Professional Documents
Culture Documents
TANYAG
TANYAG
TANYAG
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa
ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at
agricultura.
Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa
pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.
Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios”
(Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging
makabayan.
Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon
ay Luneta).
“Mga nagawa ni Rizal”
•Una na sa mga nagawa ni Rizal para sa ating bayan ay mga akda niyang “Noli me
Tangere" at “El Filibusterismo” Makasaysayan ang mga aklat na ito at naging
instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-
tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang mga aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si
Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang
representasyon sa pamahalaang Kastila.
•Ang pagbuo ng La Liga Filipina. Binubuo ito ng mga taong nagnanais na maputol ang
pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ang nagpasimula ng pagkakaroon ng
nasyolisasyon ng mga Pilipino. Ang pangunahing layunin nito ay maging malaya ang
Pilipinas sa España sa mapayapang paraan.
•At isa sa magiting na nagawa ni Rizal para sa ating bayan ang pagkamatay niya para
sa kasarinlan at kalayaan, pantay pantay na pagtrato sa mga Pilipino at pagbibigay
karapatan para sa mga ito. Sakabila ng mga banta ng mga Espanyol sa kanya ay
hindi sya huminto para sa kanyang minithi para sa bayan.
Naging manunulat c jose rizal upang sa mga bagong hinerasyon ngayon hindi natin
malilimutan kung saan tayo nag mula at malaman din natin kung ako talaga ang
nangyari sa sina unang panahon....
Sa pamamagitan ng kanyang talino, sumulat siya ng mga nobela para magising ang
mga Pilipino sa ginagawang pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa. Nung panahon
ng pananakop ng mga Kastila ay isa siya sa nagtaguyod at nagsulong na magkaroon
ng pagbabago sa bansa para maging malaya ang mga Pilipino.
Si Jose Rizal Nagtatag ng isang samahang La Liga Filipina, ito ay isang samahan na
nagsimula ng Himagsikang Pilipino para kalabanin ang Espanya.
TALAMBUHAY
Sa lalawigan ng̃ Iloilo ay doón sumilang̃ ang̃ isáng̃ kalahì nating̃ naging̃ isáng̃
dakilang̃ mánanalumpatì, siyá’y si Graciano Lopez Jaena.
Gayá ng̃ lahát ng̃ pilipino, ang̃ kanyáng̃ unang̃ pagaáral ay tinang̃gáp niyá sa
loób ng̃ táhanan, pagkatapos ay nagpatuloy siyá sa Páaralang̃ bayan upáng̃ ang̃
mg̃a páng̃unahing̃ pagaáral ay maganáp at doón na siyá kinákitaan ng̃ kanyáng̃
sibol na katalinuhan, at bagá mang̃ hindî karaniwan noón ang̃ pakikipagtalo sa
mg̃a Guró si Jaena ay hindî nasiyáhan sa alín mang̃ bahagi ng̃ kanyáng̃
pinagáaralan, hang̃gang̃ hindî diníding̃íg ang̃ mg̃a paliwanag ng̃ mg̃a Guró, at
sa pagnanasang̃ ang̃ pagáaral ay ipagpatuloy sa ibáng̃ lupaín ay lumayag siyáng̃
tung̃o sa España, niyaóng̃ taóng̃ 1881.
«Ayáw kami ng̃ isáng̃ bayang̃ kalahati ay malaya at kalahati ay alipin, ninanasá
namin ang̃ kalayaán sa pagsulat ó pamamahayáng̃; ninanasà namin ang̃ kalayaan sa
pagagalakal; ninanasà namin ang̃ aming̃ kapang̃yarihan sa paghahalál, (sufragio)
ng̃ aming̃ sugò sa mg̃a Kapulung̃an, na, kung̃ saán namin mapasásapit ang̃
aming̃ mg̃a adhikain upáng̃ ding̃in at málaman.»
Kung̃ mábabasa ninyó ang̃ mg̃a talumpatì ni Jaena, at maáaninag ninyó na walâ na
siyáng̃ sinikap kundî ipamalas ang̃ kanyáng̃ Páhiná 37pagmamahál sa Tinubuang̃
Lupà at sa mg̃a kalahi niyáng̃ marunong̃ magmahál sa Bayang̃ Tinubuan.
Niyaóng̃ 1890, ay umuwî siyá sa sariling̃ bayan upáng̃ mang̃ilak ng̃ mágugugol
doón sa ubod ng̃ bayang̃ pang̃inoón ng̃ ating̃ bayan, sa Madrid, at dahil sa
nasang̃ itó, ay nakipagkita siyá kay Paez, at huming̃î siyá ng̃ tulong̃. ng̃uni’t sa
kawalán, ng̃ salapî sa kaban yaman ng̃ samaháng̃ kanyáng̃ tinawagan ay
pinang̃akuan siyá ni Paez, pagkatapos na mading̃íg ang̃ kanyáng̃ mg̃a balak at
siyá’y nanumbalìk sa bayan ng̃ mg̃a Harì, upáng̃ gumawâ ng̃ waláng̃ patláng̃ na
paggawâ sa ikapagbabago ng̃ pamamalakad dito sa Kapuluan; at sa kanyáng̃
kináhimaling̃ang̃ yaón ay nahughóg siyá at namulubi, at niyaóng̃ ika 20 ng̃ Enero
ng̃ 1896 ay tinawag siyá sa sinapupunan ni Bathalà, sa bayang̃ Barcelona España,
na siyáng̃ kinálagakan ng̃ kanyáng̃ mg̃a labi.
Si Graciano Lopez Jaena ay buháy sa mg̃a pusò ng̃ bawa’t pilipino at ang̃ aláala sa
kanyáng̃ mg̃a gawâ ay isáng̃ dakiláng̃ aral na karapatdapat uliranín.
Maging̃ tibay ang̃ mg̃a talatang̃ itó ng̃ kanyáng̃ pagká waláng̃ Kamatayan.
Isa sa kanyang mga akda ay ang Fray Botod, Ito ay naisulat niya ng siya ay bumalik
sa bayan ng Iloilo at namasdan ang pagmamalutpit ng mga prayle sa mga Pilipino. Sa
sulating ito ay nilarawan niya ang mga pagsasamantala ng mga prayle sa mga tao,
lalo sa mga babae.