Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Colegio de San Juan de Letran

Dominican Avenue, Abucay Bataan

BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Senior High School

ISANG PAGSUSURI AT PAHAPYAW NA PANANALIKSIK

Paksa: “A Walk to Remember”

Bilang Bahagi ng Huling Pangangailangan sa Asignaturang

Filipino 11: Pagbasa at Pagsusuti ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananalisik

Selwyn Vincent M. Bantugan

Grade 11 – Linnaeus/Pascal/Socrates/Combo

Marso 2017
Paninimula

Ang Pelikulang "A Walk To Remember" ay pinalabas noong Enero 25, 2002. Nakabatay ang kwento sa
libro ni Nicholas Spark na may kaparehong pamagat. Binigyang buhay nina Shane West at Mandy Moore
ang mga pangunahing karakter ng pelikula. Hindi ito maiisapeliikula kung hindi sa pagdireksyon ni Adam
Shankman at sa tulong nina Denise Di Novi at Hunt Lowry. Ang pelikula ay umani ng iba't ibang papuri
at parangal katulad sa Teen Choice Award at MTV Movie Awards, taong 2002.

Umiikot sa dalawang tao ang kwento na may magkaibang pagkatao. Si Landon Carter ay isang pasaway
na estudyante na muntikan nang mapatalsik dahil sa kalokohang ginawa ng kanyang barkad. Bilang
kapalit sa pananatili sa paaralan, kailangang magturo ng bata at sumali sa isang pagtatanghal ang lalaki.
Napalapit ang loob ng lalake kay Jamie Sullivan na isang napakabait na anak at estudyante na
kabaligtaran ni Landon. Sa hinaba ng pagsasama nilang dalawa sa tanghalan at pagtuturo ng bata, nahulog
sa isa't isa at naging magkasintahan. Sa hindi kaalaman ng lalaki, may malalang sakit ang kasintahan na
leukemia. Ginawa niya ang lahat para mapagaling si Jamie pero namatay pa rin ito. Pagkalipas ng apat na
taon, bumalik si Landon sa tatay ni Jamie at doon niya nalaman na natupad niya ang hiling nito na
makakita nang himala at siya ang himalang nakita ng babae.
Ibigay ang suliranin o paksang nangingibabaw sa napanood, batay sa suliranin o paksang ito,
bumuo ng tatlong makabuluhang tanong na maaaring tumalakay dito.

Sa bawat kwento at pelikula ay may suliraning hinaharap at may paksa. Ang "A Walk to Remember" ay
tungkol sa pag-iibigan nila Landon at Jamie. Ang pag-iibigan na walang katumbas dahil sabay nilang
hinaharap ang sakit na nagpapahirap sa babae. Hindi iniwan ni Landon si Jamie kahit alam niyang
mamatay na ito. Trahedya man ang katapusan ng pelikula, napakita naman ang matamis nilang
pagmamahalan. Kung sasayasatin ang pelikula, patungkol din ito sa pamilya, kaibigan at kabataan. Dahil
napakita sa pelikula, ang malayong ugnayan ni Landon sa kanyang tatay na masasabi nating broken
family at may sariling pamilya na ang amahin at napakita din ang barkada ni Landon na isang kabataan at
paano sila mamuhay.

Kung papanuorin lang ang "A Walk To Remember" nang walang pag-aanalisa, hindi mapapansin ang
suliranin ng kwento. Ang suliranin sa pelikula ay ang pag-aalala ni Jamie kapag nahulog ang loob ni
Landon sa kanya at pinipilit niyang pigilan ang lalaki kahit na may nararamdaman din siya dito. Bakit ito
naging suliranin? Dahil alam ni Jamie na kapag naging sila ni Landon, mahihirapan lang sila dahil alam
niyang konti na lang ang natitirang sandali sa mundong ito. Meron kasing sakit ang babae na Leukemia na
isang uri ng kanser at tinigil niya ang paggagamot nita dahil gusto niyang mabuhay ng normal.

Mga Makabuluhang Tanong

1) Ano ang tunay na ibig sabihin ng salitang pag-ibig o pagmamahal?

2) Sa iyong palagay, kailan mo masasabi na tunay mong kaibigan ang isang kaibigan? Bigyang dahilan.

3) Sa iyong palagay, tama bang magalit ang anak sa magulang kung ito ang sumira ng kanilang pamilya
at iniwan siya para sa ibang pamilya?
Batay sa paksa, magsaliksik ng 10 konseptong tumatalakay at ito’y mula sa ideya ng iba’t ibang
eksperto, gamitin ang tamang pamamaraan sa pangangalap nito katulad ng paraphrasing o
tamang paggamit ng panipi.

Batay sa paksa ng pelikula, makakakuha tayo ng ilang konsepto na mula rito at ito’y batay sa mga teorya
ng ilang mga psychologist at mga manunulat at malalaking personalidad. Simulan nating talakayin ang
ilang konspeto tungkol sa pag-ibig.

Ayon kay Zick Rubin na isang psychologist, naniniwalang siyang nakakaramdam tayo ng pagkilala at
paghanga sa ibang tao, yung tipong gusto natin na kasama sila palagi at palaging na sa kanilang tabi.
Hindi ito matatawag na pag-ibig o pagmamahal. Ito ay isa lang pagkagusto sa taong ito. Ang pag-ibig ay
dapat may mas malalalim at mas matinding damdamin at may kagustuhang sa pakikibigayang loob at
malalim na ugnayan. Sinasabi ni Rubin na ang pagkagusto ay nasisiyahan sila sa pakikisama ng bawat isa
at ang pag-ibig ay siyang may pagpapahalaga sa ibang tao katulad sa kanilang ginagawa.

Ayon naman kay Elaine Hatfield na isa ding psychologist, kasama ang mga kaibigan niya sa kolehiyo,
may dalawang pangunahing klase ng pag-ibig, ang compassionate at passionate love. Malaki ang
pagkakaiba nang dalawa dahil ang compassionate ay tinutukoy lang na pagkapareho ng respeto, pagtingin
at tiwala, sa medaling salita, M.U. o Mutual Understanding. Sa kabilang banda naman, ang passionate
love naman ay masidhing damdamin para sa ibang tao, yung tipong gusto mo na siyang pakasalan.

Ukol naman sa libro ng isang psychologist na si John Lee noong 1973, parang color wheel lang ang pag-
ibig, ang tatlong primaryang kulay. Ibig niyang sabihin na may tatlong primaryang klase ang pag-ibig na
Eros, Ludos, at Storge. Ang Eros ay mula sa salitang grigeyo na ibig sabihin ay madamdamin o sekswal,
sinasabing pinagsamang pisikal at emosyonal na damdamin. Ang Ludos naman ay isa ding griyegong
salita na ibig sabihin ay laro. Ito ang klaseng pag-ibig na ayaw pang magpatali o masakal dahil gusto lang
ay laro lang at ayaw pa sa mga pasanin biling kasintahan o asawa. At ang huli ay ang Storge na isa ding
griyegong salita na nangangahulugang natural na pagmamahal. Karaniwang makikita ito sa pamilya,
magulang at sa mga anak pati na din sa mga kaibigan. Ito ang klase ng pag-ibig na nabubuo dahil sa
pagkakapareho ng interest at pasanin na sa kalaunan ay humahantong sa pagmamahal.
Ayon ulit kay John Lee, maaring pagsamahin ang primarya para makabuo muli ng bago. Kapag
pinagsama ang Eros at Ludos makakabuo tayo na tinatawag na mania na nanganghulugang
pagkahumaling sa pag-ibig. Ito yung tipong kaya nating gawin ang lahat para sa pagmamahal na ating
gustong maramdaman at kahit ano kaya nating isakripisyo para dito. Kapag Ludos at Storge naman ay
tinatawag namang Pragma na nangangahulugang makakatotohanan at praktikal na pag-ibig. Dahil ito ang
klase ng pag-ibig na merong pagmamahal pero larong talaga.. Mahal nila pero ayaw talaga sa
responsiilidad. Ang huli ay ang Agape na pinaghalong Eros at Storge. Ito ang pinakapanget sa lahat dahil
makasarili ito. Wala nang inisip kundi ang sarili. Wala siyang paki kung makasakit man siya ng nasa
paligid niya.

Ayon naman kay Robert Sternberg, may tatlong parte ang pag-ibig, intimacy, passion at commitment.
Mula sa tatlong ito maaring makabuo ng walong klase nang pag-ibig. Kapag pinaghalo mo ang intimacy
at commitment ay makakabuo ng companionate love at kapag passion at intimacy naman ay makakabuo
ng romantic love. Ayon kay Sternberg, ang napakahirap na maabot na klase na pag-ibig ay ang
consummate love dahil pinagsama itong intimacy, passion at commitment. At Ayon sa psychologist na
ito, napakabihira lang ang klaseng pag-ibig na ganito.

Magtungo naman tayo sa mga teorya o pananaw na patungkol sa relasyon ng pamilya at kaibigan.

Ayon sa teoryang Family System ni Murray Bowen, ang pamilya ay isang emosyanal na sekta na
gumagamit na isang complex interaction. Natural lang sa miyembro ng pamilya ang magkaroon ng
matinding samahan. Pero ang tao ay makakaramdam ng pagkalayo sa pamilya. Pero hindi ibig sabihin
nito ay di ka na parte ng pamilya at di ka nila mahal. Sinasabi din na hindi mapapaghiwalay ang bawat
isasa kanilang relasyon. Sabi nga, kahit anong mangyari, magulang mo parin sila o kapatid.

Ayon naman sa Social Exhange Theory, sinasabi na ang tao ay sinusubukang makipagmalapitan at
gayahin ang isang tao na may taglay na kagandahang loob o sa tingin nilang makakatanggap sila ng
parangal sa mga nagawa nila. Ihalintulad natin ang senaryo sa “A Walk to Remember”, lumapit si Landon
sa kanyang ama para humingi ng tulong dito sa pagpapagaling kay Jamie. Lumalapit lang tayo sa isang
tao kapag alam nating kailangan natin sila.

Ayon naman sa social learning theory, tinutukoy nito kung paano natututo ang tao sa pakikisalamuha sa
ibang tao. Natututo tayo sa mga bagay dahil sa mga taong nasa paligid natin. Sabi nga nila kung ano ka sa
labas, yun din ang ugali mo sa bahay ninyo. Nagrereflect lang ang mga natutunan mo sa iyong pamily sa
ibang tao. Pero maari din maiba ito dahil may ilan tayong di natutunan sa pamilya na natutunan sa ating
barkada.

Ayon naman sa Ben Franklin Effect, kapag ginawan natin ng hiling ang isang tao ay resulta,
magugustahan natin sila. Hindi naman natin gagawin ang isang bagay para sa ibang tao kung ayaw natin
sa kanila. Kung papansinin, ang mga taong tinutulungan mo ay napapalapit ang loob sayo. Kung
gagamitin natin ito sa ating kaaway, kapag madami nating sinasabihan ng masamang salita, the more na
magkakaroon tayo ng galit sa taong iyon.

At ang huli ay ang pananaw ng karamihan na “birds of a feather flock together”. Proven and tested na
ito dahil hindi naman magiging kaibigan ang kaibigan kung wala silang pagkakapareho. Nagkakaroon
tayo ng kaibigan dahil kaugali natin sila o di naman may bagay tayong pinagkakasunduan. Kung di kayo
magkaugali, sigurado akong kaaway mo ito dahil never magsasama ang tubig at mantika. Pero sabi nga
ng iba, ang magkaibang tao ay siya talagang nagclick sa bawat isa.
Sa mga eksenang ipinakita sa pelikula, magsaliksik ng limang katulad na maaaring paghambingan
ng pelikulang ito, ilagay ang pamagat ng pelikula, manunulat at direktor nito.

Maari nating paghambingin ang mga pelikulang Romeo and Juliet, Beautiful Creatures, The DUFF, The
Fault in Our Star at She's Dating the Gangster sa A Walk To Remember.

Mahihahambing ang eksena ng pagpapakasal nila Landon at Jamie sa kasalan ding nangyari sa Romeo
and Juliet na pinagdireksyon ni Carlo Carlie at sinulat ni Julian Fellowes na nakabatay sa isang play ni
William Shakespeare na may kaparehong pamamagat. Sa maagang edad, parehong nagpakasal ang
magkasintahan pero sa magkaibang dahilan. Nagpakasal sila Landon at Jamie dahil sa pagsang-ayon ng
kanilang magulang. Hindi katulad ng kila Romea at Juliet na nagpakasal para wala nang magawa ang
kanilang pamilya at hindi sila mapaghiwalay. Parehong trahedya ang kwento pero mas nakakalungkot ang
katapusan ng Romeo and Juliet dahil parehong namatay ang dalawa.

Sa Beautiful Creatures na pinagdireksyunan at sinulat ni Richard LaGravenese batay sa libro na may


kaparehong pamagat na sinulat nina Kami Garcia at Margaret Stohl, parehong nang pag-aalala ni Jamie
at pagpigil kay Landon na mahulog para sa kanya ay katulad ng ginawa ni Lena Duchannes. Alam niya na
di dapat mapamahal sa kanya si Ethan Wate at di niya mahalin ang lalaki dahil naiiba siya, galing sa
pamilya ng mga witch.

Sa The DUFF na pinagdireksyonan ni Ari Sandel at sinulat ni Josh A. Cagan na nakabatay sa libro ni
Kody Keplinger, halos magkaparehas ang pag-uugali ng mga pangunahing karakter. Si Wesley Rush at
si Landon ay parehong may itsura at pareho silang nahulog sa taong kabaligtaran nila.

Sa The Fault in Our Star naman na pinagdireksyonan ni Josh Boone at sinulat nina Scott Neustadter at
Michael Weber na kanilang binatay sa libro ni John Green na may kaparehong pamagat din, parehas na
may sakit na cancer ang babaeng karakter. Pareho ding silang mabait na anak sa kanilang magulang.
Katulad din sa kwento nila Landon na nagkakilala sila ni Jamie dahil sa pagsasama sa isang pagtatanghal
at sa pagtuturo ng bata, nagkasama si Hazel at Augustus sa isang support meeting at doon sila
nagkapalagayan ng loob. Di katulad ng sa “A Walk to Remember”, ang lalaki ang namatay dahil
nanumbalik ang sakit nito na cancer.

At sa huling pelikula na pwedeng ihambing sa "A Walk to Remember" ay ang masasabing Tagalog
Version ng pelikula na pinamagatang She's Dating The Gangster na pinagdireksyunan ni Cathy Garcia-
Molina na sinulat nina Carmi Raymundo at Charlene Bernardo na binatay sa libro ni Bianca
Bernardino na unang nabasa ng mga kabataang Filipino sa Wattpad. Parehong-pareho ang takbo ng
istorya mula sa karakter nito. Si Athena Dizon ay meron ding sakit na nakakamatay katulad din kay Jamie
at Si Kenjie naman ay isa ding rebeldeng kabataan at kapag nahulog ay gagawin ang lahat para sa
minamahal katulad din kay Landon.
Sa tatlong mahahalagang tanong na isinulat, bigyang ito ng kasagutan at magsaliksik ng iba’t ibang
ideya o pananaw mula sa mga manunulat at eksperto upang matalakay ang mga katanungan ito.

1) Ano ang tunay na ibig sabihin ng salitang pag-ibig o pagmamahal?

Sa panahon ngayon, madami na ang ibig sabihin ang salitang pag-ibig. Iba’t ibang pananaw ang tinginin
sa salitang ito. Dahil dito, hindi na natin alam kung ano ang papaniwalaan lalo na kung may mga
napakong pangako ang mga mahal natin. Katulad ng “Mahal na mahal kita. Di kita iiwan.”, ilang beses na
yan sinasabi pero di pa rin natutupad. Sa mga pangakong napako ay nababago ang pananaw natin sa
salitang pag-ibig pero ano nga ba ang tunay na ibig sabihin nito?

Ayon sa aklat ni San Pablo, "Ang pag-ibig ay matiisin... may magandang loob;... Ang pag-ibig ay
handang ibuwis ang kanyan buhay para sa Kanyang mianmahal... hindi nananaghili, hindi nagmamapuri,
hindi palalo; hindi lumalabag sa kagandahang-asal, di naghahanap ng para sa sarili, di nagagalit, di nag-
iisip ng masama; hindi natutuwa sa kasamaan, ngunit ikinagagalak ang katotohanan...". Kung titignan sa
panahon ngayon, ang pag-ibig ay hindi na matiisin at may magandang loob dahil ang mga kabataan
ngayon minamadali ang pag-ibig na akala mo ay maabusan ng hotdog o mani. Ginagawang prioridad ang
pag-ibig kaysa sa pag-aaral. Kaya, puro palakol ang laman ng report card. Pwede na ngang magbenta ng
palakol eh, wholesale pa.

Ayon naman sa ibang tao, hindi ka nagmamahal kung di ka nasasaktan. Kapag pag-ibig ba, kailangan mo
munang masaktan at magpakatanga para masabi mong nagmamahal ka? Di ba pwedeng di masaktan sa
salitang pag-ibig? Nakakasawa na kayang masaktan.

Ayon naman sa ilan, ang pag-ibig ay walang kasi-kasi o walang pero-pero. Kapag mahal mo, mahal mo
talaga. Wala ka nang mamagagawa kapag tinamaan ka na nang pana ni kupido, kundi sundin ito.
Ayon naman sa iba ay masakit ang salitang pag-ibig. Lagi na lang daw silang nasasaktan at naiiwan. May
ilan pa daw na kinitil ang buhay dahil ditto. Nagpakamatay dahil iniwan ng minamahal.

Kung ako ang tatanungin, ang pag ibig ay sadyang malalim ang kahulugan, walang eksaktong kahulugan
at walang maling kahulugan. Malalaman mong umiibig ka na pag ikaw ay nahuhulog na. Kung ano man
ang pagbibigay kahulugan mo sa pag-ibig ay siyang tunay na kahulugan ng pag-ibig, may kanya-kanya
tayong pananaw.

2) Sa iyong palagay, kailan mo masasabi na tunay mong kaibigan ang isang kaibigan? Bigyang
dahilan.

Paano mo nga ba malalaman kung totoong kaibigan ang isang tao at hindi ka nito niloloko. Uso na kasi
ngayon ang pangangahas. Yung kakaibiganin ka lang dahil may kailangan sayo at one day, malalaman
mo na lang na inahas ka niya. Madami na akong naririnig na kwento nang pangangahas at pang-john
Michael na nanjohn lang kapag michaelangan lang. Maski ako nakaranas ng mga bagay na iyan. Di ko
kasi tinitignan mabuti ang mga tao sa paligid ko, kaya naabuso na ako ng lahat.

Ayon sa ibang tao, kapag ang kaibigan mo ay isang plastic. Yung tipong ang bait-bait niya kapag
nakaharap tong tao pero kapag nakatalikod na, wala na. Puro kasiraan lang ang sinasabi niya tungkol sa
taong iyon. Sa mga panahon na ganon, magtaka ka na dapat.Totoo mo ba siyang kaibigan at ganun din ba
siya kapag nakatalikod sayo? Dapat kitilasin ng mabuti ang kaibigan, baka sinisiraan ka na pala niya.

Ayon din sa ilan, di mo totoong kaibigan ang isang tao kung mukha itong pera. Yung tipong inuubos niya
ang allowance mo sa pagpapalibre niya araw at kapag wala ka na di ka niya tinutulungan. Kung ako sayo,
ipapatapon ko na iyun sa Bermuda triangle. Di ka niya nanay o atm para manghingi nang mahingi.

At kung may kaibigan ka daw na ingitera, iwasan mo na daw ito dahil may pagkakataon itong tirahin ka
niyang patalikod. Malay mo isang araw, lahat ng sinabi mo sa kanya ay gawin niyang panlaban sayo para
maagaw lahat ng meron ka.
Kung ako ang tatanungin, masasabi mo lang na tunay na kaibigan ang isang tao kung hindi ka niya
iniiwan kahit ano mangyari. Nandyan siya kapag may problema ka. Tutulungan ka sa mga pinagdadaanan
mo. Nandyan siya para maging sandalan mo siya kapag ikaw’ nalulungkot at naiiyak. Yun ang aking
pamantayan sa pagiging tunay na kaibigan dahil ang tunay na kaibigan ay hinding naiiwan at may
hangarin na patagalin ang pagsasama pang habang buhay.

3) Sa iyong palagay, tama bang magalit ang anak sa magulang kung ito ang sumira ng kanilang
pamilya at iniwan siya para sa ibang pamilya?

Sa mga panahon na may tampo ako sa aking magulang, napapaisip ako kung may karapatan ba akong
magalit sa kanila. Dapat ko bang isisi sa kanila ang lahat nang nagyari sa akin. May kasalanan ba sila sa
akin para ako’y magalit sa kanila. Yang ang palaging umiikot sa aking isipan. May karapatan ba ako na
magtanim ng galit sa kanila?

Ayon sa nakakatanda, mali daw ang magalit sa ating mga magulang. Wala din tayong karapatan para
magalit at magbitaw ng masasamang salita dahil nasa ilalim pa rin tayo ng kanilang poder. Sa tuwing
maririnig ko yang dahilan na iyan, gusto ko sanang itanong bakit wala kaming karapatan para sabihin
tong nararamdaman naming kahit sobrang sakit na. Sila lang ba ang may karapatan na maglabas ng sama
ng loob? Wala ba kaming kapangyarihan para ipagtanggol ang sarili?

Ayon naman sa iba, wala daw kami karapatang magalit sa kanila dahil magulang pa rin natin sila. Sa mga
panahong maririnig ko yan, gusto kong magmura. Bakit? Simula ng masira ang pamilya namin, wala na
akong tinuturing na tatay. Matagal ko nang kinalimutan na may ama ako. Wala akong ama na parang aso
kung makakadyot sa iba’t ibang babae na harapan sa dalawa kong musmos mata nung ako’y bata pa. Ang
malala pa dito nagkaroon pa ito ng bunga. Saklap noh?

Kung titignan naman talaga, wala talaga akong karapatan magalit kay papa dahil hindi naman siya ang
gumawa ng buhay ko, kundi ako. Pero kalahati noon, may kasalanan din siya. Namulat ako sa
kasinungalingan sa mumos na panahon sa kababuyan sa mundong ito.
Kung titimbangin ulit, para sa akin may karapan naman magalit ang mga anak sa kanilang magulang lalo
na kung sinira nito ang pamilya ninyo. Pero dapat kailanganan natin itong timbangin at bigyang
limitasyon. Kahit paano, mas matanda pa rin sila sa atin at anak pa rin nila tayo kahit anong mangyari.
Wag itanim ng panghabang buhay ang galit sa puso at baka magsisi ka sa bandang dulo.

Wag tayong magpadala sa bugsok ng damdamin at wag nating sabihin na wala na tayong magulang dahil
kahit anong gawin natin sa mundong ito, sila’t sila pa rin an gating magulang. Sila lang ang matatakbuhan
natin sa mga panahon na kailangan natin ng tulong. May nagawa man silang mali sa atin, mahal pa rin
nila tayo kahit iniwan tayo o napagalitan. Ayon nga sa teoryang Family System ay hindi natin
mapapaghiwalay ang bawat isa sa relasyong ito. Babalit at babalik din tayo sa ating pinagmulan. Ang
hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan, ika nga ni Gat Jose
Rizal.
Ibigay ang mensahe, aral, tono o damdaming nangingibabaw sa napanood. Magtala ng tig-tatatlong
at ipaliwanag nang patalata.

May ilang mensahe, aral at damdaming nangingibabaw sa pelikulang “A Walk to Remember”. Unahin
natin ang tatlong mensahe na gustong iparating sa mga manonood. Hindi lahat ng himala ay nakikita
palagi at napapansin. Hindi alam ni Landon na naipakita niya ang himala kay Jamie at napagtanto lang
niya ito ng sinabi ito ng tatay ng babae. Kahit anong galit mo sa magulang mo, mamahalin at
mamahalin ka nila at magulang mo pa rin sila kahit anong gawin mo. Nagalit si Landon sa tatay niya
pero patuloy pa rin siyang minamahal nito at tinulungan ng palihim sa pagpapagaling sa kasintahan.
Kapag tinamaan ka ng pana ni Kupido ay wala ka nang magagawa kundi sundin. Katulad ni
Landon, hindi niya akalain na mahuhulog siya para kay Jamie na kanyang kababata.

Ang aral ay hindi pa huli ang lahat para makamtam ang kasiyahan. Kahit nalaman ni Landon na
malapit nang mamatay ang kasintahan, hindi siya lumayo dito subalit nanatili siya sa tabi nito at ginawa
niya ang lahat para mapasaya ito at para mapagaling ang kasintahan. Hindi lahat ng kaibigan natin ay
mabuti at tunay. Ang tunay at mabuting kaibigan, tutulungan ka nila sa pag-angat sa mundong ito, hindi
itong sila pa ang magiging dahilan ng pagbagsak mo. Katulad nangyari kay Landon, sa halip na tulungan
siya ng kanyang mga tinuturing na kaibigan na mapalapit kay Jamie pero siniraan pa nila ito sa buong
paaralan. Ang huling aral ay may tunay na pag-ibig. Kahit ilang bese man tayong masaktan dahil sa
ibang tao, makakahanap rin tayo ng parang si Landon. Kahit patay na si Jamie, patuloy pa rin niya itong
minamahal kahit anong mangyari.

Ang nangingibabaw na damdamin sa pelikula ay lungkot, pag-asa at kilig. Lungkot dahil namatay si
Jamie sa dulo ng pelikula. Pag-asa dahil puno ng pag-asa ang karakter ni Landon na magiging magaling si
Jamie at makakasama niya pa ng matagal. Kilig dahil sa mga effort na ginawa ng lalaki para sa babae.
Kahit nalaman niyang may sakit at may taning na ang buhay, hindi niya pa rin iniwan at patuloy pa rin
niyang minamahal.
Bilang kabataan, mag-aaral at mamamayan, naka-relate ka bas a pelikulang napanood?

Lubusang ako naka-relate sa “A Walk to Remember” dahil medyo kaugali ko si Landon at patungkol ang
pelikula sa buhayn ng mga kabataan. Naging magkaugali kami ni Landon sa bandang may sama ako ng
loob sa aking ama dahil nagkaroon ito ng bagong pamilya. Lumalapit lang ako kay Papa kapag kailangan
ko ng allowance at ng gamit. Kay mama lang talaga ako sumasama kahit paano. Di ako gaanong malapit
kay papa dahil na din sa pagkakaroon ng bagong pamilya. Pero kahit naman galing akong broken family,
hindi ito naging hadlang sa akin para pagyabungin ang aking pagkatao.

Madaming senaryo ang pinakita na patungkol sa pagiging kabataan. Simula natin sa simula. May ilang
grupo na bago ka mapasali sa kanila, kailangan mo munang dumaan sa pagsubok. Madalas ginagawa ito
kapag mga frat o varsity. Madalas kapag may nalabag ka sa rules and regulation ng paaralan, madalas
may kapalit itong kaparusahan at pagkasuspende sa klase. Madami din akong kilala na parang Landon at
Jamie na magsyota na kaibigan ko. Napakalayo ang personalidad nila pero sobrang click nilang dalawa.
Sabi nga diba, naaattract ang magkaibang bagay. Halimbawa na lang tong magnet, di pwedeng
magkapareho dahil maglalayo lang ito, dapat magkaiba para magsama.
Ipinakita ba ng manunulat at gumawa ng pelikulang ito ang kabisaan, kawilihan at
pagkamalikhain? Patunayan.

Mahusay na napakita ang kabisaan at kawilihan at pagkamalikhain ng manunulat at direktor nang “A


Walk to Remember. Mahusay na ginawa ang screenplay ni Karen Janszen. Halos walang pagbabago ang
takbo ng kwento at halos kaparehong-pareho ang kwento sa libro. Wala ako masabi sa kanya.
Napakagaling niyang manunulat. Nagawa niyang gawan ng screenplay na walang halos binabago.

Ang direktor ng pelikula ay isang napakagaling na si Adam Shankman. Nabigyang hustiya niya ang
kwento ni Nicholas Spark. Naparealistic ang pagkakagawa at nakakaiyak talaga siya katulad ng nasa
libro. Masasabi ko ding isa siya sa mga natatanging direktor sa buong mundo dahil ang ganda ng
pagkakagawa at kung di dahil sa pagdireksyon niya, sigura di mabibigyang buhay ang “A Walk to
Remember”. Wala akong masabi sa kanila. Sila na talaga.
Sa iyong palagay, ipaliwanag kung bakit ang wakas ng pelikula ay ganoong eksena natapos? Kung
ikaw ang magwawakas ng napanood, paano mo ito bibigyang wakas at ang mga posibilidad na
mangyayari pa sa hinaharap?

Sa aking palagay, ganon ang katapusan ng “A Walk to Remember” dahil sabi nga tinigil ni Jamie ang
pagpapagamot at theraphy sa leukemia. Kaya sa bagay na iyon, maari nating masabing mamatay siya
dahil kakalat naman ang cancer cell sa katawan niya. Kung maggagamot pa si Jamie, huli na ang lahat
dahil sigurado na nakumalat na ito sa buong katawan at wala nang pag-aasang gamutin pa. Sa tingin ko
din ganon ang katapusan dahil karamihan naman ng kwento kapag may sakit ang bida, madalas mamatay
ito. Katulad na lang sa The Fault in Our Star, namatay si Augustus dahil katulad ng kay Jamie, akala nila
magaling na si Augustus pero nanumbalik ito at di na kayang gamutin.

Kung ako ang gagawa ng sariling katapusan ng pelikulang “A Walk to Remember”, pipiliin ko ding
mamatay din si Jamie pero may anak sila ni Landon, kambal, isang lalaki, isang babae. Nagkaroon sila
nang anak pagkatapos ng isang taong pagpapakasal nila. Ang pangalan ng lalaki ay Jan London at ang
babae naman ay Jasmine na nakabatay sa pangalan ni Jamie. Namatay man si Jamie, may naiwan namang
alaala. Aalagaan ni Landon ang kanilang anak at hindi na siya magmamahal ng iba at itutunon na lang
ang lahat ng oras sa mga anak.
Ibigay ang iyong personal na saloobin o reaksyon bilang pangwakas at huling pananalita sa
pelikulang napanood. Ang mga katulad o ganitong uri ba ng pelikula ay dapat panoorin?
Ipaliwanag.

Napakaganda ng “A Walk to Remember”, kikiligin ka at iiyak. Pero mas lamang ang kilig dahil ang dami
ng kilig moments nila Landon at Jamie. Aaamin ko na kinilig ako sa kanilang dalawa kahit lalake ako.
Sobrang sweet naman kasi nila yung tipong dinaig pa nila ang chocolate sa duty free sa sobrang sweet.
Sana magawa ko yung relasyon ng dalawa sa magiging relasyon ko in the near future. Nakakaproud tong
relasyon nila dahil sabay nilang hinarap ang problema at walang iwanan na nangyari. Relationship Goals
ika nga ng iba.

Hands up sa production ng pelikula at sa mga artistang gumanap. Napakagaling. Wala akong masabi.
Napaiyak ako ng todo lalo na nung sinabi ni Jamie na may leukemia siya at tumakbo si Landon sa tatay
niya para humingi ng tulong para mapagaling ang kasintahan. Pero mas napaiyak ako at natouch nang
nagtungo muli si Landon sa kanyang tatay at nagpasalamat na tinulungan ang kanyang iniirog, at
nagyakapan silang dalawa sa tapat ng pintuan. Kung bibigyang pagkakataon, gusto ko siyang bigyan ng
Best Movie of All Time sa sobrang ganda.

Karapat-dapat panuorin ang mga ganitong klaseng pelikula kasi di saying tong panahon mo at pera kapag
nanood ka. May mapupulot kang aral at mabubuhayan ka na sumugal muli sa salitang pag-ibig. Sa
pelikulang ganito ay ipapaalala sayo na may tunay na pag-iibig at nag-eexist pa rin ito. Open minder din
ito dahil mapapaisip ka kung tama ba tong ginagawa mo sa iyong magulang o hindi. Ito din ang klase ng
pelikula na magpapaniwala muli sayo sa mga himala. Himalang matagal mo nang kinalimutan. Kaya,
kung ako sayo, panuorin mo na ang “A Walk to Remember” at mga ganitong pelikula. Promise. Peksman.
Worth it siya. Di katulad ng effort mo na binalewala lang niya para sa ibang tao.
Talaan ng mga Sanggunian

Hatfield, E., & Rapson, R. L. Love, sex, and intimacy: Their psychology, biology, and history. New
York: HarperCollins; 1993.

Lee, J.A. The Colors of Love. New York: Prentice-Hall; 1976.

Rubin, Z. "Measurement of romantic love." Journal of Personality and Social Psychology, 1970, 16: 265-
273.

Sternberg, R.J. The Triangle of Love: Intimacy, Passion, Commitment. New York: Basic Books; 1988.

Kerr, Michael E. “One Family’s Story: A Primer on Bowen Theory.” The Bowen Center for the Study of
the Family. 2000. http://www.thebowencenter.org.

https://www.extension.purdue.edu/purplewagon/flemat-qat/pdf/family_theories.pdf

http://changingminds.org/explanations/theories/ben_franklin_effect.htm

http://www.imdb.com/title/tt1645131/

http://www.imdb.com/title/tt1559547/

http://www.imdb.com/title/tt1666801/

You might also like