Professional Documents
Culture Documents
Journal
Journal
Filipino Sa Grade 7
Kaugnay na Literatura
Ayon naman kay Magpantay (2011), ang pagpili ng angkop na estratehiya o metodo sa
pagtuturo upang makamit ang epektibong pagkatuto ay nakasalalay sa guro. Sa tuwina
ay kailangang makabuo sila ng mga dulog na aangkop sa mga pagbabagong
nagaganap sa sistema ng edukasyon.
Sinabi rin ni Davis (2008), maraming magagandang estratehiyang magagamit ang mga
edukador upang malinang at mapaunlad ang pagpapahalaga sa literatura ng kanilang
mga mag-aaral. Kailangang piliin ng guro ang tekstong sa palagay nila ay may temang
nag-uugnay sa kasalukuyang panahon o kalagayan ng buhay ngayon.
Ayon kay Tomlison (banggit nina Ellis, et.al 2008), ang differentiated instruction ay
isang proseso na nagsisiguro na ang nilalaman, paano matutunan ito, at paano
maipapahayag ang mga natutunan ay akma sa kanilang kahandaan, interes, at
kakayahan ng bawat mag-aaral.
Sinabi rin ni Anderson (2007), kapag ang guro ay gumagamit ng differentiated
instruction maaring gawing simple ang nilalaman ayon sa kung ano at papaano matuto
ang mga mag-aaral. Maaaring gumamit ng iba’t ibang teksto, nobela, at maikling
kwento na aakma sa lebel ng pagbasa ng bawat isa.
Ayon kay Belvez (2005) ang isang guro ay nagsisikap na magkaroon ng baryedad
ng mga gawain sa klase upang maiwasan ang pagkainip o pagkabagot, pagkasawa at
panlalamig ng sigasig ng mga mag-aaral. Ang mga gawaing ito ay may iba’t ibang antas
at may iba’t ibang uri na binatay sa kakayahan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan nito
nagkakaroon ang mga mag-aaral na pumili ng mga gawain upang maipahayag niya ang
kanyang kaalaman at abilidad.
upang mas matuto ang mga mag-aaral. Maaaring ibagay ito sa kung papaano matututo
ang mag-aaral at kung saan sila komportable. Mayroong mag-aaral na natuto at
gumagawa ng mag-isa. Ang iba naman mas gusto mag-aral o gumawa na may kasama
o grupo. May gusto rin ang umiikot sa loob ng silid-aralan samantalang ang iba ay mas
gusto na nakaupo lamang sa kanilang sariling upuan.
Ayon kay Gonzales (2004) ang kahandaan ng mga edukador o guro ang
pinakamalaking problema ng edukasyon sa kasalukuyan. Nadaragdagan ang mga guro
ngunit iilan lamang ang may sapat na kahandaan at kasanayan sa pagtuturo. Sinabi
niya na mabigat ang tungkuling nakaatang sa balikat ng isang guro. Ang pormularyo sa
pagtuturo ng edukasyon sa paaralan, kumuha ng isang mahusay na guro, gurong alam
ang ituturo at kung paano ito ituturo. Ang pag-asa sa pagtamo ng edukasyong katangi-
tangi ay nakasalalay sa mahusay, malikhaing guro na may positibong katauhan,
malawak na karanasan sa buhay at pag-unawa sa lipunan.
https://www.scribd.com/document/386408773/DIFFERENTIATED-INSTRUCTION-SA-
PAGTUTURO-NG-PANITIKAN-docx
DIGITIZED LESSON SA FILIPINO: TUGON SA TAWAG NG PANGANGAILANGAN
NG IKA-21 SIGLONG KASANAYAN, PAGSIPAT SA EPEKTO NITO SA
PEDAGOHIYA NG MGA GURO AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL
Nilayon nina Yuan-Hsuan Lee etal (2011) sa kanilang pag-aaral na may pamagat na
“Revisit the Effect of Teaching and Learning with Technology,” natayain ang kabisaan
ng pagtuturo at pagkatuto gamit ang teknolohiya sa mga mag-aaral ng K to 12 gayon
din ang mga pampagtuturong praktis. Nais tugunan ng kanilang pag-aaral na matukoy
ang kalakasan at direksyon ng pagtuturo at pagkatutong gamit ang teknolohiya; ang
epekto nito sa mgamag-aaral; at ano ang mga tiyak na katangiang panteknolohiya,
estratehiyasa pagtuturo, katangiang pampagtuturo ang nakaaapekto sa pagtuturo at
pagkatuto gamit ang teknolohiya. Lumabas sa kanilang pag-aaral na binubuksan ng
teknolohiya ang mga hangganang pang-edukasyonal sapagkat nakatutulong ito upang
ang mga resorses sa internet ay madaling maakses ng kahit na sino sa buong mundo,
bukas ito sa publiko, libre at gayang mga elektronikong aklat, pod-casts, mga digitial
libraries, larong pang-edukasyonal, videong pang-edukasyonal at pang-instruksyonal
(Youtube/Teachertube) , tutorial at iba pa; tumataas ang lebel ng panghikayat ng
teknolohiya sa mga mag-aaral; napauunlad ng teknolohiya ang mga kasanayan ng mga
mag-aaral sa pagsulat at pagkatuto; napadadali ng teknolohiya ang pagkatuto ng mga
mag-aaral sa isang asignatura; napauunlad ang indibidwal na pagkatuto; sumusuporta
sa pinag-iba-ibang pagtuturo (differentiated instruction) ang integrasyon ng teknolohiya
sa klasrum; napaiigting ang kolaborasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral;
naihahandaang mga mag-aaral para sa isang hanapbuhay na may kaugnayan sa
teknolohiya ; at napaiigting ang pagiging inobatibo at malikhain ng mga mag-aaral.
Inilahad ni Aloraini (2012) sa kaniyang pag-aaral ang kahalagahan ng paggamit ng
multimedia sa academic achievement ng mga mag-aaral sa King Saud University.
Natuklasan niya sa kaniyang pag-aaral na ang paggamit ng multimedia sa pag-aaral ay
mabisang paraan ng pagtatamo ng mahusay na pagkatuto kaysa ang tradisyunal na
paraan ng pagtuturo. Base sa mga inilhad ng estadistika ng kaniyang pag-aaral
lumabas na mataas ang academic achievement ng mga mag-aaral na sumailalim sa
experimental group gamitang multimedia sa pagkatuto kaysa iyong gumamit ng
tradisyunal na paraan ng pagkatuto. Ang paggamit ng ICT sa proseso ng pagtuturo at
pagkatuto ay isang penomena at tampukan ng mga pananaliksik sa panahon ngayon.
Sa pag-aaral ni Ali etal (2013) na may pamagat na “The Role of ICT toMake
Teaching-Learning Effective in Higher Institutions of Learning in Uganda,”
naipakita ang mabisang integrasyon ng teknolohiya sa mga praktis sa silid ay naging
isang hamon sa mga guro at administrador ng paaralan. Nilayon sa pag-aaral na ito na
matuklasan ang mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng ICT at kabisaan nito sa
pagtuturo sa kolehiyo sa Uganda at matukoy ang mga inobasyong dalang ICT sa
proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Gumamit ng sarbey ang pag-aaral na ito upang
isagawa ang pananaliksik at natuklasang mabisa ang ICT lalo na ang integrasyon ng e-
learning, e-communication, mabilis na pag-akses ng impormasyon sa internet, online
student registration, online advertisement, at nababawasan ang pagpiprint ng mga sipi
ng aralin at iba.
https://www.academia.edu/33957270/ACTION_RESEARCH_SA_FILIPINO.docx