Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

WIKAAT KULTURA:

PAGSASALING NAGPAPAKAHULUGAN

Simplicia P. Bisa

Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang


lugar. Sa lugar na ito, gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa
wikang ito naipahayag ang nabuo nilang karunungan, paniniwala, sining, batas,
kaugalian, pagpapahalaga, at Iba pang kaangkinang panlipunan. Ang mga ito, na
kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa pamamagitan din
ng wikang yaon.
Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng
pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop 0 kaibigan na may
naiibang kultura-ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay
yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na ganap nang inangkin.Sa
paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may kayarian 0 kaanyuang
katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay
nagkaroon narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay atkarakter na Pilipino,
at naging kasangkapan na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.
Ingles man ang salita, 0 Kastila kaya, sa sandaling gamitin iyon ng isang
Pilipino, ang magiging pagpapakahulugan ay atas ng kullurang katutubo sa kanya.
Kapag nagbabasa tayo ng akdang Ingles na sinulat ng isang dayuhan, madalas na
nalilimutan nating ipinahayag ang mga kaisipan at mga pangyayari nang batay sa
kulturang dayuhan. Kung nagkagayon, inuunawa natin iyon nang sunod sa ating
kultura, kaya maaaring magbunga iyon ng maling pagpapakahulugan.
Waring napakadaling isalin 0 bigyang-kahulugan ang yes at ang hello.
Subalit ang yes ng Ingles ay maaaring po, opo, ho, oho, at 00 sa mga Tagalog;
nangangahulugan na sa Tagalog-Filipino, may iba't ibang gamit ang salitang
tinutumbasan lamang ng yes sa Ingles.
Alinsunod kay George Mounin, isang Leoristang Pranses, ang pagsasalin ay
kabuuan ng mga hakbang, at sa mga hakbang na ito, ang panimula at wakas ng
pagkasalin ay kabuuan ng mga kahulugan at tungkuling saklaw ng kultura (Steiner
1976: 15). Kung hindi batid ang kultura ng isang bansa 0 lahi ay maaaring
magbunga ng maling pagpapakahulugan ang pag-unawa.

You might also like