nating sandalan. Palaging nariyan at laging maaasahan. Hindi
matutumbasan ng kahit na anong yaman. Sa pamilya umikot ang istorya ng pelikulang Seven Sundays. Isa
ito sa matatawag na obra maestra na likha ng Star Cinema mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Ang
pelikulang ito ay tungkol sa magkakapatid na Bonifacio na muling nagsama-sama matapos nilang malaman
na may kanser ang kanilang ama at ito’y magtatagal na lamang ng dalawang buwan. Sa kanilang muling
pagkikita, naungkat ang mga katanungang hindi nabigyan ng tamang kasagutan. Mga problemang hindi
nabigyan ng solusyon.

At sa muling pagkakataon nagising ang diwa ng inggitan sa pagitan nina Aga Mulach bilang Allan
at Dingdong Dantes bilang Bryan. Ang pag-ayaw nina Aga at Dindong sa asawa ni Cristine Reyes bilang
Cha. Ang pakiramdam ni Enrique Gil bilang Dex na siya’y nawalan ng saysay sa kanyang ama at mga kapatid
ay ilan lamang sa mga eksenang nagpabuhos ng luha sa mga manonod. Mga eksenang nangyayari sa tunay
na buhay. Mga eksenang patuloy na pinag-uusapan.

Gaano man kabigat ang isang problema, masusulusyunan ito kung sama-sama at nagkakaisa ang
isang pamilya.

You might also like