Alamat NG Pinya, Makahiya, at Rosas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ALAMAT NG PINYA

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang


malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang.
Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak.
Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang
ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na
alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya’t
pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at


makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto
ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil
sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog.
Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya
kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya’t napilitan si Pinang na


gumagwa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya
makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito.
Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng
ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad
tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong
ng anak kaya’t nawika nito:
“Naku! Pinang, sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang
makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong
sa akin.”

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si


Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap.
Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa.
Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan
siyang bumangon at naghanda ng pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa.


Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung
nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si
Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang


bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halaman iyon.
Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito’y magbunga. Laking
pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito.
Ito’y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pinang,
na sana’y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang
kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking
pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan
niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang. Sa palipat-
lipat sa bibig ng mga tao ang Pinang ay naging Pinya.
ALAMAT NG MAKAHIYA

Ang mag-asawang Mang Dondong at Aling Iska ay mayaman at


may kaisa-isang anak. Mahal na mahal nila ang labindalawang
taong gulang na si Maria. Napakabait at masunuring bata si
Maria. Sa kabila ng magandang katangiang ito ni Maria, ang
pagkamahiyain ay kaakibat ng kanyang katauhan. Ayaw niyang
makipag-usap sa ibang tao kung kaya’t nagkukulong lamang siya
sa kanyang silid para lamang makaiwas sa mga ito.

Si Maria ay may taniman ng mga magagandang bulaklak. Ang


kaniyang mga bulaklak ay sadyang napakagaganda kung kaya’t
ang mga ito ay kilalang-kilala sa kanilang bayan.

Isang araw, ang kanilang bayan ay pinasok ng mga bandido.


Pinapatay nila ang bawat masalubong at kinukuha ang anumang
mahahalagang bagay. Sa takot na mapahamak si Maria, itinago
siya ni Mang Dondong at Aling Iska sa bunton ng mga halaman.
Si Aling Iska ay nagtago sa loob ng kabahayan, samantalang si
Mang Dondong ay nakahandang salubungin ang pagdating nga
mga bandido.

“Diyos ko! Iligtas mo po ang aking anak.” Dasal ni Aling Iska.

Nang walang anu-ano’y bumukas ang pintuan ng kanilang bahay.


Si Mang Dondong ay walang nagawa nang pukpukin siya sa ulo
ng mga bandido. Nagtangkang tumakas si Aling Iska ngunit tulad
ni Mang Dondong, siya rin ay nahagip at nawalan ng malay-tao.
Naghalughog ang mga bandido sa buong kabahayan. Matapos
samsamin ang mga kayamanan ng mag-asawa ay hinanap nila si
Maria ngunit sila ay bigong umalis. Hindi nila natagpuan si Maria.

Nang matauhan ang mag-asawa, ang kanilang anak na si Maria


ang agad nilang hinanap. Patakbo nilang tinungo ang halamanan.
Laking lungkot ni Aling Iska ng hindi matagpuan ang anak. Nang
walang anu-ano’y may sumundot sa paa ni Mang Dondong.
Laking pagtataka niya nang makita ang isang uri ng halaman na
mabilis na tumitikom ang mga dahon.

“Anong uri ng halaman ito? Ngayon lang ako nakakita nito!” Ang
may pagkamanghang sabi ni Mang Dondong.

Tinitigang mabuti ng mag-asawa ang halaman, at doon nila


napagtanto na ang halamang iyon ay walang iba kundi si Maria.
Ginawa siyang halaman ng Diyos upang mailigtas sa mga
bandido.

Hindi mapatid ang pagluha ni Aling Iska at laking pagkagulat na


muli ni Mang Dondong na bawat patak ng luha ni Aling Iska, ito
ay nagiging isang maliit at bilog na kulay rosas na bulaklak.

Magmula noon, ang halamang iyon ay inalagaang mabuti ng


mag-asawa sa paniniwalang ito ang kanilang anak. Tinawag nila
itong Makahiya, tulad ng isang katangian ni Maria.
ALAMAT NG ROSAS

Noong unang panahon ay may isang magandang dalaga mula sa


malayong bayan ng Tarlac na Rosa ang pangalan.

Bukod sa iwing ganda ay nakilala rin si Rosa na gagawin ang lahat


para mapatunayan ang tunay na pag-ibig.

Ayon sa kwento, nakatakda nang ikasal si Rosa kay Mario nang


matuklsang may malubhang sakit ang lalaki. Sa kabila ng lahat ay
pinili ng dalaga na pakasal sila para mapaglingkuran ang lalaki
hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito.

Gayunman ay hindi pumayag si Mario. Anang binata ay sapat na


sa kanya na baunin ang pag-ibig ng dalaga sa kabilang buhay.

Pinaglingkuran ni Rosa si Mario. Hindi siya umalis sa tabi nito. Ang


ngiti niya ang nasisilayan ni Mario sa pagmulat ng mata at ang
kanya ring mga ngiti ang baon nito sa pagtulog.

Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling bagay na nasilayan ni Mario
bago panawan ng hininga.
Ang mga ngiti ni Rosa ay hindi napawi kahit nang ilibing si Mario.
Nang tanungin kung bakit hindi nawala ang ngiti sa mga labi ay
ito ang sabi niya.

“Alam kong nasaan man si Mario ay ako lang ang babaing


kanyang minahal. At alam ko rin na maghihintay siya sa akin para
magkasama kami at hindi na maghihiwalay pa.”

Naging inspirasyon ng iba ang ipinakitang lalim ng katapatan at


pagmamahal ni Rosa sa katipan.

Bago namatay ay hiniling ni Rosa na sa tabi ng puntod ni Mario


siya ilibing. Kakatwang may tumubong halaman sa kanyang
puntod at kayganda ng naging mga bulaklak.

Tinawag nilang rosas ang mga iyon bilang alaala ng isang


dalagang simbolo ng tunay ng pag-ibig.

You might also like